PART II: Nomar Pardo's father speaks out on criminal case filed by widow Lorayne

Nomar Pardo's father, Ramon (left), and Nomar's widow Lorayne Pardo (right), have set their eyes on justice. Settlement with the Gutierrezes (inset) is out of the question, says their legal counsel.


Nagbigay rin ng kanyang panig ang ama ni Nomar Pardo na si Mr. Ramon Pardo tungkol sa naging desisyon ng kanyang manugang na si Lorayne Pardo. Sinampahan ni Lorayne ng criminal complaint— Reckless Imprudence Resulting to Homicide—si Richard Gutierrez noong Huwebes, Hulyo 23.

Kinabukasan sa press conference na isinagawa ng pamilya Pardo sa opisina ng Abbas Law Firm (humahawak ng kaso), isinalaysay ni Mr. Pardo kung paano niya naobserbahan ang pagbabago ng ihip ng hangin.

Panimula ni Mr. Pardo: "When we found out, magulo yung isip mo, e. Ang iniisip mo yung namatay mo. Wala kang iniisip na demanda, so at that time, wala. Kaya nga nung before the cremation, during the mass, alam mo yung isip ko, pasalamat dun sa mga tao, dun sa mga tumulong to share our grief, di ba?

"I thanked them. GMA, sila ang nagbayad, and also his company [Royal Era Entertainment and Artist Management] which hired Nomar, kompanya nila Richard."

Sa hiwalay na panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. Pardo, sinabi nitong noong simula ay natuwa raw siya sa suporta at pagmamahal na ipinapakita ng mga Gutierrez sa kanyang anak. "Yun kasi, it spoke so much of how he was when he was still alive. Mabait talaga ang anak ko."

Patuloy na kuwento niya, "Alam mo kasi, yung interview kay Richard, nanonood tayo. 'Akong bahala sa ganito...' Parang nung una, sabi ko kay Annabelle, nakita ko umiiyak yung mga artista [mga talents ni Annabelle na naging kaibigan ni Nomar], walang script, e."

Pero nang maglaon, napansin niya na nagkaroon ng pagkakaiba sa tono ng pananalita: "Ngayon, may script na, e. Ayoko yun. Pati si Richard, may script na. Scripted na ng nanay niya. I do not like that. So if Lorayne would decide to file a case, so be it.

"Ayoko yung ano... Kasi kami naman, in our own humble self, pumayag na kami, e. 'Ito [ang] matutulong namin,' hindi naman namin hiningi. I never felt the need to talk. Hindi naman namin hiningi, yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa press conference, tinanong si Mr. Pardo: Kinonsulta ba siya ni Lorayne tungkol sa halaga ng financial support na balak ibigay ng pamilya Gutierrez?

Sagot ni Mr. Pardo, "Well, that was the offer. 'Ito lang ang kaya namin maitulong sa 'yo, [sabi ni Annabelle]'. Sabi ko, 'Lorayne, it's up to you. Anyway, every now and then, nagkikita tayo, they can help you with the kids, di ba?

"So sabi ko, if you decide to accept it, go ahead. If not, then let's talk about it. Sabi niya, 'Sige na, Pa. Okay na, para wala nang gulo.' Sabi ko, 'Sige.' That was the time nung nag-offer-offer sila. But we never asked."

RICHARD NEVER SAID 'I'M SORRY'. Hindi raw lubos-maisip ni Mr. Pardo na hahantong sa demandahan ang mga pangyayari. Kung pang-unawa ang pag-uusapan, naibigay daw iyon ng pamilyang Pardo, kahit pa sila ang namatayan.

"During the first part, akala mo parang drama ito? I felt they were sincere. Then later on, I felt that they were not sincere. So, nasasaktan ka, namatayan ka na, ganyan ka pa. Di ba, inipit ka pa? Pangit," ang malumanay ngunit madiin na pahayag ng ama ni Nomar.

Maging sa panaginip ay tila inaalala ng kanyang anak ang mga apo niya, lalo na nitong nakaraang buwan, noong hindi niya makontak sina Annabelle at Richard.

Ayon sa kanya, "Napapanaginipan ko yung anak ko, e. Sabi ko, 'O, buhay ka pala.' Nawala. Karga niya yung bunso.

"Sabi ko, 'Bakit ganito?' Tapos, naririnig ko yung usapan, nagiging walang usapan. Sabi ni Lorayne, 'Pumayag na ako, Papa. Sige na lang. Mabubuhay naman tayo, para wala nang gulo.'

"Sabi ko, 'Idemanda mo na.' Sinabihan ko si Annabelle, sabi niya, 'Idedemanda mo 'ko? Sige.'"

Sa pagbabalik-tanaw ni Mr. Pardo ng mga pagkakataong nagkita o nagkausap sila ni Richard, ni minsan hindi raw ito humingi ng paumanhin sa kahit sino sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, when Richard saw me, nare-recall ko na. After that incident, ma-recall mo na kung anong nangyari. I shook his hand, I was even the one who said, 'How are you? Are you ok?' [Sagot niya] 'I'm okay.' Ayun lang, tapos tinginan lang kami. Yun lang. I can never recall that he said 'I'm sorry it happened'. Honestly."

Paano kung ngayon ay humingi si Richard ng paumanhin?

"Sa ngayon? Hindi ko alam, e," mabilis na sagot ni Mr. Pardo. "Sana noon pa niya ginawa. Kung talagang gusto niyang humingi ng tawad. Kahit sabihin mong aksidente, sana noon pa. Kahit pigilan siya o anuhin siya ng mommy niya. On his own, manggaling mismo sa kanya. How old is he? He's 25 years old. He can decide on his own. Kahit anong gawing harang ng mommy niya, puwedeng-puwede kung gugustuhin niya.

"Kasi, maraming konsiderasyon. Una, empleyado mo, kasa-kasama mo. Maski sabihin nating hindi ikaw ang dahilan kaya namatay yun, i-comfort mo yung asawa. E, kasalanan mo, kaya nagkaganun. Kakausapin ka lang ng asawa, e, hindi ka makausap. Parang hindi Pilipino."

BURNING BRIDGES. Sa desisyon nilang magdemanda, tinuldukan na ng kanilang pamilya ang pagkakataong makatulong ang mga Gutierrez sa mga anak ni Nomar.

Aminado si Mr. Pardo na wala pang kasiguruhan ang hinaharap ng kanyang mga apo, pero nanindigan ito sa pagsasabing, "Hindi naman kami magugutom."

Aniya pa, "Never namin naisip na manghingi ng pera. Hiniling ko personally kay Annabelle na ang iisipin ay ang aking mga apo, pero kung anong klase ng suporta o ano ang halaga, wala kaming sinabi. Sila ang nag-offer, na hindi naman dumating.

"Kahit mag-offer sila ng malaking amount, hindi naman nila matutumbasan yung buhay na nawala, e. Kahit mag-offer sila ng malaking amount, hindi nila matutumbasan ng pera ang buhay ng ibang tao na nawala."

NO TO SETTLEMENT. Sa ngayon, wala sa plano ng mga Pardo ang salitang "settlement."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinuran ni Atty. Firdausi Abbas, may-ari ng law firm: "Mrs. Pardo signed an agreement with us. The moment she withdraws this criminal complaint, she will be liable to be asked by the law firm for a certain amount. Because we would never agree to be a collection agent. Atty. Ombra Jainal [the counsel] is the former Solicitor General of the Autonomous Region for Muslim Affairs under Governor Misuari. And he himself will not agree to be a collection agent, nor would I.

"As far as the law firm is concerned, we're not going to settle. If she [Lorayne] will settle, she will be paying the law firm penalty which will be imposed on her. That's not a small amount. It's 300,000 [pesos].

Saan ba nila gustong humantong ang reklamo? Walang danyos na hinihingi, ang gusto ba nila ay makulong si Richard?

"Well, definitely. That's the purpose of filing the criminal complaint. We believe we have a very strong case," sagot ni Atty. Abbas.

Nang ibaling ang tanong tungkol sa settlement sa asawa ni Nomar, ang sagot niya: "Sana kung gusto nilang tumulong, noon pa. So kung sa settlement, di ko masasagot. Kasi ito na, e. Eto na yung pruweba ko, e."

Sinegundahan naman ito ni Mr. Pardo: "So sabi nga, hindi 'to pera. Hindi pera ang pinag-uusapan dito, hustisya."

Click here to read PART I.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN