Regine Tolentino says renewed marriage with Lander Vera-Perez is "super strong, everything sweet and happy"

"Romance in a relationship, kasi it's not all about yung pag-aalaga sa isa't-isa, kailangang ma-maintain yung love, yung feelings na 'yan. Okey na okey. We put God in the center of our marriage, family life, and everything just follows."


Ang relasyong Regine Tolentino-Lander Vera-Perez ang isang perpektong halimbawa ng pagsasamang nabuo sa show business, dumaan sa maraming pagsubok, nasira, pero nakayang lagpasan ang lahat at nabuo muli.

Sa recent interview with Regine ng PEP (Philippine Entertainment Portal), masayang nagkuwento sa amin ang dancer/TV host na lahat ay parte na lang ng nakaraan at ngayon ay magkaagapay na nilang hinaharap ni Lander ang buhay mag-asawa.

"Super strong, everything is sweet and happy. Si Lander, he quit smoking, he's back working out, he lost a lot, lot of weights so poging-pogi siya uli. He's very good. Nagtatrabaho siya sa NAIA, mag-e-eight years na siya. He's an officer in the Immgiration so siya yung taga-deport ng mga blacklisted, siya ang nag-a-assist sa lahat ng mga VIPs. It's a very good and stable job kaya very peaceful. Dati mahirap pagka pareho kaming nasa showbiz. Very supportive si Lander at ang mga anak ko

"Romance in a relationship, kasi it's not all about yung pag-aalaga sa isa't-isa, kailangang ma-maintain yung love, yung feelings na 'yan. Okey na okey. We put God in the center of our marriage, family life and everything just follows."

Naging issue dati na pera daw ang pinag-ugatan ng paghihiwalay nina Regine at Lander. Ayon kay Regine, nasa maayos nang lugar ang lahat sa ngayon.

"Thank God na lahat ng mga intriga before na nanggulo sa pamilya naming, wala na lahat 'yun. Financially we're stable, nag-iipon kami kasi we have our international business that is coming up.

MOTHER'S CANCER IN REMISSION. Agad din naming kinumusta ang butihing ina ni Regine who is suffering from lymphoma.

"Si Mommy naman, she's on her remission from her stage four cancer. Lymphoma, she's on remission so sana maagapan niya yung mga next few years, tuluy-tuloy na yung healing niya."

Masaya ring ibinalita sa amin ni Regine na sa kabila ng sunud-sunod niyang trabaho at business, may bagong dance album din siyang lalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very happy, I have Unang Hirit and guestings. I'm so busy back to dancing. We'll be competing again next year abroad, Latin ballroom. I'm producing my next dance album, yung pang-apat ko na dance album, yung Hawaiian and Tahitian dancing so excited na 'ko."

Ibinalita rin sa amin ni Regine na papasok na rin pala sa showbiz ang nakababata niyang kapatid.

"Mag-i-start na rin yung sister ko sa showbiz, she's 18 years old. Siya naman ang ilo-launch ng GMA so sana suportahan nila ang sister ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN