Annabelle Rama on Lorayne Pardo: "Pagsisisihan niya itong lahat-lahat ng ginawa niya kay Richard!"

Annabelle Rama strikes again! The controversial manager defended her son Richard Gutierrez (inset, middle) in the criminal case filed by Lorayne Pardo (inset, top) and accused TV executive Wilma Galvante (inset, bottom) as the person behind Lorayne's decision to hold a presscon.


"Duda ako, ang nasa likod ni Lorayne ay si Wilma Galvante!" diretsang pahayag ni Annabelle Rama kahapon, July 28, nang makapanayam ito sa radio program ni Ogie Diaz na Wow! Ang Showbiz sa DWIZ. Si Galvante ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7.

Nagpaunlak ng interview ang kontrobersiyal na ina at manager ni Richard Gutierrez para ipahayag ang saloobin sa demandang isinampa ni Lorayne Pardo na Reckless Imprudence Resulting in Homicide laban sa aktor. Si Lorayne ang biyuda ni Nomar Pardo, ang personal assistant ni Richard na namatay sa car accident noong May 22, 2009, sa Silang, Cavite, kung saan ang aktor ang nagmamaneho ng sasakyan.

Patuloy ni Annabelle, "Kasi, may nag-text sa akin two days before magpa-presscon si Lorayne, at two days before siya mag-file ng case against Richard, may nakakita sa kanya [Lorayne] sa 7th floor ng GMA kung saan ang office nina Wilma Galvante.

"Tinatanong ko ngayon si Marivin Arayata [VP for Entertainment TV ng GMA-7], bakit nandodoon si Lorayne sa office niya [Wilma]? Ang sabi niya, nagbibigay daw ng resibo do'n sa pagkalibing. Ewan ko kung anong resibo 'yon. Pero hindi ako naniwala, kasi ang presscon ni Lorayne, Friday [July 24], which is [the date ng] hearing naming dalawa ni Wilma. Duda naman ako kaya ginawa ni Wilma 'yan, para ang mga press inililihis niya do'n na ang atensiyon kay Lorayne, hindi na sa aming dalawa.

"Kaya naniwala talaga ako sa nag-text sa akin na ang may pakana niyan si Wilma. Bakit ang lakas ng loob ni Lorayne magpa-presscon, sira-siraan niya si Richard?" mariing pahayag ni Annabelle.

"MAY GUMASTOS NG PRESSCON." Ayon kay Annabelle, maayos naman daw ang naging pag-uusap nila ni Lorayne nang nakaburol pa ang asawa nitong si Nomar.

Kuwento ni Annabelle, "Nung mag-meeting kami ni Lorayne, actually, nung wake, isinama ko si Jun Lalin [publicist ng mga Gutierrez] para meron akong witness. Nag-usap-usap kami. Sabi ko, 'Iparating ko sa iyo ang tulong ni Richard sa pamilya mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, concern si Richard sa mga bata. Sinabi ko sa kanya, ang gusto ni Richard, kunyari nandiyan pa si Nomar, magbibigay siya ng 12 thousand, suweldo ni Nomar, every month for three years. Magbibigay siya. Tapos, yung educational plans ng mga bata hanggang college na. Para wala na siyang iintindihin.

"Umoo na sa akin yung tatay [Mr. Ramon Pardo]. Umoo na sa akin si Lorayne. Sabi ko, 'Itawag mo na lang sa akin, i-text mo sa akin, kung kailan tayo puwedeng mag-usap na para maipadala ko na yung mga tseke ni Richard for three years, may mawi-withdraw ka every month. At saka yung pangalan ng mga bata, saka age ng mga bata para sa educational plan hanggang college,' sabi ko.

"Hindi ko alam, nung tinext ko si Lorayne, kinukuha ko yung pangalan ng mga bata saka age, ayaw na niyang sumagot sa akin. Ayaw niyang sumagot. Tapos narinig ko na lang na nagpunta sila sa police station, after two months, kumuha ng police report. Tapos, nagpa-presscon pa! Sabi ko, merong gumastos ng presscon diyan, kasi wala naman silang pera, 'no? May gumastos diyan ng presscon!" hinala ni Annabelle.

"KUNG HINDI DAHIL SA AKIN, HINDI SIYA TUTULUNGAN NG GMA." Sabi ni Lorayne ay ni piso raw ay walang naiabot o naitulong si Richard?

"Yung sinasabi nila na ni piso walang naitulong si 'Chard o ang pamilya Gutierrez, nagkamali siya. Nagkamali ka, Lorayne," sagot ni Annabelle. "Ako, napaka-generous ko, matulungin akong tao. Lalo na si Richard, kasama niya si Nomar seven days a week, sabi ko, hindi pabayaan ni Richard 'yan.

"Unang-una sa burol [ni Nomar], nagwawala kasi ang aking mga staff, ang aking mga PA, ang aking mga sekretarya dahil habang nakaburol si Nomar sarado ang opisina namin. Lahat ng mga tao ko, pati driver ko, nandoon sa wake, tumutulong doon kung ano mga kailangang gawin. Nagpapa-cater ako gabi-gabi. Yung catering ko naman, pinapasarap ko na dahil gabi-gabi nandoon ang aking pamilya. Nandoon ako, nandoon si Eddie [Gutierrez, Annabelle's husband], nakiramay kami sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, nakakasama ni Nomar si Richard for one year and a half at lagi kong nakikita sa bahay, kaya parang hindi ko puwedeng pabayaan. Kasi, unang-una, sinabi ni Lorayne sa driver ko nung sumundo sa kanila sa bahay niya na wala siyang kapera-pera. Sabi ng driver ko, 'Ako na'ng magsasabi kay Ma'am Annabelle, matulungin naman 'yan.'

"Baka nakalimutan ni Lorayne, alas tres y media ng umaga, tumawag sa akin si Monching [Ramon Christopher, Annabelle's stepson] na namomroblema yung asawa ni Nomar na wala raw kotse papuntang Tagaytay para sa ospital. Ginising ko ang driver ko, 3:30 in the morning, pinapunta ko sa bahay nina Nomar, sinundo yung asawa para dalhin do'n sa ospital. Nagbigay pa ako ng limang libo sa driver ko, pang-toll gate nila, pangkain, 'Wag mong pabayaang magutom yung asawa...'

"Actually, hindi ko kilala masyado ang asawa ni Nomar," patuloy ni Annabelle. "Hindi kami naging close niyan. Hindi naman talaga ako close sa mga asawa ng mga tauhan ko. So, pinapa-drive ko siya. Ang aking driver, service sa kanya hanggang pag-uwi. Tapos, tumawag sa akin yung driver ko, sabi sa akin, 'Ma'am, namomroblema ang asawa ni Nomar, wala raw kapera-pera. Paano daw ililibing asawa niya? Papaano daw yung pagkain sa burol?'

"So, ang ginawa ko, kasi nag-text sa akin si Atty. [Felipe] Gozon [GMA President], yung asawa, 'Annabelle, anong kailangan ni Richard, tutulong kami? Anong kailangan niyang tulong na gustong maitulong namin sa kanya?' Sabi ko, 'Mrs. Gozon, pakisabi, Emmy, ang tulong na hihingin ko sa kanya, 'wag na kay Richard do'n na lang sa namatay. Sana mailibing yung patay, magastusan man lang kung ano ang kailangan ng mga tao do'n, kung kailangan ng kotse... Kaya tumulong sa kanya ang GMA dahil din sa amin din 'yan. Kasi masakit sa loob ko kahapon sa interview niya [Lorayne]...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat lang ako sa GMA, kung hindi rin lang din sa akin, hindi naman siya tulungan ng GMA. Sino ba si Nomar? PA lang naman siya ni Richard, ba't siya tutulungan? Hindi naman siya artista. Kaya nga nakiusap ako na tulungan siya," pahayag ng ina ni Richard.

"BAKA PINAPRAMIS NI WILMA NA GAWIN SIYANG ARTISTA!" Ayon pa kay Annabelle, nasasaktan daw siya dahil hindi raw nagpasalamat si Lorayne sa lahat ng tulong niya.

"Apat na araw ako sa burol!" ani Annabelle. "Apat na araw akong nagpa-cater. Apat na araw akong nagpamisa. Apat na araw akong nagpasuweldo sa mga tao ko para mag-serve do'n ng pagkain. Ni isa [sa mga] kamag-anak ni Lorayne hindi nagse-serve ng pagkain. Lahat ng tauhan ko naka-stand by doon, 'Tumulong kayo, kasi kawawa naman yung pamilya ni Nomar.'

"Yung tulong naming galing sa puso, hindi niya naa-appreciate? Ano 'yon? Ano ba ang puso niya, bato? Hindi ko maintindihan. Hindi ko nga ginawa sa nanay ni Jun Lalin, si Jun Lalin, 15 years siya sa akin, hindi ko nga ginawa kay Jun Lalin 'yan. Ginawa ko sa kanya [Lorayne]!

"Nagbigay pa abuloy si Ruffa [Gutierrez, Annabelle's eldest daughter] hundred thousand [pesos]... Wala siya [ni] piso nakuha sa amin na pamilya ko? Kinapalan ko na ang mukha ko! Lahat ng kaibigan kong mayayaman hiningan ko ng abuloy para magkapera na lang sila. Si Gina de Venecia pumunta doon sa burol, dahil sa kanya ba 'yon? Dahil sa akin! Lahat inimbita ko mga kaibigan ko para magkapera sila. Anong sinasabi niyang wala siyang pisong nakuha sa pamilya ng Gutierrez?" diin ni Annabelle.

Patuloy niya, "Nagpapaaral nga si Richard ng mga batang hindi niya kilala ang mga magulang. Sa World Vision, ilang mga bata pinapaaral ni Richard, ang dami-dami kaya! Ngayon, bago pala mamatay si Nomar, papaaral niya pala yung panganay niya. Inamin lang sa akin ni Richard nung Sabado [July 25] lang. Sabi niya, 'Ma, aaminin ko sa 'yo meron akong ginawang hindi ko sinasabi sa 'yo dahil alam kong magagalit ka na naman.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bago siya humarap sa presscon ng GMA, sinabi niya sa akin na, 'Ma, yung panganay ni Nomar ako nagpapaaral, kasi nakita kasi ni Nomar nagpapaaral ako ng mga bata sa World Vision. Sabi niya [Nomar], isponsoran mo anak kong panganay.' Nag-sponsor siya.

"Bakit sinabi niya sa TV kahapon, wala siyang pisong nakukuha sa Gutierrez family? Ano ba 'yan? Ano na yung binibigay namin sa kanya? Tulong namin sa kanya, galing sa puso naming lahat 'yon. Bakit hindi naa-appreciate ni Lorayne 'yon?

"Samantalang nasa ospital si Nomar, nagmakaawa siya sa driver ko sabihin daw sa akin na wala siyang kapera-pera, paano kaya ililibing asawa niya? Ngayon, gumanda buhay niya, napalibing asawa niya, hindi niya naa-appreciate sa amin?

"Doon na siya kumampi sa mga taong hindi tumutulong sa kanya. Yun lang ang duda ko. Ang nasa likod ni Lorayne ngayon, baka pinapramisan siya ni Wilma na gagawin siyang artista, gagawin siyang kontrabidang nanay. Malay din natin, hindi rin natin alam, di ba?


Inakusahan din ni Annabelle na sinisira ni Lorayne ang pangalan ng kanyang anak.

"Bakit nung mamatay si Nomar, ayaw niyang magsalita sa TV?" tanong ni Annabelle. "Ayaw niyang magsalita. Kasi, hindi raw siya artista. Ba't ngayon iiyak-iyak pa siya sa TV, sisira-siraan niya pa'ng anak ko?

"Magsisisi siya diyan! Ang taong tumutulong sa pamilya niya, sinisiraan niya nationwide! Ewan ko kung tutulungan pa siya ni Richard. Sinira niya ang pangalan ni Richard! Kaya nagagalit si Richard, dahil nanonood siya ng TV na sinisiraan pa siya nung asawa. Nagugulat yung anak ko ba't sinisiraan siya."

"PAGSISIHAN MONG LAHAT NG ITO!" Kaya raw nagdemanda si Lorayne ay dahil may nakuha ito sa wallet ni Nomar na traffic violation ni Richard na reckless driving?

"Hindi isyu yung tiket," agad na sagot ni Annabelle. "Halos 100 percent ng driver, kung driver ka, humanda ka nang titiketan ka. Ang tiket, hindi kailangan na mali kang mag-drive, konting sampa mo lang do'n sa yellow light, reckless driving na agad 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, apat ang tiket ko. Lahat ng drivers ko, may mga tiket. Hindi isyu 'yon, e. Saka hindi naman koneksiyon sa demanda 'yon ni Richard. Nabangga si Richard do'n naman sa Tagaytay. Walang isyu do'n sa tiket. Kung wala nang titiketan na driver, di sana wala nang LTO! Tanggalin na lang LTO kung wala naman palang driver na titiketan!

"Akala niya dahil sa tiket makukulong si Richard? Alam mo, Lorayne, pagsisihan mong lahat ito! Dapat nilambing mo na lang si Richard. Iniyakan mo na lang sana si Richard. 'Yan ang anak ko na napakalambot ng puso. Ang dami niyang natulungan. Ayaw ko namang ibulgar lahat ng tulong anak ko dahil ayaw ko namang ipagyabang.

"Alam mo si Nomar, ang dami niyang perang nakuha kay Richard, I'm sure. Pati yung credit card niya, si Richard ang nagbayad. Alam lahat ni Lorayne 'yan. Yung three days pa lang si Nomar sa pagtatrabaho kay Richard, umutang agad siyang 11 thousand [pesos] para pambayad ng credit card niya. Ayaw ko lang isa-isahin... Ayaw ko lang mag-compute.

"Dapat malaman ni Lorayne na si Richard lang ang tumutulong sa pamilya niya. Si Richard lang ang tumutulong sa pamilya niya, wala nang iba!" diin ni Annabelle.

Ano ang reaksiyon ni Richard sa lahat ng ito?

"Nagalit siya nung nanood siya ng 24 Oras," sagot ni Annabelle. "Si Richard kasi, alam niya ayoko kay Nomar. First day palang ayaw ko si Nomar mapunta kay Richard. First day palang, alam niyang galit ako, kaya ayaw niyang ipapaalam sa akin lahat ng mga tulong niya kay Nomar. Hindi siya naniwala. Akala niya sinisiraan ko lang si Nomar.

"Nung napanood niya sa 24 Oras, talagang masama ang loob niya. Ba't nagpa-presscon-presscon pa yung asawa? At sisira-siraan pa si Richard. 'Ni piso, walang tinatanggap.'

"Paanong matatanggap yung offer na tulong ni Richard, e, tinanggihan niyang educational plan hanggang college? Tinanggihan niya 'yon. Tinanggihan niya yung 12 thousand suweldo ni Nomar for three years. Ano ang gusto niyang mangyari, four million?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, bakit? Hindi naman pati siya bubuhayin habang buhay, 'no? Magtrabaho siya, 'no! Hindi naman puwedeng gano'n." saad ni Annabelle.

So, totoo ba na four-million pesos ang hinihingi sa kanila ni Lorayne?

"Oo!" mabilis na sagot ng ina ni Richard. "May nag-inform sa akin, e, na nung last day nung burol dumating daw yung lawyer ni Lorayne saka yung tatay ni Nomar, nag-meeting daw sa isang kuwarto, narinig nung aking spy na sisingilin si Richard ng four million.

"Ano 'yan? Hindi kami bumibili ng patay! Parang ibinebenta sa akin 'yung patay. Hindi ko binibili si Nomar! Kanyang-kanya na si Nomar! Itago niya ang abo ni Nomar, hindi ko kailangan 'yon!" mariing sabi ni Annabelle.

"Ang amin lang," patuloy niya, "galing sa puso ang tulong ng aming pamilya sa pamilya nila. Galing sa puso ni Richard ang tulong sa pamilya nila. Wala kaming obligasyon sa pamilya nila. Gusto niyang [Richard] tumulong, hindi tinatanggap ng asawa. Ang gusto ko lang iparating sa taong-bayan na hindi ganoon ang anak ko. Si Richard, very generous.

"Sabi ko, 'Lorayne, pumunta sa burol si Richard, naghahanda na siya ng check book do'n sa burol, e.' Kasi ibibigay niya yung tulong kay Lorayne, e. Ang ginawa naman niya [Lorayne] sa burol, pagyakap sa kanya ni Richard, condolence, itinulak niya si Richard. Ayaw niyang magpayakap. Tapos sabi niya, 'Mag-usap tayo sa kabilang kuwarto!'

"Aba, galing pa anak ko sa ospital, ginano'n mo? Hindi pumayag anak ko. Sabi niya [Richard], 'May trauma pa ako...' Nagdadasal pa kay Nomar, bigla kang sabihan na, 'Mag-usap tayo!' Hindi maganda ang pagkasabi, e.

"Nagkamali ka, Lorayne, dapat nilambing mo na lang si Richard. May dala na siyang check book, hindi naibigay, kasi nagalit ka, Lorayne, e. Iba ang trato niya kay Richard that night. Parang sinisisi pa niya."

Bago natapos ang interbyu ay muling binanggit ni Annabelle ang duda niyang may involvement si Ms. Galvante sa demanda ni Lorayne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala nang ibang nagsusulsol d'yan, yun lang yun. Bakit siya [Lorayne] nagpunta sa GMA? After two months ng burol magbibigay siya ng mga resibo? Bakit aantayin mo pa ng two months magbibigay ka ng resibo? Puwede ka namang magbigay after one week, two weeks, one month? Ba't kailangang umabot ng two months?

"Sino nagpi-finance ng presscon na 'yon? Sino ang kumukuha ng lawyer? May nag-sponsor diyan. Ang pagkakamali naman ni Lorayne, nagpasulsol siya sa mga taong hindi makakatulong sa kanya. Tandaan niya 'yan! Pagsisisihan niya itong lahat-lahat ng ginawa niya kay Richard! Yun lang ang masasabi ko, wala nang iba.

"Hinihingi ko lang sa mga fans ng anak ko, ipagdasal n'yo lang na lahat ng inggitero, lahat ng mga devils mawala sa buhay ng anak ko!" pagtatapos ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN