Vic Sotto openly praises LOL leading lady, keeps wedding plans with Pia Guanio under wraps

"Yung mga link-link, e, para sa akin, pang-elementary 'yan. Corny na, e. Iba naman. And I don't resort sa mga ganung gimik para mapag-usapan ang pelikula. Puwede namang pag-usapan ang pelikuila dahil maganda yung trailer, maganda yung konsepto nung pelikula," says Vic Sotto about what he thinks are inane speculations on artists' lovelife.


Sa August 19 na ang showing ng bagong pelikula ng comedian-TV host na si Vic Sotto, LOL (Love OnLine). Tamang-tama raw ang agwat nito sa susunod na pelikula ni Vic this year, Ang Darling Kong Aswang, para naman sa 2009 Metro Manila Film Festival.

"Natataon naman, hindi ko pinaplano. Originally, dapat mas maaga pa ito, e. Pero hindi ako nakapagsimula agad. May mga konting aberya, pero naayos naman lahat. So, nataon na August," umpisa ni Vic sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

VIC'S NEW LEADING LADY. Bago ang leading lady ni Vic sa LOL sa katauhan ng Thai model-actress na si Paula Taylor. May star complex ba si Paula?

"Wala, walang-wala," sagot ni Vic.

Napaka-gentleman din daw ni Vic, sabi ni Paula sa isang interbyu sa model-actress. Ano ang reaksiyon dito ni Vic?

"Parang siya, magaling makisama. Hindi siya maarte. 'Ika nga, walang kiyeme sa katawan kahit na alam mo na internationally sikat siya. Pero sa pananalita, sa kilos, wala siyang kaarte-arte," papuri ng comedian sa kanyang leading lady.

Wala bang dapat ipagselos si Pia sa kanya?

"Wala," diin ni Vic. "Prior to this, siya pa nga ang natatanong, e, at natatawa na lang siya. Meron ngang isang nagtanong sa kanya about sa amin ni Paula, ang sinagot lang ni Pia, 'Napaka-immature naman ng tanong na 'yan. Grow up na lang.'

"Kasi parati na lang ganun, e, kapag may pelikula. Hindi lang sa akin, kadalasan sa lahat ng artista. Yung mga link-link, e, para sa akin, pang-elementary 'yan. Corny na, e. Iba naman. And I don't resort sa mga ganung gimik para mapag-usapan ang pelikula. Puwede namang pag-usapan ang pelikuila dahil maganda yung trailer, maganda yung konsepto nung pelikula.

"Alam naman natin na in na in ngayon ang online chatting, eyeball... Yung mga maraming nakakatawang nangyayari dahil sa mga chat-chat na ganyan. Mga profiles na pinapadala, yung mga eyeball, funny, comic incident, tinalakay ng pelikulang ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, may na-feel ba siya nang una niyang makita si Paula?

"Paghanga bilang international personality," sagot ni Vic.

Walang attraction?

"Hindi na uso yun," ulit niya.

Hindi na siya naa-attract sa ibang babae?

"Hindi na. Sa isang babae na lang ako na-a-attract talaga," sabi ni Vic patungkol kay Pia.

IT'S A NORMAL THING. Kamakailan ay nagkaroon ng isyu na naghiwalay na si Vic at Pia. Umamin naman si Pia sa Showbiz Central na nagkaroon sila ng konting differences ni Vic. Totoo nga ba?

"Lahat naman ng relasyon may ganun. But there's no need to make a big deal out of it. Kahit sa magkakaibigan, magkapatid, sa anak at magulang, may mga konting...how do you put it? Misunderstanding or tampuhan, normal lang yun kahit sinong tanungin ninyo. At kami nga, normal na tao lang having a normal relationship. So, kasama yun sa relationship," paliwanag ni Vic.

Kapag nagtatampo si Pia ano ang ginagawa niya?

"Nagpapa-cute na lang ako. Tanggal agad yun!" natatawang sabi ni Vic.

What if kapag siya naman ang may tampo kay Pia?

"Ganun din, nagpapa-cute siya!" tawa niya ulit.

Ano na ang latest sa relasyon nila ni Pia?

"We're doing good. Pagdating sa settling down, e, we will just surprise you."

Pinag-uusapan na ba nila ang kasal?

"Parati namang pinag-uusapan yun."

Is it soon?

"It could be later. It could be soon."

LOLO VIC. Kumusta naman ang pagiging lolo niya sa anak ng panganay niyang si Danica Sotto kay Marc Pingris?

"E, masarap, naglalakad na yung apo ko. Naglalakad na at marami nang alam na tricks," banggit ni Vic.

Ano ang tawag sa kanya ng apo niya?

"Tatay. Yun kasi ang nakagiwan namin sa mother side ko. Tawag namin sa lolo namin 'tatay'; sa lola, 'nanay.'"

POLITICAL PLANS. Bakit pati siya nababalitang may political plans?

"Ako wala akong ina-announce, wala akong sinasabi... Pagdating sa pulitika, hinahayaan ko lang sa kapatid ko yun, kay Tito [Sotto]. Kung anuman yung mga political views ko or idea, e, nasa akin na yun. Pero as far as political plans are concerned, sa ngayon, wala. Pero matagal nang may offer sa akin," pag-amin ni Vic.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN