Is Rhian Ramos playing the role of Jodi in Stairway To Heaven?

"Mayroon na raw po akong gagawing bagong project, pero ayaw pa nilang sabihin sa akin. Kaya wala pa rin akong masasabi sa inyo," says Rhian Ramos.


Last Monday, July 27, ay nag-audition si Rhian Ramos with another actress—reportedly Maxene Magalona—para sa role na Jodi sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Stairway To Heaven. Si Dingdong Dantes ang gaganap sa male lead role na Cholo.

Kinagabihan, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa premiere ng OMG! (Oh My Girl!) sa Trinoma Mall ang magdidirek ng Stairway To Heaven na si Joyce Bernal.

Tinanong namin ang direktor kung si Rhian na ba ang gaganap na Jodi.

"Wala pa," sagot ni Direk Joyce. "Kanina lang natapos ang audition at ang Creative Committee ng GMA Network ang mag-a-announce kung sino ang gaganap na Jodi sa Wednesday [July 29]."

Ayaw talagang mag-commit ng lady director kahit may mga nagsulat nang si Rhian ang gaganap sa role.

"Wala pa rin kaming napipili na gaganap ng kontrabidang si Eunice," banggit ni Direk Joyce. "Gusto ko, ang makuha namin ay yung may pagka-chinita rin ang eyes tulad ng original actress na gumanap sa Korean drama."

Kahit si Rhian ay ayaw kumpirmahin kung siya na nga si Jodi nang tanungin ng PEP sa thanksgiving party na ibinigay ng GMA-7 for Zorro last Saturday, July 25.

"Mayroon na raw po akong gagawing bagong project, pero ayaw pa nilang sabihin sa akin. Kaya wala pa rin akong masasabi sa inyo," sabi ni Rhian.

If ever ba, sino ang gusto niyang makatambal sa susunod na TV project niya?

"Sana, si Dingdong [Dantes] naman," sagot ni Rhian. "Matagal-tagal na rin ako sa GMA, pero hindi ko pa siya nakakasama sa anumang show, except pag pareho kaming nagge-guest sa SOP."

ZORRO'S FAREWELL. Halos dalawang linggo na lang ang itatagal sa ere ng action-fantaserye na Zorro, kung saan gumaganap bilang leading lady ni Richard Gutierrez si Rhian. Ngayong araw, July 29, na ang last taping day nila sa Bagac, Bataan.

Ani Rhian, "Mami-miss namin ang location namin doon, kasi five months din kaming nag-stay. Halos every day na inaabot kami ng matinding init, ulan, at dinaanan din ng bagyo ang set namin doon. Mami-miss ko rin po ang buong cast, na dahil medyo malayo nga ang location namin, halos hindi na kami umuuwi except kung may mga commitments kami sa Manila. Kaya buo ang bonding ng buong cast, lalo na kaming mga babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bago nga kami natapos ng taping," patuloy niya, "tinuruan pa akong magsalita ng Spanish ni Tita Pinky [Marquez, who playes her mom] at ni Tita Lorie [Mara]. Sa story, dahil ay uuwi na kami sa Spain, kaya lang hindi ko maiiwan si Zorro/Antonio [Richard]. I-guess ninyo kung sino talaga ang mahal ko sa finale namin—si Zorro ba o si Antonio!"

Sa kakukulit namin sa kanya, sinabi na rin ni Rhian kung kanino siya mapupunta. Pero hindi na namin isinulat para hindi ma-preempt ang mga televiewers.

RICHARD'S CASE. Hiningan din ng komento si Rhian tungkol sa kasong kinahaharap ngayon ni Richard, matapos itong idemanda ng biyuda ng personal assistant ng aktor na si Nomar Pardo ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

"Nalungkot nga po kaming lahat kay Richard nang makarating ang balita habang nagte-taping kami sa Bataan last week," ani Rhian. "Nakita rin namin na noon lang talaga sumama ang loob niya sa nangyari. Alam namin kung gaano niya itinuring na isang kaibigan at parang kapatid na si Nomar, at hindi niya inisip na mangyayari ang aksidenteng 'yon. Alam kong maingat magmaneho si Richard at saka aksidente nga at walang may gusto na mangyari 'yon."

ANG PANDAY. Kinumusta rin namin kay Rhian ang pagtatrabaho niya sa Ang Panday, official entry sa 2009 Metro Manila Film Festival na dinidirek ni Mac Alejandre. Sila ba ni Senator Bong Revilla ang magkatambal sa movie?

"No, hindi po siya ang love interest ko sa movie, si Iza Calzado," paglilinaw ni Rhian. "May love pong involved sa aming dalawa ni Panday, pero pagmamahal 'yon ng isang babae na naghahanap ng iidolohin at nakita ko 'yon sa kanya.

"I am Emelita, at aksiyon na aksiyon po ang character na ginagampanan ko sa movie. Ang dami kong fight scenes at nag-aral talaga akong gumamit ng punyal dahil dito raw ako eksperto. Madalas din akong umuuwi sa bahay mula sa shooting na marami akong pasa sa iba't ibang part ng katawan. Parang Lord of the Rings kasi ang dating ng movie, maraming elements dito na hindi natin nakikita sa tunay na buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "May natitira na lang kaming four shooting days at mami-miss ko rin ang mga kasama ko sa cast."

How is it working with Sen. Revilla na first time niyang nakatrabaho?

"Si Senator Bong, he is fun to work with. Silang dalawa ni Kuya Ipe [Phillip Salvador], who plays the role of Lizardo, laging masaya sa set. Kahit sila ang mortal na magkaaway sa movie, pagkatapos ng take, wala na silang ginawa kundi mag-alaskahan nang mag-alaskahan, lalo na kung medyo puyat at pagod na sa shooting. Kaya kami rin natatawa na lang sa kanila," kuwento ni Rhian.

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang lovelife, "zero" daw ito dahil sunud-sunod ang trabaho niya. Ni wala nga raw siyang time para magbakasyon after ng Zorro, pero hindi raw siya nagrereklamo.

"I love to work and I love my craft," nakangiting sabi ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN