Lucy Torres-Gomez feels she is going to get pregnant again this year

"Kaya habang lumalaki si Juliana, alam ko papalaki rin ang responsibilidad ko sa kanila ni Lucy. Kaya kung napapansin ninyo, as much as possible, gusto kong kasama sila, we're always together in everything," says Richard Gomez about how being a family man changed his outlook in life.


Sina Richard Gomez at ang asawa niyang si Lucy Torres lang ang nakausap ng entertainment press nang i-launch sila as the new endorsers of Birch Tree milk, although kasama nila sa commercial at print ads ang only child nilang si Juliana at ang parents ni Lucy na sina Mr. Manuel and Julie Torres.

"Juliana is very shy at ayaw niyang mag-absent sa school kaya wala siya," paliwanag ni Richard nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Birch Tree last Wednesday, July 29, sa Annabel's restaurant.

"This is our first family commercial," sabi naman ni Lucy. "Nakagawa na kami ng isang commercial noon, pero nasa tummy ko pa si Juliana. But this will be remembered kasi kasama nga namin ang lolo at lola ni Juliana. Nang malaman ni Juliana na may lolo at lola [sa commercial], sabi niya, bakit daw hindi ang Lolo Manuel at Lola Julie niya ang makasama namin. Pag-uwi niya sa bahay, sinabi niya sa parents ko na magsu-shooting kami ng commercial. Si Mommy, okey-okey pa siya. Pero si Daddy, napaka-shy niya, pero hindi siya nakatanggi kay Juliana."

Sa commercial pa lang pumapayag sina Goma at Lucy na lumabas ang kanilang anak, pero no movies or TV shows. Gusto muna nilang makatapos ito ng pag-aaral at kung mag-decide siyang gusto niyang mag-artista ay papayagan naman daw nila.

WAITING FOR ANOTHER BABY. Biniro ang mag-asawa kung kailan daw ba nila susundan si Juliana who will turn nine years old na sa September 8?

"Sa totoo lang, nang isilang si Juliana, sabi namin, susundan namin siya agad," sabi ni Richard. "Gusto ko nga lima ang maging anak namin. Si Lucy, gusto niya anim, pero hindi pa nga nangyayari. Nagawa na naming lahat, kulang na nga lang sumayaw kami sa Obando para bigyan kami ng anak. Pero siguro, hindi pa right time para sundan si Juliana."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag naman ni Lucy, "Ako naman, I have a strong feeling mabubuntis ako this year."

Paano kung tumuloy si Richard na tumakbong congressman sa kanila sa 4th district ng Leyte? Mangangampanya ba si Lucy kahit buntis siya?

"No problem, mangagampanya ako kahit buntis. Baka ang baby ang maging lucky charm ni Richard para manalo," nakangiting sagot ni Lucy.

A "COOLER" GOMA. Binanggit kay Richard na parang hindi na mainitin ang ulo niya ngayon, mga kaibigan na niya ang mga nakaaway niya noong bata-bata pa siya at wala pang asawa.

"Hindi ko ikakaila 'yon," pag-amin ni Goma. "Pero simula nang mapangasawa ko na si Lucy, nagbago na ang ugali at buhay ko. Lalo na nang dumating na si Juliana. Noon ko na-realize na marami pala akong responsibilidad, hindi lang sa asawa ko, lalo na sa anak ko.

"Kaya habang lumalaki si Juliana, alam ko papalaki rin ang responsibilidad ko sa kanila ni Lucy. Kaya kung napapansin ninyo, as much as possible, gusto kong kasama sila, we're always together in everything. Kapag may commitments kami abroad, kung puwedeng sumama si Juliana, isinasama namin. Pero priority namin ang studies niya."


FAMILY FEUD RETURNS. Wala pang bagong soap si Richard sa GMA-7. Pero happy siya na muling ibabalik ang game show niyang Family Feud for its second season. Magti-taping na sila this August, pero sa September pa ang airing nito.

"Masaya ako kasi magsasama-sama na naman tayo. Marami na naman tayong pasasayahin," masayang pagbabalita ni Richard.

Dagdag niya, "Ako na ang nakipag-usap sa GMA-7 at magkakaroon kami ng bagong set, much bigger at itutulad ito sa American version ng Family Feud. Yung unang show, version 'yon ng United Kingdom."

Hindi ba puwedeng sumali si Lucy as contestant?

"Gusto ko ngang maging contestant," sagot ni Lucy. "Kaya lang, hindi raw puwede kasi baka raw kapag nanalo ako, sasabihin nilang sinabi sa akin ni Richard ang mga sagot. Pero kapag nanonood ako sa bahay, nakikisagot din ako, masaya kasi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL SEARCHING. Tungkol naman sa paghahanap ng bagong manager, wala pa raw kinakausap talaga ang mag-asawa. Parehong si Douglas Quijano ang managers nina Goma at Lucy bago sumakabilang-buhay ang talent manager.

Nilinaw rin ni Goma ang tungkol sa lumabas na report na si Johnny "Mr. M" Manahan na ang bago niyang manager. Ayon sa aktor, isa lang ang pangalan ni Mr. M sa lumabas na puwede nilang kausapin. Pero wala pa raw silang napipili at pinag-iisipan pa rin nila ito hanggang ngayon.

May mga nagsabi kasi sa kanilang hindi naman nila kailangan ang manager dahil kaya na nila 'yon. They only need daw a booker na magbu-book ng projects at makikipag-usap tungkol sa kanilang conditions and talent fees.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN