Rayver Cruz denies he had short-lived romance with Sarah Geronimo

"Nasa kanya na ang lahat at napakabuti niyang tao. Pero sa ngayon talaga, magkaibigan lang talaga kami. Tingnan na lang natin kung ano ang puwedeng mangyari. But for now, ine-enjoy naming yung friendship naming dalawa," says Rayver Cruz about Sarah Geronimo.


Sa kabila ng paulit-ulit na pahayag nina Rayver Cruz at Sarah Geronimo na walang namamagitan sa kanila bukod sa pagiging magkaibigan, lumabas sa isang diyaryo na totoo raw na naging magkasintahan ang dalawa pero naputol agad ito dahil humadalang daw ang pamilya ng young singer-actress sa relasyon nila.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver, iginiit niya na hindi totoong nagkarelasyon sila ni Sarah gaya ng lumabas na balita.

"Hindi totoo 'yan, friend ko lang talaga si Sarah," paglilinaw ni Rayver. "Naging malapit lang kaming magkaibigan. Hindi naging kami. Hindi ko siya naging girlfriend. Walang ganun.

"Hindi ko masasabing nanligaw ako. Ang nangyari lang, naging close kami. Nagungumusta ako sa kanya pag alam kong medyo busy siya, pero hindi ako formally nanligaw.

"To be honest, nakakagulat lang din 'pag minsan may mga lumalabas na ganyang mga balita. Gaya ng sinabi ko, we became good friends, at natutuwa ako sa relasyon namin na ganun."

Pero aminado si Rayver na, given the chance, magiging masaya siya kung magiging girlfriend at siya ang magiging unang boyfriend ni Sarah.

"Oo naman!" sambit ng binata. "Nasa kanya na ang lahat at napakabuti niyang tao. Pero sa ngayon talaga, magkaibigan lang talaga kami. Tingnan na lang natin kung ano ang puwedeng mangyari. But for now, ine-enjoy naming yung friendship naming dalawa."

SARAH-JOHN LLOYD. May lumabas ding report na nanligaw rin ang kapareha ni Sarah sa A Very Special Love at You Changed My Life na si John Lloyd Cruz sa Pop Princess, pero hindi raw ito natuloy dahil pinagbawalan din ito ng ina ng huli na si Mommy Divine. Balita rin na muntik na raw mahulog ang loob ni Sarah kay John Lloyd, pero na-link naman ang aktor kay Ruffa Gutierrez.

Sa puntong ito, sinabi ni Rayver sa PEP na wala siyang nararamdamang selos kung may katotohanan man ang nasabing balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung totoo man 'yan, okey lang naman," saad ni Rayver. "Kasi iba din naman ang pinagsamaham nilang dalawa [ni Sarah]. Magkasama sila from the first movie to second. So anuman ang mayroon sila, kung anuman ang closeness nila, we have to respect that. Nakakatuwa rin kasi talaga silang dalawa. Bagay talaga sila, as in solid, lalo na 'pag nasa screen. Sana okey sila."

Sa hiwalay na interview kay Sarah recently, sinabi niya na kung makikipagrelasyon siya, ayaw niya sa taga-showbiz. Bukod daw kasi sa maintriga ay marami pang temptations.

Hindi kaya ikinahina ng loob ni Rayver ang naging pahayag na ito ni Sarah?

Sagot niya, "Hindi naman ako na-hurt. Kung anuman ang desisyon niya... Siguro kahit ako yung babae, para iwas sa gulo, tukso, pipiliin ko yung non-showbiz. Naiintindihan ko yung ganung desisyon niya. Siyempre, iisipin mo rin na magulo, iisipin mo na mas mabuti na non-showbiz na lang para mas maayos. "

MELISSA-JAKE. Sa kasagsagan ng pagli-link kina Melissa Ricks at Jake Cuenca, lumabas din ang usap-usapan na ang talagang boyfriend daw ng young actress ay si Rayver. Pero itinatago lang daw nila ang kanilang relasyon.

Ngayong may mga lumabas na balita na nagsasabing sweet na sweet daw sina Melissa at Jake nang mag-concert ang Star Magic talents sa U.S. at itinatago lang daw nila ang kanilang relasyon, mukhang matutuldukan na nang tuluyan ang hinala na "secret lovers" ang drama nina Rayver at Melissa.

"In a way, nakahinga ako nang maluwag kasi naklaro ang dapat klaruhin. Just like I've always said before, si Mel ay isa sa malapit na kaibigan ko dito sa ABS, sa ASAP—sila nina Kim [Chiu], Gerald [Madrid], at Matt [Evans]. Kung sila [Melissa and Jake] na nga, happy ako for them. Kasi pareho silang dalawang mababait na tao, pareho silang maalaga, at I can say na bagay sila," sabi ni Rayver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN