Is Eugene Domingo working for Regal again?

After falling out with Regal Entertainment last year, comedienne Eugene Domingo is reportedly doing a movie for Mother Lily's film company again. She is being eyed to star in the 2009 Metro Manila Film Festival entry Aswang Ang Nanay Ko along with newcomer Carla Abellana.


Malaking ingay rin ang nangyari noong 2008 nang inalis ng Regal Entertainment ang komedyanang si Eugene Domingo sa dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) entries: Shake Rattle & Roll X at Desperadas 2.

Si Marian Rivera ang pumalit kay Eugene sa SRR X, "Nieves" episode, na sa darating na MMFF 2009 ay isa nang full-length feature. Si Ogie Alcasid naman ang gumanap na prinsesa sa Desperadas 2 na nagpasimula ng sunud-sunod na movie projects ni Ogie na puro babae ang role niya, o nasa babaeng kasuotan, kasama na ang OMG! at Spoiled Brat.

Hindi naman nawalan ng trabaho si Eugene. Kasali siya sa cast ng GMA-7 romantic comedy series na Adik Sa 'Yo, na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennica Garcia, at Dennis Trillo. Nagsimula na rin siyang mag-shooting sa ikalawang movie produced by Piolo Pascual na Kimmy Dora, mula sa direksiyon ni Joyce Bernal.

Isang comedy-horror movie ang hinahanda ng Regal Entertainment bilang pre-Halloween presentation, Aswang Ang Nanay Ko, kung saan ipakikilala ang Rosalinda star na si Carla Abellana.

Isang taong mahigit na sa planning stage ang pelikula na ididirehe ni Joel Lamangan. Originally, ibibigay sana ito kina Ai-Ai delas Alas bilang aswang at si Eugene naman bilang sidekick na mangkukulam. Kinalaunan, ibibigay sana ang aswang role kay Eugene ngunit nagkaroon siya ng gusot sa Regal. Kung sinu-sino rin ang naisip na gaganap bilang aswang na ina, kasama na si Pokwang na exclusive ng Star Cinema.

Balitang mag-uusap muli ang Regal at ang manager ni Eugene na si Ricky Gallardo para sa Aswang Ang Nanay Ko. Wala pang confirmation kung natuloy ang pag-uusap ng dalawang kampo, pero balita ring a-attend sana si Eugene sa premiere night ng OMG! kagabi, July 27, ngunit hindi lang natuloy dahil taping day niya ito para sa Adik Sa 'Yo.

Kung matutuloy si Eugene sa Aswang Ang Nanay Ko, first week of September magsisimula ang shooting ng pelikula dahil dito pa lang siya malilibre sa commitment niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN