Dingdong Dantes makes a visit to ABS-CBN for MYX taping

"Well, never ko namang naisip dati na makakapag-MYX ako, and then, naging posible siya. Pero sa ngayon, talagang ano, e, that happened only because of the promotion of the album. At bukod dun, I'm very much happy with GMA and I don't want to create any misleading moves," says Dingdong Dantes.


Muling tumapak sa bakuran ng ABS-CBN ang isa sa top leading man ng Kapuso network na si Dingdong Dantes noong July 27. Bago paman isipin ng marami nalilipat na ang aktor ng TV network, pumunta siya sa ABS-CBN para sa taping niya for MYX. Siya kasi ang guest VJ ng naturang music channel, na affiliated sa Kapamilya network, for the month of August.

From August 9 to August 22 ay mapapanood nga si Dingdong sa MYX, na may connection na rin sa promotion ng kanyang The Dingdong Dantes Experience music-video album.

Bagamat dumiretso na si Dingdong sa studio ng MYX sa 4th floor ng Talent Center Building, marami pa rin ang nagulat nang makita si Dingdong sa bakuran ng ABS-CBN. Although, bawat makasalubong na kakilala niya ay humihinto at bumabati naman ang Kapuso star.

Kasalukuyang nakapila noon ang gustong maging contestants for Wowowee sa mismong daan papuntang elevator ng Talent Center Building kaya nagulat ang mga ito nang makita si Dingdong sa loob ng Kapamilya network. Nangiti si Dingdong na kumaway na lang nang may sumigaw at tila hindi nakatiis na contestant: "Dingdong, bakit ka nandito? Lilipat ka na ba?"

Wala sa isip ni Dingdong ang lumipat, pero ang makatuntong muli sa ABS-CBN ay isang experience na hindi rin niya makakalimutan.

Nalaman din ng ilang TV crews ng ABS-CBN na nasa kanilang bakuran si Dingdong kaya pinuntahan nila ang aktor upang ma-interview kahit saglit.

Tinanong siya ng mga TV crew kung ano ang ginagawa niya sa ABS-CBN.

Sagot naman ni Dingdong: "Magiging guest VJ ako ng MYX for two week. Then, in a way, makakapag-introduce din ako ng ibang songs, masasabi ko sa kanila kung ano ang latest and, at the same time, natututo rin naman ako kung ano ang mga bagong kanta ngayon."

Hindi raw first time ni Dingdong, who has been a loyal Kapuso for his entire showbiz career, ang makatapak sa bakuran ng ABS-CBN. Naging semi-regular rin daw siya noon sa dance show na Keep on Dancing. Yun nga lang, matagal na panahon na raw yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda lang din na nagkaroon ng opportunity to do this for MYX," sabi ni Dingdong. "Para mas malawak din ang masakop at makaalam tungkol dito sa album na ito."

MEETING KARYLLE. The TV crew also asked Dingdong, since nasa ABS-CBN siya, puwedeng mangyari na magkasalubong sila ng ex-girlfriend na si Karylle na isa nang ganap na Kapamilya. Hindi ba siya natatakot na magkasalubong at magkita sila?

"Hindi naman," mabilis na sagot ni Dingdong. "Wala namang dapat ikatakot or iwasan. So, no problem."

In case na magkita sila, will Dingdong say hi?

"Siguro kasi by that time, paalis na ako," sagot ng aktor. "From here, diretso na 'kong palabas. So, sabihin ko, 'Nice place you got here.'"

NO MISLEADING MOVES. After his taping for MYX, nakausap din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong. Tinanong namin siya na bagamat loyal Kapuso siya, nakikita rin ba niya ang possibility to work as a Kapamilya in the future?

"Well, never ko namang naisip dati na makakapag-MYX ako, and then, naging posible siya. Pero sa ngayon, talagang ano, e, that happened only because of the promotion of the album. At bukod dun, I'm very much happy with GMA and I don't want to create any misleading moves," pahayag niya.

Since naging guest MYX VJ siya, na mapapanood nga ngayong August, isa ba ito sa mga pinangarap din niyang magampanan?

"Hindi naman, hindi naman," ngiti ni Dingdong. "Kasi, alam ko na hindi siya madali to talk about stuff. You should know that at ito ay mahirap, pero masaya. Nag-enjoy naman ako sa naging experience ko as guest VJ."

DOUBLE BIRTHDAY. Sa Linggo, August 2, ang 29th birthday ni Dingdong. May plano na ba siya sa mismong kaarawan niya?

"Sa akin, wala. Bahala na kung sinuman ang makaalala," sabi niya.

Wala ba siyang planong party?

"Wala, kasi lahat ng efforts ko, nakatuon dun sa launching ng mga bagay na gusto kong i-launch this August, and one nga is the foundation. Pangalawa, hindi ko puwedeng i-reveal ngayon, pero it's something that will be remembered. Pero definitely, it's also for my fans, my supporters," ani Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, kailan mari-reveal ang tinutukoy niya?

"Sometime in August," sagot ni Dingdong. "Hindi man siya matapat sa birthday ko mismo, pero at least, sa birthday month ko pa rin."

Hindi kaya may plano na kasi silang dalawa ng rumored girlfriend niyang si Marian Rivera sa mismong birthday niya?

"Sa totoo lang, wala pa. Ayoko na munang magplano. Siguro, bahala na lang silang magplano sa akin."

E, sa birthday ni Marian sa August 12, may plano na ba siya?

"Wala pa, pero ang pagkakaalam ko, may taping siya. At saka, gusto ko, biglaan na lang. Minsan kasi nagkakaroon ng plano, biglaan na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN