Erik Santos on working with Jim Brickman: "A dream come true."

Erik Santos said he started liking the work of American singer-songwriter Jim Brickman when he was in high school.

"Kasi kumbaga, I was in high school nung na-dominate ni Jim Brickman yung airwaves. So sunod-sunod, hit after hit," explained the 26-year old pop singer.


Itinuturing ni Erik Santos ang American singer-songwriter na si Jim Brickman bilang inspirasyon na nagtutulak sa kanya upang paghusayin ang kanyang pag-awit.

"Sobrang espesyal lang yung mga kanta ni Jim dahil puro love songs, di ba? So ako naman, I've been singing so many love songs... Kumbaga, 'eto ang forte ko, e," pahayag ng male pop singer sa entertainment press noong July 24 sa Eastwood Mall.

Idinaos sa naturang lugar ang mini-concert ni Erik para i-promote ang pinakabago niyang album, ang Erik Santos: The Jim Brickman Songbook. Lumipad pa patungong Los Angeles si Erik para lamang i-record ang mga kanta sa album, under the mentoring of the award-winning American singer himself.

Naglalaman ang album ng pitong rendition ni Erik ng mga hit songs ni Jim tulad ng "Destiny," "Valentine," at "By Heart." Samantala, may tatlong original songs din na isinulat ng singer para kay Erik.

Ayon sa kauna-unahang Star In A Million winner, masayang-masaya siya na makatrabaho ang idolo mula pa noong high school. Marami raw siyang natutunan dito.

"Sobrang bait niya saka I really had a great time working with him kasi talagang yung knowledge niya sa music talagang napalawak. Ang dami kong natutunan, like how you deliver a song, kung paano mo siya kakantahain na in such a way na heartfelt yung dating sa audience," sabi ni Erik.

Magkakaroon ng Asian release ang The Jim Brickman Songbook sa August 7, sa Singapore, Malaysia, Indonesia, Taiwan, at Hong Kong. Mabibili rin ito sa mga Filipino stores sa Amerika.

Nalalapit na rin ang pagbisita ni Jim sa Pilipinas upang samahan si Erik sa isang concert na para sa ikasisiya ng kanyang fans.

DEDICATION. Naitanong din ng press kay Erik kung ano ang status ng relasyon niya with a girl from Alaska na napabalitang isa sa naging dahilan ng breakup niya with ex-girlfriend Rufa Mae Quinto. (Click HERE to read related story)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Erik, magkaibigan lang sila ng girl. Constant din naman daw ang communication nila kahit na hindi sila nagkita abroad habang nire-record niya ang Jim Brickman album.

"Okay naman kami. Wala namang...wala namang big deal, wala namang commitment. Ano lang, steady lang, gano'n," paliwanag niya.

Sa nauna pang interview, isinaad ni Erik na pupunta raw ang babae sa graduation niya sa March next year. Kumukuha ang 26-year old singer ng BS Psychology degree sa Centro Escolar University sa Maynila.

Ano bang kanta ang nais i-dedicate ni Erik sa naturang babae?

"Puwede bang 'Destiny'? Magandang-maganda, e," sagot niya.

Natawa namin si Erik nang itanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanta niya kay Rufa Mae. Bibigyan niya ba ito ng personal copy ng album?

"A, hindi. Sabi ko nga sa kanya bumili siya!" biro ng singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN