Rosanna Roces reviles the Revillas on Facebook

Rosanna Roces says the Revillas are the wrong people to bring up her grandson Budoy. "Isinumpa ang angkan nila, every generation has a curse," says the combative Osang.


Hanggang ngayon ay nagbubusa sa galit si Rosanna Roces kapag nababanggit ang mga Revilla. Sa naunang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, isiniwalat ni Osang ang simpleng pinag-ugatan ng lahat. (Click here to read related story.)

Ang apo niyang si Gabriel (palayaw ay Budoy)—anak ng panganay ni Osang na si Grace Adriano sa anak ni Sen. Bong Revilla na si Jolo—ay basta na lang daw kinuha sa kanya. Nakiusap naman ang mga Revilla na isosoli ang bata, pero sa takdang araw ay hindi naman daw natupad yun.

"Kung may hiniram, dapat ay isinosoli," ani Osang, ayon sa postings din niya sa kanyang Facebook account. "Yun lang naman ang gusto kong mangyari. Hindi naman lalaki ng ganito ang isyu kung ibinalik nila sa takdang oras ang bata, at kung anu-ano pang idinadahilan nilang kesyo baka magkahawa-hawa ng sakit, na gusto ko pang mangyari na ganoon kaysa maghiwa-hiwalay kami.

"Ang mga anak ko, lalo na ang apo ko, ang lakas na gumagabay sa akin ngayon sa paglaban. Kapag sila ang nalalagay sa alanganin, at sila'y ilalayo sa akin, talagang lalaban ako!"

THINGS LEARNED FROM DADDY. Ibinuking din ni Osang ang kaaliwaswasang natutuklasan niyang kinasasangkutan na mismo ng apo niya. Diumano, pati "dirty finger" sign ay natutunan na ni Budoy.

"Saan ba natututunan ng bata yun kung hindi sa ama niya?" sabi ni Osang. "Alam n'yo bang ganito ang ginagawa ni Jolo kapag naiinis siya sa ama niya? Kaya yun ang napupulot ng bata, at may kuha pa itong pictures na ganoon nga ang ginagawa ng bata.

"Sa puntong ito, kahit ganito ang pagkakakilala sa akin ng publiko, hindi ko maatim na ganyan ang makikita ng mga anak o apo ko sa akin. Hindi ako nagmamalinis. Nagkaroon ako ng maraming pagkakamali sa nakaraan, kaya nga itinutuwid ko na ngayon, lalo na sa paraan ng pagpapalaki sa apo ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagagawa pa niyang [Sen. Bong Revilla] makisawsaw sa isyu nina Katrina Halili at Dr. Hayden Kho," patuloy ni Osang sa kanyang Facebook testimony, "e, mismong sex video ng driver niya at ng yaya ni Budoy, kinukunsinti niya! Nakikita pa ito mismo ng bata!

"Para bang normal na lang yata yung nangyayari sa bahay nila. Alam naman nila 'yan at nabanggit ko na sa kanila, pero hindi naman nila pinaaalis ang driver at ang yayang gumagawa pa rin tiyak ng kaimoralan!"

OSANG POLITICALLY MOTIVATED? May mga nagsasabing ang pagbubusang ito ni Osang ay may kinalaman daw sa mga kalaban ni Bong sa pulitika. Naaakusahan si Osang na nababayaran para lang siraan si Bong.

"Kalokohan 'yan!" sabi ni Osang sa isang earlier interview. "In the first place, hindi na kailangang sirain pa ang isang tao sira na! Alam naman ng mga tao 'yan.

"Okey na sana ang buhay ko kung hindi lang dahil sa mga kawalanghiyaan nila! Kapag tahimik na, kung minsan, 'saka may papasok na ganyan. Pero, malay ninyo, tumatahimik lang ako kahit may mali na akong nakikita. To a certain extent, kaya kong manahimik, e.

"Nagpapakatino akong nagtatrabaho, para sa mga anak at apo ko. Nagawa ko ang Karera at Manila, na ipinalabas sa Cinemalaya. Pati na yung Aurora dahil gusto kong paghusayan pa ang pag-aartista ko.

"Hindi na maaayos ang gulong 'yan, ako na ang nagsasabi sa inyo. Gusto kong kami ni Bong ang mag-usap, pero ang hinaharap niya sa akin ay ang kapatid niyang si Marlon. At ang sinasabi lang naman ni Marlon, maging magkaibigan kami. Paano kami magiging magkaibigan kung ganyang simpleng usapan tungkol sa apo ko, na dapat ay isinosoli nila sa takdang panahon, hindi nila ginagawa?

"Isinumpa ang angkan nila!" diin ni Osang. "Every generation has a curse, e. Sa Bible, nariyan 'yan, kaya dapat, bine-break 'yan. From the lolo [Ramon Revilla Sr.], babaero! At ang mga asawa, pendeha! Walang nagtagal na relasyon sa kanila. Walang nagtagal na asawa, o kung mayroon man, laging nalalamatan ng pambababae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman yata masamang itigil na natin ang sumpang 'yan! At kung sa generation ng apo ko mahihinto 'yan, e, gagawin ko ngayon pa lang, habang nasusupil ko pa siya. Yung mali ng lahi nila, at maski kamalian ko, maikorek ko rin doon sa apo ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN