Kathryn Bernardo on presidential candidate Mar Roxas: "Kaya naming makipaglaban for him."

May 4, 2016
<p>Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are vocal supporters of presidential candidate Mar Roxas. The Teen Queen believes that Mar is the best choice to be the next president of the Philippines.</p>

May paalala si Kathryn Bernardo sa mga botante sa darating na May 9 elections.

Pahayag ng Kapamilya star, “Ilang araw na lang mag-e-eleksyon na.

“Sana yung mga tao talaga, yun ang sinasabi namin parati, kilalanin niyo yung mga tatakbo at pag-isipan.

“Kasi, bawat boto, magka-count talaga ‘yan.”

Dugtong pa ng Teen Queen, “Huwag nating sayangin ang chance na yun. 

“And andito kami kasi habang paiksi nang paiksi yung panahon, mas nag-e-effort talaga kami ma-spread kung sino yung sinusuportahan namin.

“And, of course, that’s Kuya Mar.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Kathryn sa celebrity gathering ng mga sumusuporta kay Liberal Party standard-bearer Mar Roxas, na ginanap sa Mesa Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, nitong Martes, May 3.

Kabilang si Kathryn at ang ka-love team niyang si Daniel Padilla sa mga masugid na tagasuporta ng former secretary ng Department of Interior and Local Government.

Continue reading below ↓

Sa kabila ng pambabatikos sa pagsuporta ng KathNiel kay Mar, naninindigan ang dalawa sa kanilang napiling presidential candidate.

Binato ng kung anu-anong isyu ang KathNiel, kagaya ng pagbayad umano sa love team ng malaking halaga.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla reportedly paid millions for endorsing Mar Roxas

Itinanggi naman ng kampo ni Mar ang akusasyong ito.

Read: Mar Roxas insists Kathryn Bernardo and Daniel Padilla’s endorsement has “no financial arrangement whatsoever”

Pero nanindigan ang KathNiel na malaki ang kanilang paniniwala sa kakayahan ni Mar.

Pahayag ni Kathryn, “Wala silang masabi kay Kuya Mar kaya sobrang confident kami na kaya naming makipaglaban for him.

“Kung titingnan mo, kanino pa ba natin iaasa ito? Dapat ituloy na ang nasimulan na ni Pres.  Noynoy [Aquino]. 

“As in sobrang confident kami kay Kuya Mar.

“Sana ma-realize ng mga tao kung sino ang dapat na iboto natin this coming election.”  

Read Next
Read More Stories About
Kathryn Bernardo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are vocal supporters of presidential candidate Mar Roxas. The Teen Queen believes that Mar is the best choice to be the next president of the Philippines.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results