Jomari Yllana impressed by the beauty of YouTube singing sensation Marié Digby

Jomari Yllana and YouTube singing sensation Marié Digby pose for a photo op during the press conference this afternoon for Marié's one night only concert at The Fort in Taguig City, this August 1, Saturday, 8 pm. Jomari says he's very impressed by the beauty of Marié, "Maganda siya talaga, e. Tsaka very pleasing ang personality, very sweet, madaling kausap... Actually, she looks better in person. 'Tapos, may height pala,


Dumating na sa bansa ang YouTube singing sensation na si Marié Digby para sa one-night only concert nito sa The Fort, Taguig City sa Sabado, August 1, 8 pm. (click here for video of Marié's presscon)

Mismong ang isa sa mga producer ng show niya rito na si Jomari Yllana (representing Fearless Productions) ang sumundo sa kanya sa airport.

Nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jomari, siyempre pa'y natanong agad ito kung pagkatapos ba ni Marié'y may kasunod na silang foreign act na dadalhin uli sa Pilipinas.

"Meron kaming pinaplano na local. Pero it's gonna be big, it's gonna be different. Medyo iba siya, e. Pero hindi lang namin mabanggit siyempre yung artist, baka ma-preempt, e. Pero meron kaming inaayos na local, meron din kaming inaayos na international. Hindi pa namin mabanggit, mahirap, e. Hangga't hindi pa siya sigurado, hindi naman namin mababanggit," sagot ni Jom.

ROMANCE WITH MARIÉ? Marami ang kinilig nang nagpakuha ng litrato si Marié at si Jomari. Pati ang mga host ng press conference para kay Marié ay binirong bagay raw ang half-Japanese, half-Irish American-born and raised singer-composer at ang actor-turned-producer.

May romansa bang dapat abangan ang publiko sa kanilang dalawa?

"We're here to take care of her, and give her the best show she ever had. Kami, kapag yung guest namin nandito, medyo ini-spoil namin nang husto...," medyo paiwas na sagot muna ni Jom. Pero bigla rin itong kumambiyo ng biro na, "Nagdya-jack en poy pa kami ni Ronald, e," sabay tawa nang malakas nito.

Si Ronald ay ang kasosyo niya sa Fearless Productions na si Congressman Ronald Singson ng Ilocos Sur.

Pero aminado rin si Jom na impressed siya sa natural na ganda ni Marié.

"Maganda siya talaga, e. 'Tsaka very pleasing ang personality, very sweet, madaling kausap... Actually, she looks better in person. 'Tapos, may height pala, e. 'Sakto ang height niya, maganda, matangkad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTOR-PRODUCER. Napapansin ng press na mas nalilinya sa producing at tila mas gusto niyang behind the scenes muna ang trabaho niya. Pero pasubali ng aktor, nasa isang linya lang naman siya ng show business na patuloy pa rin naman niyang ginagalawan, pero aktor pa rin naman daw siya at may pelikula nga siya.

"I'm doing a movie. I'm doing [Ang Spoiled] Brat...of Angelina and Yaya," pahayag pa ni Jom.

Ang movie na Ang Spoiled Brat ay ang pelikulang pinagbibidahan nina Ogie Alcasid as Angelina, ang brat na alaga at ni Michael V as Yaya. "Kami ni Aiko [Melendez, ang kanyang ex-wife] yung magulang ni Angelina."

Kumusta na nga ba sila ng kanyang ex-wife?

"Okey lang. We're still good...how do you say it...good parents. Trying to be the best parents we could be. We're closer now than ever... as friends or ex...parang gano'n. Okey naman [kami]."

DOING GOOD ON HIS OWN...FOR NOW. Tinanong ng PEP kay Jom kung ano na ang balak niya at kung sino ba ang gusto niyang maging manager. Nabalita na kasing nasa pangangalaga na ni Wyngard Tracy ang showbiz career ni Wendell Ramos, habang si Boy Abunda naman daw ang manager na ni Gelli de Belen. Dati niyang kasama ang mga ito sa pangangalaga ng namayapa nang manager nilang si Douglas Quijano.

"I'm trying to handle it on my own muna. Pagka hindi ko na kaya, hihingi ako ng saklolo, ha-ha-ha!" napatawang sagot ng aktor. "Pero...sa ngayon, wala, e. I cannot think of someone who can replace Douglas. So far, so good. I'm doing it [managing career] on my own."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN