Lovi Poe returns to the Kapuso network after short stint on TV5

Young singer-actress Lovi Poe will once again be seen on GMA-7 via the sticom Show Me The Manny, which stars Manny Pacquiao and Marian Rivera.


Magtatapos na ang fourth season ng youth-oriented drama series na Lipgloss sa TV5. Huling tatlong linggo na lang ang fourth season ng naturang show, kung saan si Lovi Poe ang headliner bilang partner ni Kevin LapeƱa.

Isang season lang ang pinirmahan ng manager ni Lovi na si Leo Dominguez para sa nasabing teen show. At sa pagtatapos ng fourth season, magbabalik na rin si Lovi sa GMA-7.

Ngayong araw, July 28, nakatakdang mag-first taping day ang bagong sitcom ng Kapuso network na Show Me The Manny na pagbibidahan nina Manny Pacquiao at Marian Rivera. Kasama sa cast si Lovi.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lovi noong Sabado, July 25, sa premiere ng una niyang mature movie na Walang Hanggang Paalam, mula sa Feminine Annex at Pollen Films, na kasali sa exhibition films ng Cinemalaya Film Festival. Dito niya inaming magpapaalam na siya sa Lipgloss.

Ani Lovi, "Sayang nga kasi I came to love the show and we have so much bonding na with the other cast. Pero one season lang talaga ang pinirmahan namin."

Looking forward naman daw si Lovi sa kauna-unahan niyang sitcom dahil panibagong challenge na naman ito.

TENSION WITH OSANG. Samantala, tinanong PEP ang isang nasa production ng Lipgloss tungkol sa naglabasang tension daw sa set sa pagitan nina Lovi at Rosanna Roces, na gumaganap bilang mag-ina sa show. Pero ang sagot sa amin ng aming pinagtanungan ay: "That was so two weeks ago pa!"

Pero ayon sa nakausap namin, totoo raw na nagkaroon ng tension sa dalawa noong nagsimula ang gulo ni Osang at ng mga Revilla dahil sa apo ng aktres na si Gabriel, anak ni Jolo Revilla sa panganay ni Osang na si Grace Adriano. Pero noong Linggo, July 26, ay maayos naman daw sina Lovi at Osang sa set.

"Magkasama naman sila sa dining table. Wala namang nag-walkout, nagpansinan naman. Professional ang dalawa," sabi ng taga-production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Otherwise daw ay iri-report ito sa producer kung may tension.

Kahit na magkahiwalay ngayon ang current storyline nina Rosanna at Lovi sa Lipgloss, sa iisang standby area pa rin naman daw sila at wala ring nangyayaring kaguluhan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN