Newcomer Xian Lim is disappointed with delay of Katorse

"Actually, marami po ang na-disappoint, like my family po, excited po sila na mapanood. Siyempre po at ako rin naman po, excited na po ako, tapos yun nga po, medyo natatagalan po. Sa ngayon po, hindi ko pa po alam kung kailan na mai-air," says Xian Lim about the delay in airing Katorse.


With his good looks and 6'2" height, nakakatawag agad ng pansin ang baguhang si Xian Lim. Si Xian ang isa sa July birthday celebrators ng Star Magic na ipina-presscon kahapon, July 30, sa 14th floor ng ELJ Building.

Si Xian ay lumaki sa U.S. pero nang umuwi siya sa Pilipinas ay nagsimula na siyang mag-model at naging miyembro pa ng Team B varsity ng University of the East, kung saan naging varsity player din at alumnus ang kanyang ama.

Obviously, nakikitaan ng malaking potential ng ABS-CBN si Xian dahil pagkatapos ng My Only Hope, isa na siyang leading man sa upcoming drama series na Katorse opposite Erich Gonzalez.

Although hindi raw ang pagpasok ng showbiz ang una niyang priority noon, nag-e-enjoy na raw siya sa ginagawa niya ngayon.

Kuwento ni Xian sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Dinala po ako sa ABS and they said they will provide workshops if I want. I started po kasi in modeling talaga. And hindi ko naman po ine-expect na mag-aartista nga po ako."

Xian was born and raised in San Francisco, pero umuwi raw sila ng Pilipinas at tumira sa bansa for five years.

"Ang purpose po nila is for me to learn 'po' and 'opo,'" sabi ng young actor. "Mas respectful daw po kapag dito lumaki ang bata. After po ng mga six years ko po, lumipat na po kami ng San Francisco at doon na po kami nag-aral.

"Actually, noong maliit po ako, nandoon yung gusto kong maging artista. But it wasn't my plan coming here. It never crossed my mind naman po. Sobrang masaya po ako na nakapasok ako rito."


KATORSE. Ang Katorse ang maituturing na biggest break ni Xian, so far, kaya hindi niya itinago ang kanyang disappointment na natatagalan ang paglabas ng Kapamilya show.

"Medyo matagal nga po... I'm just waiting patiently po. Sabi po kasi nila, noong time na ie-air, puro bagyo raw po. E, ang location po namin sa Batangas, parang tubuhan po. Ang dami pong delayed na tapings," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talagang inaabangan daw ng pamilya ni Xian ang bago niyang show.

"Actually, marami po ang na-disappoint, like my family po, excited po sila na mapanood. Siyempre po at ako rin naman po, excited na po ako, tapos yun nga po, medyo natatagalan po. Sa ngayon po, hindi ko pa po alam kung kailan na mai-air."

Happy raw si Xian sa character niya sa Katorse dahil siya ang gumaganap ng dating role ng yumaong aktor na si Alfie Anido bilang good guy. Wala rin problema kay Xian kung gawin niya ang ginawa ng mga dating gumanap dito like Alfie and Gabby Concepcion, kung saan naka-trunks ang mga ito sa ilang eksena.

"Yes, nakita ko nga po," banggit ni Xian. "Of course naman po, okey lang naman pong gawin alang-alang sa story. Kasi hindi naman po siya parang binabastos. Pero so far, wala pa po kaming nate-tape na ganoon. Matagal pa naman po ang taping. Nakaka-kalahati pa lang po kami."

Isa si Xian sa maaaring abangan sa Cosmopolitan Bachelors this year. Kamakailan lang daw ay nag-pictorial siya para sa special issue ng naturang magazine.

May lumalabas na anggulong hindi raw naapruban ng MTRCB ang Katorse dahil sa pagiging daring ng kuwento nito. Ang character kasi ni Erich, na ginampanan noon ni Dina Bonnevie, ay naging isang ina at the age of 14. Pero ayon kay Xian, may magandang lesson naman daw na mapupulot sa show nila.

"I think, kapag binabasa ko po siya, nakikita ko po that people can learn from it. Na ganito ang mangyayari kapag ginawa. It's showing the challenges of life po talaga. I think it really has a good message for all. Kasi po, ipinapakita ang mangyayari, do's and don'ts and what if," paliwanag ni Xian."

Todo naman ang depensa ni Xian sa kanyang leading lady na si Erich Gonzalez nang may mang-intriga rito; may ilang cast members daw sa show nila na hindi masyadong nakakasundo ang young actress. Ayon kay Xian, walang katotohanan 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi po! Super bait po niya at super patient din po siya sa amin. Minsan, may mga scenes na mahirap, tumutulong po siya to make the scenes work. And besides, she's very good with her character po," pagtatanggol ni Xian.

Is he attracted to Erich?

"Sinabi ko naman po sa kanya na she's pretty, she stands out. Sinabi ko naman po sa kanya yun, e. She's an attractive girl. Kung titingnan ko po siya, she's my type of girl, but there's nothing going on between us," sagot ni Xian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN