(UPDATED) Anne Curtis involved in car accident

Anne Curtis was taken immediately to the St. Luke's Medical Center after the accident.


Iniulat kaninang bandang alas-otso ng umaga sa Unang Hirit, na isinugod sa St. Luke's Medical Center ang aktres na si Anne Curtis matapos maaksidente kaninang madaling araw sa Quezon City.

Sa binasang report ni Arnold Clavio mula sa Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, naganap ang car accident ni Anne bandang ala-una ng madaling araw nang bumangga ang sasakyan ng aktres na Porsche Cayenne sa isang nakahintong mini-truck.

Ayon sa kuwento ng driver ng mini-truck, naghihintay siya ng pag-berde ng traffic light para umarangkanda nang bigla siyang banggain ng sasakyan ni Anne.

Wasak ang harapan ng sasakyan ni Anne habang nagtamo naman mga pasa sa katawan ang aktres na agad na ngang isinugod sa St. Luke's.

UPDATED AS OF 12:06 PM. Sa pakikipag-usap naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa handler ni Anne na si Michelle Abadies of Viva Artist Agency (VAA), nakalabas na ng hospital halos isang oras na ang nakakalipas si Anne at natutulog na muna raw sa bahay nito.

Pero ayon pa kay Michelle, kailangan pang bumalik muli ni Anne sa ospital, para magpa-X-ray.

"Ang pagkakaalam ko sa pinakamalapit na hospital sa lugar niya. Malamang sa Asian Hospital. Pina-cancel na niya yung taping niya. Kagigising ko lang kasi, kaya di ko pa alam masyado ang detalye. Pero ang sabi sa akin, sina Christian [Bautista] at Echo [Jericho Rosales] daw ang tumulong sa kanya. Pero may nagsabi rin na si Sam [Milby] din daw tumulong. Pati na sina Sarah [Geronimo]," kuwento pa ni Michelle.

Galing daw si Anne sa birthday party ni Sarah Geronimo. "I would like to thank them for helping Anne kanina, right after the accident. Napakabuti nila.

"Anne will resume taping on Wednesday," patuloy ni Michelle.

Patuloy na tinututukan ng PEP ang kundisyon ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN