Geoff Eigenmann on Carla Abellana: "She's someone I can see that I can spend the rest of my life with."

"Kung ano yung nakikita n'yo, that's how we are right now. I'm not saying kung kami na or whatever. Honestly, we are good friends and as much as possible, we'd like to keep it that way muna for now," says Geoff Eigenmann about Rosalinda leading lady Carla Abellana.


Nasaksihan mismo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sweetness sa isa't isa ng Rosalinda lead stars na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana at huling-huli pa ng aming camera ang pagki-kiss nila during their live chat with their fans sa iGMA.tv, ang official website ng GMA Network. In-organize ang naturang live chat ng GMA New Media Inc. (NMI) at ginanap ito last Tuesday, July 28, sa NMI office sa 12th floor ng GMA Network.

Actually, solo live chat lang talaga ni Geoff ang naka-schedule that day. Pero sa last segment ng live chat ay nag-surprise live appearance si Carla para sa kanyang ka-loveteam. Bilang ganti ito ni Carla sa sorpresang phone patch greetings naman ni Geoff sa naunang solo live chat ni Carla last June 25.

Parang nagkaroon nga ng patikim ang mga fans ng dalawa sa magaganap na live chat nila sa August 27. This time, magkasama na silang makaka-chat ng mga fans for two whole hours.

After ng live chat ay na-interview ng PEP at ng ilang GMA TV crews sina Geoff at Carla. Unang kinumusta ng PEP ang pakikipag-chat ni Geoff sa mga fans nila ni Carla, lalo na't according sa NMI reports ay ang solo live chat nila ni Carla ang dalawa sa highest number of chatters sa kanilang records.

"First time kong mag-live chat. Sobrang saya! Nagulat nga ako, ang daming questions. Sobrang wooh! Nakakataba ng puso kasi everyone is interested, all age groups, kaya sobrang saya," pahayag ni Geoff.

Ano ang feeling na marami ang sumusuporta sa kanila?

"Overwhelming, siyempre," aniya. "Dagdag pressure din yun. Pero yung pressure ba yun, hindi mo na naiisip, e, kasi sobrang enjoy while chatting with everyone."

Ano ang pinaka-favorite o memorable question sa mga messages na natanggap niya?

"Ang dami, ang daming good questions like dream roles, kung paano kami ni Carla on the set. If there's a particular one, simple lang, kung sino daw ang naging favorite ko sa mga naging leading ladies ko? Of course, Carla!" tugon ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS. Ipinasagot din ng PEP ang iba't ibang isyu tungkol sa kanilang dalawa ni Carla, lalo na ang diumano'y pagkakamabutihan na raw nilang dalawa.

Geoff, tapatan na, totoo bang in love ka na raw kay Carla?

"Well, sasabihin ko na, I think action speaks louder than words," sagot niya. "Kung ano yung nakikita n'yo, that's how we are right now. I'm not saying kung kami na or whatever. Honestly, we are good friends and as much as possible, we'd like to keep it that way muna for now."

Kitang-kita ang pamumula ni Geoff at todo ngiti niya sa presence ni Carla that day. Ano ba ang ibig sabihin nito?

Natawa muna sina Carla at Geoff bago nakapagsalita si Geoff, "Well, that says a lot."

When was the last time na nag-blush siya ng gano'n?

"Wow! Hindi ko na maalala actually. But I'm really happy right now," sambit ni Geoff.

Ano naman ang reaksyon ni Carla rito?

"Wala lang, natutuwa ako sa kanya. I'm flattered also na he's happy I'm here. At least, successful yung surprise," sagot ni Carla.

E, na-surprise ba naman talaga si Geoff?

"Yes, yes, yes!" bulalas niya. "Very unexpected kasi alam ko may something else [work] siya for today. I was thinking na meron [surprise], pero ang alam ko nga kasi she has something else for today, so hindi ko talaga alam."

So, ibig sabihin nagkakaalaman na sila ng schedule at nagsasabihan na sila ng lakad ng isa't isa?

Ani Geoff, "Well, kasi we're together almost everyday, so napag-uusapan din naman namin 'yan. Constant yung communication namin."

"Yeah, we talk all the time," pagsang-ayon ni Carla.

Constant communication... so, constant date na rin ba sila?

"Communication lang muna!" natatawang sabat ni Geoff.

Textmates na ba sila?

"Yeah, we text each other kahit walang work," wika ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagsasabihan na ba sila kahit sa text ng "good night, sweet dreams"?

"Oo naman, may ganun, siyempre!" natatawang sagot ni Carla.

So, wala pang nangyayaring pagbisita sa house?

"No, wala pang ganun," sagot ni Carla.

Pero nayaya na ba ni Geoff si Carla na mag-date?

"Siyempre, may mga ganun," sagot ng binata. "Pero hindi pa nga natutuloy kasi we're both very busy. But it's definitely something to look forward to."

Carla, hindi ka pa raw kasi pumapayag na makipag-date kay Geoff?

"Ay, hindi naman! Like he said, we're both busy. Hahanapan din namin ng time 'yan. Someday," wika ni Carla.

Meaning, papayag kang makipag-date kay Geoff?

"Why not? 'Pag may time, we'll see," sagot ng dalaga.

Ano ba ang nagustuhan nila sa isa't isa?

Ani Geoff, "Ako, for me, sobrang dami talaga. I can't think of anything bad to say about her. Everything about her is perfect."

Ayon naman kay Carla, "Ako, I like that he's really nice to me and napaka-sweet niyang tao. Alam mong sincere siya, gentleman. Maalaga siya. Palagi siyang nandiyan. Palagi siyang tumutulong, nakabantay."


GETTING CLOSER. Speaking of "maalaga at palaging nandiyan," kamakailan ay nagkasakit si Carla during taping. Mataas ang lagnat niya at umabot ito ng 39.3 degrees.

Kuwento ng young actress, "Ang sama talaga ng pakiramdam ko noon. Na-hold yung taping ng ilang hours because of my fever. Pero masaya kasi ang daming nag-alaga sa akin. Hindi ko ine-expect yun. Pagkadating ko kasi sa set, may fever na ako and then gumawa pa ako ng dalawang scenes na napakahirap. Tapos feeling ko, lahat sila naaawa na sa akin.

"Pero as soon as I arrived at the other location, okay na ako. Ang daming nag-alaga sa akin. Siyempre si Geoff, hindi niya ako iniwan. Nandun lang siya sa tabi ko the whole time, ilang hours yun. Nandun lang siya binantayan niya ako hanggang sa mawala yung fever ko. Kaya thankful talaga ako kay Geoff at sa lahat ng nag-alaga sa akin sa production."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang feeling ni Geoff na thankful si Carla sa ginawa niyang pag-aalaga rito?

"E, kasi ang dami na niyang ginagawa, siyempre sobrang pagod kaya nagkasakit siya. I just did everything I could para bumuti ang pakiramdam niya," sabi ni Geoff.

Can they say na mas sweet na sila sa isa't isa?

"I think closer is the right term," paglilinaw ni Carla. "We're getting closer than ever before sa isa't isa. So, very happy and we're still working hard."

May terms of endearment na ba sila sa isa't isa?

"Wala, walang ganun," ani Carla.

Ang tanong ng maraming chatters sa live chat nila, posible bang maging sila?

Ani Geoff, "For me naman, anything is possible. Time will tell na lang. So, bahala na. Anything really is possible."

Sagot naman ni Carla, "Yun nga, time will tell lang. We'll see siguro eventually."

Ideal guy and girl ba sila para sa isa't isa?

"Ako, honestly, I would have to say yes," sagot ni Geoff.

"Oo naman," pagsang-ayon din ni Carla.

Bakit?

"Yun nga, I can't say anything bad about her," sabi ni Geoff. "She's so lovable. She's the perfect girl to take home to meet the parents nga. She's someone I can see that I can spend the rest of my life with."

Napa-'wow!' naman si Carla sabay sabing, "Hindi niya pa yun sa akin sinasabi. Pero thank you, thank you. Wala ako masabi. Speechless ako!"

FAMILY AND FRIENDS. Aminado sina Carla at Geoff na hindi pa nila nami-meet personally ang parents ng isa't isa. Pero hindi pa ba nagtatanong ang parents nila tungkol sa kanilang dalawa?

"Sa akin, wala naman," sagot ni Carla. "Although curious sila palagi, pero hindi sila yung nangungulit or what."

Ayon naman kay Geoff, "Ganundin with my family. Hindi sila nangungulit. Alam naman nila na ako yung mag-o-open up kung gusto nilang pag-usapan about it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about sa mga friends nila, ano ang ikinukuwento nila sa kanila about sa kanilang dalawa?

"Ako honestly, when I'm with my friends, I can't stop talking about her," pahayag ni Geoff.

Sabi naman ni Carla, "Ako 'pag sa friends, 'pag kasama yung friends, nagtatanong sila about him. Sinasabi ko na very professional siya. Alam ko na he has no bad intentions and mabait. Wala akong worries. Nakikita naman nila yun. Alam naman nila na totoo. Suwerte raw ako na siya yung naging Fernando Jose [character ni Geoff sa Rosalinda]."

ROSALINDA ISSUES. Ilang intriga rin ang pinasagot ng PEP kina Geoff at Carla. Una na rito ang hindi raw humahataw sa ratings ang Rosalinda.

"Okay lang," sabi ni Carla. "We will still improve kung anuman yung problem, magagawan naman ng paraan 'yan. Siguro a little more time, eventually magiging okay din."

Hindi raw nila na-meet yung expectations ng marami?

"Wala naman kaming nababalitaang ganun," sabi ni Geoff. "Everything naman na nare-recieve namin na news, especially sa mga bosses, positive naman. Ratings-wise naman, I guess, may ibang magagandang shows din diyan.

"Pero yung sa amin naman kasi, yung ratings namin tumataas naman kasi in each episode, e. Pataas siya nang pataas, so mas mabuti na yun kaysa bumababa. And we just started, barely a month pa lang." paliwanag pa niya.

Ano naman ang message nila sa mga detractors ng loveteam nila na nagsasabing hindi raw sila bagay?

"Okay lang, you cannot please everyone, di ba? Hindi naman mawawala 'yan e. Kung ayaw nila, e, di okay lang. No problem," sagot ni Carla.

Sabi naman ni Geoff, "Say all you want. Basta kami, nag-e-enjoy kami sa mga ginagawa namin and mas maraming nag-e-enjoy sa mga ginagawa namin, sa mga napapanood nila. Yun, mas importante sa amin yun."

Ano pa ba ang aabangan sa Rosalinda?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami pa!" sambit ni Geoff. "Every week mayroon kaming kinukunan na something big between us and all the other characters also. So, madami pang dapat abangan. Siyempre kikiligin pa ang mga viewers sa amin ni Carla."

Mas marami bang intimate moments na aabangan ang mga manonood?

"Oo, mas marami pa," sabi ni Carla.


KISSING SCENES. Sinasabing mas magandang lumalabas ang kissing scenes kapag ang feelings ng dalawang gumagawa nito ay totoo. Sa mga kissing scenes nila sa Rosalinda, ano ba ang iniisip nila?

"We're very comfortable with each other," sagot ni Geoff. "Kaya yung sa mga eksena namin, nakikita naman yun ng mga tao. Yun nga, we're very comfortable with each other. That's one thing that will never change."

Wika naman ni Carla, "At first, talagang kabado, kasi first time ko yun ever on public TV na I'll be doing intimate scenes. So, in fairness naman, whenever we do it, very comfortable naman kami sa isa't isa, kasi he's also very professional. So, walang kaba, wala talaga."

NEW CAR. After the live chat, nasaksihan din ng PEP ang pagpirma ni Geoff ng ilang documents para sa kanyang biniling bagong sasakyan. Kaya hindi rin naiwasan na itanong namin kay Geoff ito.

"Yes, I signed some papers and I will be getting a new car. It's a jeep commander. So, hopefully, soon makuha ko na siya," proud na sabi ni Geoff.

Anong klaseng model niya?

"It's an SUV Jeep Commander 2009. For tapings talaga, for out-of- towns."

First car niya ba yun na siya talaga yung bumili?

"Yeah, first car na ako yung nag-ayos talaga. My very first," sabi ni Geoff.

Ano ang feeling na nakakapag-invest na siya mula sa kinikita niya?

"Ang sarap, sarap ng feeling!" bulalas niya. "Parang lahat ng pinaghihirapan ko nakakabawi ako ngayon. Of course, ang sarap din ng feeling kasi mas nakakatulong na ako sa family, sa mom ko [Gina Alajar], and with my brothers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN