Ryan Agoncillo says home station 2 hasn't been pressuring him to return now that he has hit show on Channel 5

Ryan Agoncillo credits ABS-CBN for allowing him to work at another station while offers were few and far between at his home network. Now he has a winner in ABC5's Talentadong Pinoy, which just topped the rating polls for the primetime slot.


Laking tuwa ni Ryan Agoncillo nang dalawin siya sa taping ng hini-host niyang Talentadong Pinoy ng big boss ng TV5 na si Tonyboy Cojuangco, para i-congratulate sa tagumpay sa ratings ng number one talent show sa bansa ngayon. Last July 11 nga ay naabot ng Talentadong Pinoy ang highest rating na 26.2 percent, na naglagay sa show sa number one position sa Saturday primetime at tinalo pa ang mga top rating shows ng GMA-7 at ABS-CBN. Na-maintain din nito ang mataas na rating nang sumunod na Sabado.

Dumalaw sa taping ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at nasaksihan namin ang tagpong ito sa pagitan nina Tonyboy at Ryan. Biniro pa ni Tonyboy si Ryan na baka bawiin na siya ng ABS-CBN dahil nagna-number one na ang Talentadong Pinoy. Todo tanggi naman si Ryan at sinabi pang mag-i-stay siya as host ng Talentadong Pinoy.

NO PRESSURE FROM ABS-CBN. Ito rin ang malaking tanong kay Ryan nang ma-interview siya ng PEP at iba pang press bago nagsimula ang taping. May pressure ba siyang natatanggap mula sa home network niyang ABS-CBN dahil sa nagre-rate ang show niya sa ibang istasyon?

"Oh no. Not at all. I give credit to my mother station. They realize naman last year when opportunities are far and between for me, and TV5 came with the offer. Of course I grab the offer. And then, when we were doing well na, hindi naman ano... last night nga I was with Direk Lauren [Dyogi] and Deo Endrinal [ABS-CBN Business Unit Head], and their congratulations I would think we're heartfelt. I've worked with Direk Lauren before. Last year kami ang magkasangga sa Fear Factor. So he was genuinely happy for me, so was Deo. I was with Tita Cory [Vidanes], two weeks ago, wala namang ganun [pressure]. And ako, I give so much credit to them for allowing me to have work somewhere else. The truth is I have to work," pag-amin ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may contract ba siya sa ABS-CBN?

"I am a Kapamilya definitely, kung exclusivity ang pag-uusapan, loyalty goes to them. The contract is not exclusive, but of course, yung loyalty ko nasa kanila. On a personal level, yung loyalty ko is with them. But the contract walang exclusivity.

"Now with regards to GMA, let's say I'm promoting a Regal movie... when we guest, in let's say Eat Bulaga! or Bubble Gang or Master Showman, may paalam, may pasabi. And ano naman, hindi sila maramot sa ganun. So, maganda yung relationship when it comes to TV5 and ABS-CBN."

Pero paano kapag dumating yung point na magkaroon na ng pressure from his mother studio, bibigay ba siya?

"Ayoko siyang isipin, sa totoo lang. Ayoko siyang dumating. Kumbaga, sa tingin ko, sa tiwala ko sa mga katrabaho ko, hindi dadating sa ganung punto. I have so much faith and there's so much respect with the people I'm working with. Hindi sila maggaganun. Kasi we all need to work."

COPYCAT SHOWS. Halimbawa, hindi nga siya i-pressure ng ABS-CBN na bitawan ang Talentadong Pinoy, pero paano kung gumawa naman sila ng show na katulad ng format ng show niya at pareho rin ng time slot?

"It's a free market, I guess. How would I feel? I guess, ano yan e, maganda. Kasi free market naman tayo e. It's okay. But of course, nandiyan na yung mga biru-biruan. Nagkakaroon na ng biruan na halimbawa tatapatan nila, malamang yung executive producer ng show na yun either nakatrabaho ko na dati or katrabaho ko sa ibang show naman. But then really sometimes we can't avoid that. Ang liit lang ng showbiz, e. So, if they do it, okay.

"Yun nga yung sinasabi nila sigurong... hindi ba ang bida, hindi naman puwedeng maging bida kung walang kontrabida. There will definitely be a pantapat. Pero ang sa akin, sana huwag na nilang pansinin. Munti lang naman yung aming show e. Palampasin mo na," sabay tawa ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, hindi na nga raw munti ang Talentadong Pinoy ngayon kasi tumatalo na ng top rating show.

"Hindi, munti pa rin. We will always be humble. Before Talentadong Pinoy, magkakasama na kami sa Philippine Idol. Hindi kami yayabang because of the success of Talentadong Pinoy. I guess, the most will be ecstatic over the victory. Hindi naman namin aim na patumbahin yung ganyan. Ang aim lang naman talaga namin is double digits. So, kung sakali, huwag na nilang pansinin, di ba?" biro ulit ni Ryan.

MORE SUCESS. Hindi lang ang Talentadong Pinoy ang successful ngayon, pati ang pinagbibidahan niya at ng asawa niyang si Judy Ann Santos na George and Cecil sa ABS-CBN ay humahataw din sa ratings. Nadadagdagan pa ang mga endorsements ni Ryan ngayon.

Paano niya hina-handle ang kasikatan niya ngayon?

"Mas madalas akong magdasal ngayon, yung thank you. Higit sa panghihingi pag nagdadasal, it's more on thank you. Yun ang napapansin ko sa sarili ko ngayon. Yun maliliit na... halimbawa, napadaan lang ako dun sa maliit na print ad na ang Talentadong Pinoy ay number one sa primetime, napa-sign of the cross ako, e. Kasi, I mean, you can always come up with the best show pero kapag hindi ka naman napagbigyan, balewala rin. Yun lang ang napansin ko sa akin."

Ano ang mas nae-enjoy niya, hosting o acting?

"Hindi ko siya maano e... kasi pareho ko siyang source of income. Pareho ko siyang gusto, e. Ang kagandahan lang kasi ng relationship ng acting at hosting sa akin ay I'm afforded a break from hosting when I'm acting and so is with hosting. So, it doesn't get too neurotic, yung you don't get burned out kasi halo-halo. Ang ganda ng relationship niya kasi once a week, I taped Talentadong Pinoy, and once a week I taped George and Cecil. And then all the other jobs in between are either hosting jobs or acting jobs din or guestings. So, there's no chance for me to get bored. So, maganda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXCITED TO HAVE A BABY. Bukod sa pressure sa career, isa pang pressure na hinaharap ni Ryan ay ang paghihintay ng mga tao para magka-baby na sila ni Judy Ann. Mas nape-pressure ba siya rito kaysa sa pagme-maintain ng mataas na ratings?

"Yan ang masarap na pressure. Pressure-in niyo lang nang pressure-in. Ayos lang 'yan. Healthy attitude pa rin. Yun nga, e, nung bata ka, iisipin mo, ayaw mong makabuntis. Ngayon naman gustung-gusto ko na," biro ni Ryan.

Which would you prefer, a baby boy or girl? "Honestly, baby boy sana."

Sabi ni Juday, kambal daw ang gusto niya. "O, di, sige. Game, double time," sabay tawa ni Ryan.

Pero napag-usapan ba nila ni Juday kung ilang anak ang gusto nila?

"Kay Juday, mga dalawa sana, tatlo kung sinuwerte. Kasi meron na kaming Yohan. Kung may sumunod na dalawa, may sumunod na isa, okay."

ENJOYING THE NEW HOUSE. Kailan ba sila completely nakalipat sa bagong bahay nila?

"Nung nagkasakit ako. Kasi nung nagkasakit ako, na-quarantine ako sa bahay, kasi in-assume nga na H1N1. So, mula noong gumaling ako dere-deretso na. Hindi pa rin kumpleto yung bahay, there are four functioning rooms as of now."

Ano ang hindi pa nagpa-function na room? "Yung mga guest rooms. Mayroon lang kaming isang den, yung kuwarto ni Yohan, yung kuwarto namin, yung kitchen, yun ang nagpa-function."

Sabi ni Juday sa isang interview, kapag natutulog raw kayo ay hindi kayo magkayakap at magkatalikuran pang matulog. Ano naman ang masasabi niya rito?

"Oo naman, kasi malikot akong matulog, e. Kasi pag hindi ko talaga siya tinantanan, hindi siya talaga makakatulog, e," pilyong sabi pa ni Ryan.

Mahirap ka raw gisingin? "Yun ang problema namin dun sa bagong bahay, pagkasarap-sarap matulog. Ang hirap talaga. Kanina ako yung may call time na maaga, so ako yung ginigising niya. Pag siya yung maaga, ako yung gumigising sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVING JUDAY. Sabi ni Juday, wala pa raw siyang natutuklasang bagong ugali ni Ryan sa kanilang pagsasama ngayon bilang mag-asawa. Siya ba ay may bagong natuklasang ugali ni Juday?

"Wala, e. I was just asked this question last night, kasi nag-reunion sila kagabi nung Gimik [with Jolina Magdangal, Dominic Ochoa and the rest of the barkada ng dating youth-oriented show ng ABS-CBN]. So, nakakausap ko yung mga dati niyang katrabaho. Habang sila nagsasaya, siyempre kami yung first wives-husbands club, kasama ko yung asawa ni Dominic, at saka yung girlfriend ni ganito at ni ganyan na hindi ko na lang sasabihin baka mabuko pa. Nag-uusap kami at nalaman ko walang pinagbago sa dynamics ng relationship.

"'Ika nga ng barkada namin, 'Pare, parang nalipat lang tayo ng tinatambayan, e.' Kasi dati doon sa bahay ng parents ko. Ngayon sa bahay namin. Even her friends. Minsan magigising na lang ako, yung staff niya nandun sa bahay namin. Pero walang nabago. Kumbaga, kung ano kami noon, ganun pa rin. Yun nga lang naggigisingan kami sa umaga tapos naghihintayan sa gabi. Pati ako napupuyat pag puyatan yung taping.

"So, wala, walang nagbago. Siguro pagdating nung baby, dun magbabago yung dynamics. Kasi even with the house nandun na e, kasi she has people working to handle her money. And then ako rin ganun. So, it's just a matter of joining those two forces together. So, it's less stress for us. O, sa iyo yung ganito, akin yung ganyan. Ganun din naman kami noon, wala ring pinagbago."

Ano ang pinakamagandang ugali ni Juday na maipagmamalaki niya?

"Very caring. She's very caring. Napakamaalaga niya, hindi lang sa akin and Yohan kundi to everyone, even to her staff. Kasi minsan naglalagari siya, kakatapos lang ng kanilang OMG [Oh, My Girl! movie ni Juday with Ogie Alcasid], minsan yung staff dun natutulog sa bahay. And sa umaga, she doesn't have to get up, but she'd get up and cook breakfast. And then tutulog siya ulit. Gigising siya ulit para magluto ng lunch. I have nothing to complain at all talaga. Akala ko nga tatamad, hindi, e, sumipag lalo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanghihinayang ba siya na hindi siya nagkaroon ng cameo appearance sa OMG, especially nandun most ng friends nila ni Juday?

"Hindi, kasi ano, e... nag-cameo na ako sa kanya sa pelikula niyang Ouija, di ba? Hindi naman siguro dapat palagi. Cameo kasi is supposed to be a surprise, pag paulit-ulit na, iba na, e. Parang huwag na lang. Ganun din naman siya sa akin, e. Nag-cameo na rin siya sa pelikula ko. Pipiliin mo lang din para hindi naman din nakakabuwisit sa mata, di ba?"

Samantala, nakakapanibago naman na wala silang movie entry ni Juday for the Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre. After kasi ng blockbuster filmfest movies nila under Star Cinema na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo ay parang ine-expect na ng mga tao na may entry ulit sila this December.

Ano ang feeling niya na wala silang filmfest entry ni Juday this December?

"Okay, maganda yung pahinga muna. Para maka-concentrate din kami sa pagpapasko sa bahay namin kasi unang Pasko namin yun sa bahay. At saka hopefully, makapagbakasyon."

At nang makabuo na ng baby? "Sana, sana," hiling pa ni Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN