Rafael Rosell plays mysterious DJ in Midnight Phantom

Rafael Rosell credits his mother with getting him over a failed romance that ended badly, enough to say, "Cupid, sige, knock on my door if you want." Seems like Love's arrow may have already found its true target.


This week ay posibleng mag-start na raw ng taping si Rafael Rosell sa panibagong book ng Precious Hearts Romances, ang Midnight Phantom, na maaaring maging kapalit ng matatapos nang Bud Brothers series ng PHR.

Isang buwan daw ang itatakbo ng Midnight Phantom wherein Rafael will play a mysterious disk jockey.

"Bawat book naman, we make sure na hindi siya katulad ng iba. Like yung Bud Brothers, ibang-iba siya sa Ang Lalaking Nagmahal sa Akin, same thing with Midnight Phantom. Ito naman, medyo passionate, mas intense, may mystery na hindi mo mapapanood sa Bud Brothers," simulang paglalarawan ni Rafael sa bago niyang series.

May pagka-misteryoso nga ang character niya rito.

"I will play the role of Brandon Brazi. He's the Midnight Phantom. DJ na na-in-love sa isa sa mga listener niya, only to find out later na ito pala ay stepdaughter ng babaeng nanakit sa kanya.

"Supposedly, si Nadia ang kanyang first love talaga, which is Denise Laurel. Si Anya, which is Ina Raymundo, dati siyang singer na nagkakilala sila ni Brandon at siya ang dahilan kung bakit may pilat sa mukha si Brandon."

TWO LEADING LADIES. Thankful daw si Rafael sa ABS-CBN, especially sa Precious Hearts, dahil kung wala ito, siyempre raw ay baka wala siyang ibang projects katulad nga ng ginagawa ngayon.

Lumalabas na dalawa ang leading ladies niya, si Ina at si Denise.

"Yeah! I love my job!" natatawa niyang sabi. "I love what I do and I'm fortunate to be paired up with such beautiful ladies and at the same time, ang babait nila, so, easy to get along with, so I guess the blessing are coming."

Nagkasama na raw sila ni Ina noon sa Rounin, bilang ina niya.

"She was my mother there, kaso lang, since iba ang nag-portray ng young Creon, hindi ko na rin siya naka-eksena. But we're always in a dressing room with the rest of the cast, chatting away till way beyond midnight."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"SHE'S COOL." Hindi itinago ni Rafael ang paghanga niya sa kaseksihan pa rin daw ni Ina hanggang ngayon.

"She's super sexy! Sexy mom. Her husband, whoever he is, is very, very lucky and her kids are very lucky to have her as mom. She's cool and I'm very lucky to be working with her."

With regards to Denise naman, kumportable na raw siyang katrabaho ito dahil kaibigan naman daw niya ang young actress.

"When it comes to chemistry, I still don't know pa, that will have to see pa. Pero kami ni Denise, way, way back pa, sa workshop at sa set ng Bud Brothers. Lahat naman kami, magkakakuwentuhan dun and Denise naman is one artist who always stay late at the set, so we get to bond a lot talaga. So, awkwardness or feeling na may wall, wala talaga."

May pressure ba dahil yung Bud Brothers nila ni Mariel Rodriguez, maganda ang response ng tao?

"Yeah, I'm very fortunate dahil maganda yung pag-accept sa amin ng mga tao, sobrang hindi ko na-expect yun. Kasi ako, I accept the project naman because of the role. E, sa Bud Brothers, sabi nila, sige nga, i-try mo nga mag-love team."

BAD BREAKUP. On the other hand, naging open book din naman ang kinahinatnan ng three-year relationship niya with Malaya Lewandowski at ang hindi magandang breakup nito. Pero ayon kay Rafael, ngayon daw ay masasabi niyang naka-moved on na siya talaga.

"Moved on na, always move on naman... don't anything hold you back, yun ang payo ni Mommy sa akin and noong nag-break kami, there was a period of time na down ako until Mom said na, uy, huwag ka ngang ganyan, walang magagawa 'yang pagmumukmok mo sa bahay.

"Noong humirit na talaga si Mommy about her opinions and feelings about what happened to me, doon ako parang, since, I know my family's feelings and if you hurt my family's feelings, wala na talaga. Anybody can do anything they want on me, kaya ko pa, e. Pero the moment na naapektuhan ang family ko, the moment na si Mommy na ang nahe-hurt, wala na talaga. That was the moment that I dropped all my emotion and decided na, I'll move on na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since their breakup wala na raw silang communication at all.

"I guess, it's better left on the past. If ever man na makita ko sila. Sabi nga ng friend ko, what will you gonna do if you'll see them sa mall? If they'll see me, I'll be civil naman, e.

"I'm so good right now na it's so different when I was heartbroken. At that time, I wanted to punch the guy or get back at him. But I think, ngayon, I'm more of, if I get in communication with any of the two, I'll say thank you, dahil okey na ang buhay ko ngayon, e."

DATING AGAIN. Aminado naman si Rafael na ngayon, he's dating someone na. Dati pa raw niyang non-showbiz friend ang girl. Pero dating pa nga lang ba sila?

"Well, ayaw kasi naming lagyan ng tatak ng boyfriend-girlfriend dahil ang daming connotation sa girlfriend-boyfriend, e. Ang daming expectations na ang girlfriend, dapat ganito. Ang boyfriend, ganyan. So, we'd rather keep it as what we have, no labels on it."

Low maintenance type of girl lang daw ang dine-date niya ngayon na ayon sa kanya ay katulad lang din daw niyang low maintenance.

"Siguro rin kasi, gusto ko lang din na inaalagaan ako. I've found those qualities in her at hindi lang ako, pati pamilya ko na pumunta rito for vacation, inaalagaan din niya. She's the one bringing them to mall. She's the one arranging and bringing them to other provinces."

Isang model raw ang girl na kaibigan niya 2005 pa lang.

"Nandiyan lang naman siya palagi. When I go through tough times naman, palaging Raf, usap tayo. Ako naman, okey, usap tayo. She's always been there for me. Nagkataon lang na this time, we start hanging out a lot."

Sigurado naman siya sa sarili niya na this time, it's not love on the rebound?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, no... we make sure na hindi yun rebound. After I dropped everything, after my mom told me, I dropped everything and decided that it's not worth dwelling upon the problem na hindi naman maayos.

"Actually, sabi ni Mommy sa akin, she doesn't deserve your love and attention, your sadness and energy, so move on ka na lang. When my heart was healed na, that was the time when I said na, Cupid, sige, knock on my door if you want."

BE APPRECIATIVE, DON'T COMPLAIN. What have you learned from your past relationship?

"I guess, mas ano lang, mas open communication skill. Tutukan ko kapag nagtsa-chat," obviously birong-totoo niyang sabi. "Honestly, I've learned a lot sa iba't ibang bagay but in terms of lesson sa relationship, I have yet to figure out pa siguro.

"I did learn something. I don't know that there's another person out there that who could love me more. I don't know that there's a girl who can take care of me and my family loves, e. My family loves her, e."

Aside sa PHR series, naglalagare rin daw siya ng shooting para sa Star Cinema movie with Luis Manzano, John Lloyd Cruz and Vilma Santos. Bukod pa rito ang independent film niyang Fling.

Happy raw siya sa kung anuman ang meron siya ngayon.

"That's my motto in life, e, be content in what you have. If they'll give me more, sige, just keep on giving. Pero, if not, I'm not gonna step up and go out my way to demand for more, e.

"I'm appreciative of what I have, of what is given to me. Yun lang ang flow ng buhay ko. Just be appreciative, don't complaint because everything happens for a reason."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN