Singer-actor Ronnie Liang joins VOIZboys

"Well, yung sa akin naman kung ano ang ibigay sa akin, actually, masaya na ako. Kung ano ang iutos sa akin ng Star Magic at ni Kuya George Roca [personal manager], kung ano ang ipagawa nila sa akin, I really love to do it," says Ronnie Liang about being included as the latest member of VOIZboys.



Solo artist Ronnie Liang is the latest member of the all-boys group VOIZboys. Kasama ni Ronnie sa grupo sina Jay-R Siaboc, Nico Antonio, Guji Lorenza, at Nico Antonio.

Nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 26, after ASAP 09 kung saan ay regular mainstay siya rito, tinanong namin kung anong dahilan at napapayag pa siyang mapabilang sa VOIZboys, na ang dalawang kasama pa niya rito ay pawang baguhan pa lang sa larangan ng pagkanta.

"Well, yung sa akin naman, kung ano ang ibigay sa akin, actually, masaya na ako. Kung ano ang iutos sa akin ng Star Magic at ni Kuya George Roca [personal manager], kung ano ang ipagawa nila sa akin, I really love to do it," sabi ni Ronnie.

May mga out-of-town shows na rin ang VOIZBoys. Kaya lang may mga times na hindi nakakasama roon si Ronnie.

"Kasi bago naman nabuo yung grupo namin, may mga previous commitments na ako na ako lang mag-isa at hindi sila kasama. So, pag minsan, may show sila, 'tapos ayun nga, may solo show rin ako, hindi nga ako nakakasama sa kanila.

"Minsan naman, hindi lang ako ang wala sa grupo. Minsan, si Jay-R, minsan naman si Guji. Pero sa ASAP, lagi kaming buo. Hindi pupuwedeng may mawawala sa amin, Kailangan lagi kaming kumpleto," paliwanag ni Ronnie.

RONNIE AS ACTOR. Hindi lang isang singer si Ronnie, isa rin siyang aktor. Nakagawa na siya ng dalawang pelikula sa Regal, yung Ako... Legal Wife at Mano Po 4. Napanood din siya sa defunct show ng ABS-CBN, I Luv Betty La Fea na pinagbidahan ni Bea Alonzo.

Natutuwa naman si Ronnie dahil nabibigyan din siya ng pagkakataon na makaarte. Gusto rin niyang maging isang artista, aniya.

"Gustung-gusto ko talagang umarte. Kaya sabi ko nga sa Star Magic, 'pag may go-see or audition for a particular role, inform me. I'm very willing na pumunta. Kasi sayang din yan, e. Kasi siyempre, mas maganda yung ma-enhance yung talent mo at maipapakita ko rin yung other side ko na kaya mo rin palang umarte bukod sa kumanta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CAREER OVER LOVELIFE. Sa ngayon ay loveless si Ronnie. Ipinaliwanag niya sa PEP kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya ready na makipagrelasyon.

"Sa ngayon, focused pa talaga ako sa career ko. Tutal bata pa naman ako. Marami pang panahon. Darating din siguro yung para sa love life."

Kung papipiliin ba siya, ano ang preferred niyang maging girlfriend, yung taga-showbiz or non-showbiz?

"Hindi ko po masasabi kung showbiz or non-showbiz ang gusto kong maging girlfriend," sagot niya.

"Kasi kung sasabihin ko na gusto kong girlfriend ay taga-showbiz... 'tapos baka sa non-showbiz girl naman tumibok ang puso ko, di ba, or vice versa?"

STILL ADMIRES SARAH. Sinabi niya noon na showbiz crush niya ang Pop Princess na si Sarah Geronimo. Hanggang ngayon ba ay may pagtingin pa rin siya kay Sarah?

"You know, hindi naman nagbabago, hinahangaan ko pa rin siya. Lalo na ngayon, I'm happy for her na she has a lot of endorsements and projects."

Magkasama sa ASAP 09 sina Ronnie at Sarah. Pero 'pag nagkikita sila roon ay hanggang "hi" and "hello" lang sila. Hindi sila nagkakaroon ng chance na makapag-usap.

"Kasi busy rin naman kami pareho sa ASAP, kaya hindi nga kami nakakapag-usap. Pero mas maganda na rin yun para wala nang maging isyu pa. Parang napapansin ko kasi na hanggang ngayon ay parang may epekto pa rin sa kanya yung isyu sa amin before. Parang aloof siya sa akin. Pero haka-haka ko lang yun, huh! Parang yun lang ang napi-feel ko. Pero nag-sorry naman ako sa kanya before at sa mom niya na nabanggit ko nga siya sa interview ko," paliwanag ni Ronnie.

For the record, ang sinasabing isyu ni Ronnie ay nang mag-react si Sarah sa pagsabi ni Ronnie sa isang interview noon na crush niya si Sarah at gusto niya itong itira sa ipinapagawang bahay. Sabi ni Sarah, hindi siya naniniwala sa panliligaw na idinadaan pa sa press release.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang VOIZboys ay magkakaroon ng concert sa August 8, 8:00 p.m., na gaganapin sa Metro Concert Bar. Special guest nila rito si Pokwang.

Tickets are available at Ticketnet (911-5555) or Ticketworld (891999) and at Metrro Bar (572-2898). For inquiiries, please call 347-7505 or 412-6514.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN