Eddie Gutierrez comes to son Richard's defense

"Tama ang sinabi ni Richard, he wants to help. Pero ngayon, papaano kami gagalaw kung may kaso na? Yung kaso, bakit after two months? So there's somebody pushing them o pushed them to file a case against Richard, kasi dapat noon pa," says Eddie Gutierrez.


Bihirang magsalita si Eddie Gutierrez tungkol sa mga kontrobersiya o malalaking isyu na kinasasangkutan ng kanyang asawa na si Annabelle Rama at mga anak. Pero sa thanksgiving party kahapon, July 25, ng Zorro, binasag ng respetadong aktor ang pananahimik niya.

Sa malumanay na pagsasalita, ikinuwento ni Eddie na posibleng namatay ang kanyang anak na si Richard Gutierrez kung napasobra raw ng one inch ang sugat sa kaliwang sentido nito sa car accident na naganap sa Silang, Cavite noong May 22, 2009. Masuwerte raw si Richard dahil nakaligtas ito sa sakuna na kumitil sa buhay ni Nomar Pardo.

Si Nomar ang personal assistant ni Richard. Bago naglingkod si Nomar kay Richard, siya ang personal assistant ni Eddie. Siya ang kasama ng beteranong aktor sa mga lakad at showbiz commitment nito.

Ito ang halos teary-eyed na pahayag ni Eddie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press tungkol sa panibagong pagsubok sa kanyang pamilya.

"Kung tinamaan siya sa may sentido, siguradong patay si Richard," sabi ng veteran actor. "Ayaw talaga ng Diyos na si Richard ay mawala sa mundong ito. Siguro meron pa siyang mga dapat gawin dito. Meron siyang mission dito kaya he was saved.

"Hindi totoo na during the wake, we didn't do anything. Ang GMA-7, nagtulong. Si Annabelle, kami, we were always there every time, giving food, giving assistance, mga sasakyan ginamit nila. So we were doing our part, pero mukhang ayaw nila [Lorayne Pardo's camp]. Hindi nila nagustuhan yung mga ginawa namin kaya they filed a case against Richard.

"Tama ang sinabi ni Richard, he wants to help. Pero ngayon, papaano kami gagalaw kung may kaso na? Yung kaso, bakit after two months? So there's somebody pushing them o pushed them to file a case against Richard, kasi dapat noon pa. Bakit after two months and three days? They should have filed a case siguro after two weeks or after three weeks... not after two months. Kasi kung hindi si Richard ang nagmamaneho, they won't file a case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maybe there's somebody behind this, but we don't know. Pero ang masasabi ko, this was an accident. Richard didn't kill Nomar. Hindi niya pinatay si Nomar. Actually, naospital din si Richard and Jorge [Richard's bodyguard] was saved, so it was an accident."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN