Ruffa Gutierrez says her brother Richard was "very careful" and "not overspeeding"

"Walang may gustong mangyari nito. Richard was very careful. Hindi siya nag-i-speeding. Hindi po siya nakainom. Kung nasasaktan sila, nasasaktan din kami," says Ruffa Gutierrez about her brother, Richard.


Binasa ni Ruffa Gutierrez last Sunday, July 26, sa programang The Buzz kung saan siya co-host, ang statement ng kanyang kapatid na si Richard Gutierrez bilang sagot sa hinaharap nitong demanda sa kanya ni Lorayne Pardo. Si Lorayne ang asawa ni Nomar Pardo, ang nasawing personal assistant ni Richard sa car crash na naganap noong May 22 sa Silang, Cavite, kung saan ang aktor ang nagmamaneho ng sasakyan.

Nagsampa ng demanda si Lorayne dahil gusto niyang managot si Richard sa pagkamatay ng kanyang asawa. Ipinasya ni Richard na maglabas ng statement upang sagutin ang mga sinabi ni Lorayne sa kanyang press conference noong July 24. (Click here to read related story.)

RICHARD'S STATEMENT. Ayon kay Ruffa, gusto raw sana ng kanyang kapatid na magbigay ng VTR interview, pero minabuti raw ni Richard na manahimik muna. "He went away para mag-soul searching for a few days," sabi ni Ruffa tungkol sa kanyang kapatid.

Pagkatapos nito ay binasa na ni Ruffa ang statement ni Richard:

"I learned, through media sources, of the criminal case filed against me by Nomar's widow, and I am very saddened and upset by this unfair act. Nomar was more than an assistant to me, he was a good friend. What happened in the morning of May 22 was an accident. One whick took my friend's life, and where I also could have died. The trauma which that accident caused me I will carry all my life, but I was not negligent, nor did I commit any crime.

"It was an accident that could have happened to anyone. In fact, the initial reports which were released soon after the incident confirmed that there were at least six [vehicular] accidents in that same area. We will present evidence of that fact at the proper time.

"Before the filing of this case, I already made public my desire to help Nomar's children, to help in their education. I wanted to help not because I have a legal obligation to Nomar's family, but because I cared for a friend that I have lost, and I knew that is what my friend would have wanted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It is unfortunate that Nomar's widow has chosen to do this, has chosen enmity over friendship. I wonder, if anyone else had been driving, would Lorayne have sued? Because the accident happened more than two months ago, and the case was just filed now.

"Let me repeat this: It was clearly an accident, and my family and I will not be pressured or coerced by the filing of this case. We will trust that the justice system will vindicate me in the end.

"I would like to take this opportunity to thank my friends and my family for their unconditional and unwavering support. Because I have them behind me, I am able to meet this painful challenge."


RUFFA'S REACTION. Inihayag naman ni Ruffa ang kanyang saloobin matapos niyang basahin ang naturang statement, katabi ang kanyang co-host na si Boy Abunda.

"Tito Boy, alam n'yo naman siguro na aksidente talaga yung nangyari," panimula ni Ruffa. "Hindi naman siguro ginusto ni Chard yung nangyari, na mangyari kay Nomar. As a matter of fact, muntik na rin siyang mamatay dito, Tito Boy. And kasama rin niya si George, ang kanyang bodyguard. Si Nomar, whom he [Richard] traveled all over the world with. Kasama niya sa Dubai, kasama niya seven days a week. Kumbaga, right-hand man ni Chard yun."

May mensahe rin si Ruffa sa Pardo family.

"To the Pardo family, kung lahat kayo you're grieveing kasi nawalan kayo ng kapamilya, si Chard din po nawalan ng isang mabuting kaibigan. So, kung kayo naggi-grieve, kami rin naggi-grieve," saad ng nakakatandang kapatid ni Richard.

Sinabi rin ni Ruffa na hindi niya napigilang mapahagulgol nang malaman niya ang nangyari kay Nomar mula sa ina ng actress-TV host na si Annabelle Rama.

"Actually, yung time na mangyari yung aksidente, Tito Boy, magkaaway kami ni Mommy," pagsisiwalat ni Ruffa. "When I called her nang malaman ko na naaksidente si Chard, una niyang sinabi sa akin... Humagulgol siya at sinabi niya sa akin, 'Wala na si Nomar.' And humagulgol din ako. Kasi naintindihan namin na death is difficult for anybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And hindi namin sinasabi sa inyo to move on. But siguro ito rin talaga ang plano ng Diyos, Tito Boy. Baka may mission pa si Chard sa buhay. Walang may gustong mangyari nito. Richard was very careful. Hindi siya nag-i-speeding. Hindi po siya nakainom. Kung nasasaktan sila, nasasaktan din kami."

Tinanong naman ni Boy si Ruffa kung wala bang pag-uusap na naganap sa pagitan nila at ng pamilya Pardo. Napanood kasi sa telebisyon na dumalaw si Richard, noong gumaling na siya, doon sa burol ni Nomar.

"Siyempre, meron naman," sagot ni Ruffa. "Lahat po kami dumalaw sa wake ni Nomar. Ang buong pamilya namin, lahat ng talents ng Royal Era, araw-araw nandun kami. I think I went for two days. Si Chard nasa ospital pa noong mga panahon na yun. But I think he went there once. Sabi kasi ng doktor, dapat si Chard was supposed to stay in the hospital for a few more days. Talagang pinilit niyang makalabas para makadalaw kay Nomar.

"Tito Boy, siyempre shocked pa rin si Chard at this time dahil itong nangyaring ito, hindi mo talaga makakalimutan in an hour. He was there. Mali yung sinasabi ng daddy ni Nomar na hindi man lang nag-condolence si Chard, hindi man lang nag-sorry," giit ni Ruffa, patungkol sa naging pahayag ng ama ni Nomar na si Mr. Ramon Pardo na hindi raw nag-sorry si Richard sa kanila. (Click here to read related article.)

Hindi ba nagkita doon si Lorayne at saka si Richard?

"Oo, lahat kami. Nagkita sila doon," sagot ni Ruffa.

Pero sabi ni Lorayne sa interview hindi raw sila kinausap?

"Ang sabi nila, after the wake daw bigla na lang kaming nawala."

So, during the wake nagkita-kita?

"Oo," ani Ruffa. "At ang hindi po nila alam, nagkaroon po ng pag-uusap ang mommy ko at ang pamilyang Pardo. At sinabi ng Mommy ko, 'Ito ang gusto naming maitulong sa mga bata. Gusto naming bigyan kayo ng educational fund para sa dalawang naiwan na anak ni Nomar para makatapos sila ng college.' Kasama na rin po doon yung financial assistance, na hindi nila tinanggap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, nagkaroon ng pormal na pag-uusap ang mommy niya at saka ang pamilya Pardo?

"Oo. Tito Boy, tumutulong nga kami kahit kanino, 'no? Si Chard pa is very generous. Even before the accident happened, pinapaaral na ni Richard yung anak ni Nomar na panganay," pagtatanggol ni Ruffa sa kapatid.

Pinalinaw rin ni Boy kay Ruffa ang tungkol sa umano'y natagalan ang pagdala kay Nomar sa ospital dahil mas inunang dinala si Richard sa Tagaytay?

"I'm not really familiar with what happened," sabi ni Ruffa. "But si Chard, tatlo silang naaksidente nun. Hindi mahanap yung body ni Nomar because bumangga sila, e. Tapos bumaba sila sa cliff. So, dumating yung GMA [crew] doon. Kinuha nila si Chard, kinuha rin si George. Hindi mahanap ang katawan ni Nomar. Pero si Chard took a moment para hanapin siya [Nomar] doon. So, nung dumating na yung mga taong dapat tumulong, sila na po ang nakahanap sa katawan ni Nomar."

Ito ang final message ni Ruffa: "Ang message ko lang... Unang-una kay Chard. Chard, be strong. You know, this crucial path, alam kong maraming tumitira sa iyo ngayon. A lot of people wanna put you down. But don't listen, just keep going where you wanna go in life. I know you're going the right way. I know nagdadasal ka. Alam kong wala kang kasalanan sa mga nangyari. We love you and we're here to support you all the way.

"To the Pardo family, please be enlightened. Alam ko po napakahirap tanggapin na nawalan kayo ng kasama. Alam kong yung mga anak n'yo umiiyak gabi-gabi. Wala na si Nomar. Kami rin, para sa amin, mahirap din para sa amin yun. I hope that we can just... let us talk not in front of the public. Kasi mas lalong nagiging malala yung situwasyon. Pinaglalaruan tayo ng mga tao. And sana matapos na ito. So, that Nomar's soul can also rest in peace."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN