Former Pres. Joseph Estrada on kissing scene with Ai-Ai delas Alas: "Teka muna, pag-iisipan ko muna!"

"Sa buhay ko, parang wala nang mas hihigit pa na kasama mo ang dating presidente at aktor noong kanyang time. At saka classic na aktor, ang dami niyang nagawang box-office hit na movie. Isang napaka-classic na action king," says Ai-Ai delas Alas (right) about doing a movie with former president Joseph Estrada (left).


Tuloy na tuloy na ang Star Cinema movie na pagtatambalan nina dating pangulong Joseph Estrada at Comedy Queen Ai-Ai delas Alas. Sa unang pagkakataon nga ay magkakasama bilang magka-loveteam sina Ai-Ai at Erap sa movie kaya kapwa excited ang dalawa sa interview nila during the story conference ng movie na ipinalabas sa The Buzz last Sunday, July 26.

Ayon kay Erap, "Natutuwa naman ako dahil si Ai-Ai naman ay considered naman as the Queen of Comedy. Kaya tamang-tama, patatawanin natin sila. I'm happy na I'll be the leading man of Ai-Ai."

Inamin naman ni Ai-Ai na sa kanyang buong career, hindi niya inakalang mangyayari ang kanilang pagtatambal ni Erap.

"Sa buhay ko, parang wala nang mas hihigit pa na kasama mo ang dating presidente at aktor noong kanyang time. At saka classic na aktor, ang dami niyang nagawang box-office hit na movie. Isang napaka-classic na action king," puri ni Ai-Ai kay Erap.

Kung may loveteam, siyempre mayroong kissing scene. Masisiguro kaya ng mga manonood na magaganap ang intimate moment na ito kina Ai-Ai at Erap?

"Under negotiation pa 'yan. Teka muna, pag-isipan ko muna!" biro ni Erap.

MOMMY DIONISIA. Kasama sa pelikulang ito ang loveteam nina Toni Gonzaga at Sam Milby. Isang malaking sorpresa rin ang pagkakapasok sa cast ng sumisikat na ngayong ina ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia, na gaganap bilang nanay ni Sam Milby sa movie.

Ayon kay Mommy Dionisia, "Gagawin natin yung pelikula. Apat na araw lang ang shooting, kay Erap at kay Ai-Ai. Pinag-isipan nila na ako ang tumayo bilang nanay ni Sam Milby. Okay lang kasi kilala naman niya ako."

Reaksiyon ni Erap: "Kakatuwa naman si Mommy Dionisia dahil nakita ko siya sa telebisyon, magaling magsayaw, e. Ina-anticipate na natin na mapapasaya natin ang taumbayan."

Ayon naman kay Ai-Ai, "Sabi nga niya [Mommy Dionisia], ayaw na niyang magpuyat. Siyempre, tuturuan ko muna siyang magpuyat. And pangalawa, bibigyan mo rin siya ng support."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN