Ahron Villena says he and Maricar Reyes are not dating

Ahron Villena says sightings of him and his Bud Brothers "wife" Maricar Reyes on a date at Shangri-la are, like the name of the place, just a fantasy.


After Maricar Reyes's sex scandal with ex-boyfriend Dr. Hayden Kho at pansamantalang pagla-lie low nito bago naging visible uli sa telebisyon, naging laman ng ilang diyaryo ang nakitang pagde-date daw niya with Ahron Villena.

Magkapareha sila sa Bud Brothers bago pa man nawala si Maricar sa nasabing show. Ayon sa bali-balita nakita raw ang dalawa na magkasama sa Shangri-la.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ahron last Thursday sa Grams Diner sa ABS-CBN grounds, inamin ng aktor na may malalim siyang paghanga para kay Maricar pero hindi pa nangyari kahit kalian na lumabas o nag-date silang dalawa.

"Oo, crush ko siya. Sila John [Prats], sila Jake [Cuenca] nung episode 1 pa lang ng Bud Brothers, niloloko na nila ako pero sabi ko nahihiya ako kasi doktora siya tapos may fiancé pa. May plan akong ayain siyang lumabas pero di nga lang natuloy kasi pumutok [yung] issue sa kanya tapos nawala siya sa Bud Brothers.

"Regarding diyan sa issue na nakita raw kami sa Shang, hindi totoo 'yan. Nasa taping kami ng Bud sa Tagaytay nung sinabi sa akin ni Tita Daisy Minerva, secretary ng Bud na nasa blind items daw kami. Actually, di nga siya blind item, naka-front page siya. Tawa nga ako nang tawa, sabi ko ano ba yun?"

TEXT MATES. Naikuwento sa amin ni Ahron na nagte-text sila ni Maricar nung magkasama pa sila sa Bud Brothers. Dumating din sa puntong nagsabay silang magbiyahe nung papunta sa location ng Bud sa Quezon pero di na ito nasundan dahil lumabas na nga ang Hayden-Maricar sex scandal.

"Nung wala pa yung issue na yun, nagte-text kami. There was a time na nung nag-taping kami sa Quezon, nagsabay kami. Siya kasi yung nagda-drive pag taping kami sa Tagaytay so nag-insist ako na sabay na lang kami papuntang Quezon para walang hassle sa kanya. Ayaw niya nung una pero sabi ko, I insist, okey lang yun. Dinaanan ko siya sa Pioneer, marami kami. Dun lang kami nagka-bonding tapos tulog din kami sa biyahe. After nun pumutok na yung issue. Di ko na rin siya ma-conatct kasi nag-iba na yata siya ng number."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita lang uli ni Ahron si Maricar a few days ago nang dumalaw ito sa set ng Bud Brothers. Sa tanong namin kung babalik pa ba si Maricar sa Bud Brothers, hanging ang sagot sa amin ni Ahron.

"Nagkita kami sa taping ng Bud Brothers, lahat kami nasa itaas. Umakyat siya, sabi ni Ate Minnie, 'O, nandito na ang asawa mo.' Sabi ko sa kanya, 'Uy, na-miss kita, di ka na nagpakita.' Ang sagot niya, oo nga raw.

"Malalaman natin 'yan sa takdang panahon. Sabi nga ni Ms. Maru [Benitez], ang EP [executive producer] namin."

AHRON SAW SEX VIDEO. Aminado si Ahron na napanood niya ang sex video nina Maricar at Dr. Hayden pero siniguro niya sa amin na hindi ito nakabawas ng paghanga niya para sa doktora.

"Napanood ko yung isa, dun sa may laptop ba yun. Naawa ako although normal na ginagawa yun, couples naman sila. Kumbaga ang masama lang, si Hayden naglagay ng hidden camera. May nagtanong sa akin, hindi raw ba ako na-aroused, sabi ko naawa ako, nauna yung awa kaysa sa ano pa man. Siguro ang impression ng ibang tao, 'Ganito pala si Maricar,' pero kaming lahat sa Bud Brothers, wala kaming negative na iniisip sa kanya.

"Hindi nawala yung paghanga ko sa kanya, past na yun. Kahit naman yung tanungin ko yung iba na may crush sa kanya, hindi naman daw nawala, ganun pa rin."

Pero aminado si Ahron na kung girlfriend niya si Maricar nung lumabas ang sex video, mag-iisip siya, pero kung talagang mahal niya ang dalaga, mas mananaig pa rin ang nararamdaman niya para dito.

"Magugulat ako, isipin mo yung girlfriend mo may ganitong scandal, di mawawala yung lie low muna. Mag-iisip ka pero palagay ko kung mahal mo na talaga yung tao, kung kami na at mahal ko talaga siya, mas mananaig yung nararamdaman ko para sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT TRUE ABOUT MELISSA AND HER MOM. Marami ang nagulat nang lumabas ang balita na nanligaw daw si Ahron kay Melissa Ricks pero di raw tinuloy nito ang panliligaw dahil ayaw raw sa kanya ng ina ng young actress.

"Si Melissa, matagal na kaming magkakilala, MTB days pa lang, nag-host kami pareho sa show na yun. Before may plan na i-partner kami pero di natuloy, parang matangkad kasi siya for me tapos pareho kaming maputi. Di ako nanligaw sa kanya, di kami lumabas. Nagte-text lang kami dati tapos lately ko na lang uli nakuha yung number niya nung nag-ASAP kami. Saka mabait kaya sa akin ang Mommy niya so parang di kapani-paniwala na ayaw niya sa akin, saka di naman ako nanligaw kay Melissa.

Regular na napapanood sa Bud Borthers as Pio, kapansin-pansin ang pagganda ng katawan ni Ahron na baka hudyat na raw na bukas na rin ang aktor na gumawa ng mga mature, sexy and daring roles.

"Wala lang, for a change. Medyo sexy kasi ang Bud Brothers. May Rafael Rossel, may Will [Devaughn], may Manuel [Chua], mahihiya naman akong maghubad kung mataba ako at puro magaganda ang katawan nila.

"Open naman ako sa mga matured roles, basta maganda ba saka de kalidad. Pero hanggang topless lang. Yung mga butt exposure, ayoko niyan, di ko yun kaya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN