Award-winning actress Tessie Tomas wants to do more indie films

"Yes, definitely nandito ang pag-asa ng Pelikulang Pilipino, dahil alam naman natin na ang mga commercial films, mahal. 'Tapos limitado ang nagagawa. Pero makikita ninyo, ang mga indie films, 'umaalimbukay.' That's the word, umaalimbukay talaga ang mga indie films ngayon," says Tessie Tomas.


Isa sa maituturing na mahusay at versatile na aktres ng lokal na showbiz si Tessie Tomas. Mapa-comedy man o drama ay walang kumukuwestiyon sa husay na ipinamamalas niya. Kaya nga nitong katatapos lang na 5th Cinemalaya Film Festival awards night kagabi sa CCP Complex ay nakatanggap ng parangal si Tessie bilang Best Supporting Actress para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Sanglaan.

Pero nitong mga nakaraang araw, may lumabas na balitang magma-migrate na diumano si Ms. Tessie papuntang Canada at iiwanan na raw nang tuluyan ang mundo ng showbiz. Kaya nang makausap na siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), agad siyang tinanong kung may katotohanan nga ang lumabas na balitang ito.

"Di ako magma-migrate. Naiintriga lang kasi nawawala ako pero di totoo 'yan. Palabas-labas lang ako ng bansa pero nandito lang kami, sa Makati lang kami nakatira," paglilinaw muna ni Ms. Tessie. "Di ko iiwan ang show business. Ang active-active ko nga ngayon, pangwalong indie film ko na nga ang Sanglaan."

Sa kabila ng pagiging sanay na ni Ms. Tessie sa pagtanggap ng mga pagkilala sa kanyang husay sa pagganap, naroon pa rin daw sa kanya ang excitement, saya at kabang nararamdaman sa tuwing may mga parangal ngang naisasali ang kanyang pangalan. Tulad na lang nitong Cinemalaya filmfest awards. Dobleng excitement naman ang nadarama niya kapag natawag na ang pangalan niya at umaakyat sa stage upang tanggapin ang kanyang award.

"Siyempre, tuwang-tuwa ako. Ang bawat aktres 'pag tuwing nakakatanggap ng award, nakakawala yun ng pagod at hirap. Gulat na gulat at tuwang-tuwa ako kaya maraming-maraming salamat sa mga kumilala ng ginawa kong trabaho.

"Nandiyan pa rin ang kaba, just remember Cinemalaya ito, talagang prestigious award-giving body ang nagbigay sa iyo. Nakita ninyo naman, international yung jury, so, mas mataas ang standards nila, so, parang ang feeling ko rin, 'Uy, nanalo ako!' Ibig sabihin nagustuhan nila at natangap, so, sobrang nakakatuwa. So, sana makagawa pa ako ng maraming indie films."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIE KEEPS LOCAL FILMS ALIVE. Isa si Ms. Tessie sa mga naniniwala na ang mga indie films ang isa sa patuloy na nagbibigay-buhay sa pelikulang Filipino. Nandun din ang pagiging bukas niya na makatrabaho ang mga bagong sibol na mga direktor gaya ng mga gumagawa ng indie films.

"Yes, definitely nandito ang pag-asa ng pelikulang Pilipino, dahil alam naman natin na ang mga commercial films, mahal. 'Tapos limitado ang nagagawa. Pero makikita ninyo, ang mga indie films, 'umaalimbukay.' That's the word, umaalimbukay talaga ang mga indie films ngayon.

"Ang mga material, walang takot. Walang limitasyon. Kaya ako, bilang aktres, talagang natutuwa ako na may mga ganitong klase ng pelikula.

"Kami ng direktor ng Sanglaan [Direktor Milo Soguero], di kami magkakilala at all. Tinanggap ko ang script base lamang sa ganda ng material. Ako, gustung-gusto ko na makatrabaho ang mga baguhang director. Fresh ang mga gusto nilang gawin, very visual. Sasabihin nila ang gusto nilang sabihin sa iyo, sasabihin nila pag labis o kulang ka at yun ang maganda, dahil di ka nangangapa. Alam niya ang gusto niyang ma-achieve," pahayag pa ni Tessie.

Isa sa mga dating Kapamilya na "nag-ober da bakod" sa GMA-7, ngayo'y balik-Kapamilya muli si Ms. Tessie through Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo's George and Cecil. Ayon kay Ms. Tessie, napakasarap ng pakiramdam ng muling pagbabalik-Kapamilya niya.

"Sobrang nakakatuwa. Parang nagbalik-bahay ka lang. It's nice to be home."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN