Edgar Allan Guzman gets rave reviews for performance in Astig

"Sobrang flattered ako! Ayokong ilagay sa ulo ko, mas gusto kong isapuso yun. Hindi ko iniisip na magaling ako. Umaasa lang ako na may mga susunod pa rito. Speechless ako!" says Edgar Allan Guzman about the rave reviews for his performance in the indie film Astig.


Marami ang na-impress na mga kritiko sa performance ni Edgar Allan Guzman sa indie film na Astig, isa sa naging paborito sa katatapos na Cinemalaya Film Festival. Kaliwa't kanan ang papuring natatanggap ni Edgar sa masasabing biggest break niya.

"Sobrang flattered ako! Ayokong ilagay sa ulo ko, mas gusto kong isapuso yun. Hindi ko iniisip na magaling ako. Umaasa lang ako na may mga susunod pa rito. Speechless ako!" natatawang sabi ng young actor nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Si Lou Veloso ang itinanghal na Best Actor para sa role nito bilang ex-convict na nalagay sa alanganin sa araw ng kanyang paglaya sa pelikulang Colorum.

Ani Edgar, "Dream ko sana na magka-award, pero okey lang po kung si Sir Lou ang nanalo. Deserving naman po siya. Tama na yung napansin ako sa movie namin. Masaya na ako. Natutuwa rin ako sa pagkapanalo ni Sir Lou. Wala naman akong expectations na magiging Best Actor ako.

"Happy na ako dahil sabi ni Direk GB [Sampedro], may kasunod na itong Astig. At saka isa sa immediate plans, lilipat na po ako ng Dos [ABS-CBN]," banggit pa niya.

FUTURE KAPAMILYA. Wino-workout na ng manager niyang si Noel Ferrer ang pagpasok ni Edgar Allan sa ABS-CBN. Feeling ng young actor, maaalagaan siya sa Dos at mabibigyan ng mas magandang kulay ang career niya.

"Handa na po ako sa factions, yung may mga maka-Kapuso at maka-Kapamilya!" natawa na lang ang binata. "Pagkakataon lang kasi. Mukhang sa Dos ako maipupuwesto. Hindi sa sinasabi kong ayokong maging Kapuso, pero naging part din naman ako nila for a time, di ba?

"Sa GMA-7 kasi, sa hapon lang nila ako napanood, sa Daisy Siete. Sana, sa Dos, mapanood din ako na pang-primetime. Para ma-prove ko naman na hindi lang ako pang-afternoon timeslot, di ba? Pero grateful ako sa GMA-7 dahil kahit paano, naging part ako ng Eat Bulaga! at doon ako nakilala. Dahil nga sa Mr. Pogi, at saka nakapag-guest pa ako sa ibang shows nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited si Edgar sa ABS-CBN sa dahilang naipangako sa kanya na baka maisali siya sa ASAP '09.

"Gusto kong makasama sa hatawan sina John Prats at Billy Crawford," sambit ni Edgar. "Gusto kong mapanood yung side ko na kumakanta at sumasayaw. Lalo sa sayaw, yun ang panlaban ko, e."

TAKE THE NEXT LEVEL. Na-realize din ni Edgar, after doing Astig, na mag-step up siya to another level.

"Yung hindi na basta pagpapapogi lang, pagpapa-cute," aniya. "Kailangan ko ng experience sa iba pang trabaho. Gaya sa indie films, ang Astig yung first lead participation ko. Nabasa ko agad ang script, sabi ko, tatanggapin ko. Hindi yung sa love scene o kung anuman, yung maibibigay ko sa isang eksena, yung hinihiling sa akin."

Mukhang malalim na aktor si Edgar. Saan kaya siya humuhugot ng emosyon?

Sagot niya: "Yung dad ko, namatay sa ibang bansa. He died of aneurysm. Forty-five years old lang ang father ko when he died. Naging inspirasyon ko 'yan, diyan ako humuhugot. I was only 13 when it happened. Kaya hanggang ngayon, nasa akin pa rin yun. But, I really have to move on.

"Sa indie, dinarama ko yung bawat linyang sinasabi ko. Hindi ko ina-anticipate, basta bigla na lang lumalabas. Nagugulat din ako sa sarili ko. Nang mapanood ko yung movie [Astig], ang ginawa ko lang, isinasapuso ko lang ang mga linya, lalo yung emotions doon sa baby. Yun yung eksenang kailangang bumigay ako. At doon ko na ibinuhos lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN