Raymond Gutierrez speaks up on latest issue involving twin brother Richard

"So when this case came, nakita namin sa media, siyempre nagulat, nakakalungkot. Masamang-masama ang loob ni Chard dahil, siyempre, nobody wants it to happen, di ba? Kaya sa tagal ng pinagsamahan namin at ng pamilya ni Nomar, I'm hoping and praying na maayos lahat ito," says Raymond Gutierrez.


Muli na namang nagbigay ng kanyang reaksiyon si Raymond Gutierrez sa Showbiz Central, kung saan isa siya sa mga co-host, sa panibagong isyu na kinasasangkutan ng kanyang kakambal na si Richard. Ito ay kaugnay ng kasong Reckless Imprudence Resulting To Homicide na isinampa ng biyuda ni Nomar Pardo, ang personal assistant ni Richard na namatay sa aksidente.

Isinampa ni Lorayne Pardo ang kaso laban kay Richard noong Biyernes, July 23, sa Imus, Cavite.

Ayon kay Raymond, "Nakakalungkot because Nomar was more than an assistant. He was more than a friend to Chard. Chard treated him like a brother. So, kung meron man isang tao sa pamilya namin na talagang nagluksa at naapektuhan, si Chard yun.

"So, when this unfortunate thing happened, you know, Chard felt really bad. Siyempre, he could have taken his life also [sic]. Noong mag-offer siya ng tulong, si Chard at pamilya namin, he was looking at the best interest of the kids. Kasi, yun talaga ang wish ni Nomar.

"Si Nomar po," patuloy niya, "ilang years nang nagtatrabaho sa amin. Since Kuya Monching [Ramon Christopher] pa 'yan, e. Tapos, naging si Chard na lang. So, malapit si Nomar sa amin, more so kay Chard kasi halos araw-araw silang magkasama.

"Actually, mas nagkikita pa nga silang dalawa more than Chard sees his own family. So, noong tinanggihan ni Lorayne yung tulong na gustong iparating ni Chard sa mga bata, an educational plan for the kids, siyempre akala namin, nagluluksa pa si Lorayne, she needs more time to think about it.

"So when this case came, nakita namin sa media, siyempre nagulat, nakakalungkot. Masamang-masama ang loob ni Chard dahil, siyempre, nobody wants it to happen, di ba? Kaya sa tagal ng pinagsamahan namin at ng pamilya ni Nomar, I'm hoping and praying na maayos lahat ito.

"Sa lahat ng pagsubok na nangyayari pamilya namin, I'm not gonna deny na nakakapagod na. So, mga Kapuso, I'll be praying for peace. That's it," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN