Rhap Salazar is proud to be WCOPA Junior Grand Champ, "kasi, Filipino po ako."

Rhap Salazar heard his name called out seven times at the recently concluded World Championship of Performing Arts in Hollywood, and at first, he couldn't believe it. "Parang, ako ba yun?" The seventh time he was called, "noong mag-sink na sa utak ko, naiyak po ako."


Hindi man July born si Rhap Salazar, parang birthday gift na rin daw para sa kanya ang pagbiyahe niya last month sa US para lumahok sa World Championship of Performing Arts sa Hollywood, kung saan nagwagi ang 12-year-old bilang Junior Grand Champion. Kasama si Rhap sa press conference ng mga lumahok sa recently concluded WCOPA in Los Angeles.

"First time ko lang pong mag-out of the country, tapos, una pa po yung sa States kaya very memorable pong talaga. Kaya parang birthday gift na rin po sa akin, kasi, suwerte po ako ngayong 2009."

Ibang experience nga raw ang naranasan niya sa WCOPA, kahit sabihin pa na at 12, bihasa na rin siya sa iba't ibang singing competition. Una nga siyang nagwagi sa Little Big Star.

"Napakatindi po ng competition, marami po kasi akong kalaban. Yung sa category ko, marami po kasi, 43 countries po ang naglaban-laban."

SEVEN GOLD MEDALS. All in all, seven medals ang naiuwi niya. Nag-gold medal siya sa limang kategoryang sinalihan niya, ang pop, broadway, open, R&B at gospel, at bukod rito ay nakatanggap pa siya ng gold medal para sa Go-See, kunsaan siya naman ang nakapasa sa mga agents, at yung last gold medal ay para sa pagiging finalist niya.

How did it feel noong tawagin ang pangalan niya bilang Junior Grand Champion?

"Siyempre po, ang saya-saya ko po! Noong una nga pong tinawag ang pangalan ko, parang, ako ba yun? Parang ganoon po. So, naka-smile po ako. Hindi ko pa po maisip na ako ba talaga yun?

"At saka po, yung huli na po, noong mag-sink na sa utak ko na, ay, ganoon pala, naiyak po ako."

Ang mga kantang ipinanlaban at naipanalo ni Rhap ay ang "Am I Telling You" for Broadway, "Reach" for gospel, "Somewhere Over the Rainbow" for contemporary-open, "All By Myself" for pop, and "I'll Be There" for R&B.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya raw siya dahil ilang taon nang sunud-sunod na umuuwi ang Team Philippines na may grand champion. This year, bukod sa kanya, another grand champion sa group category ang nanalo from their team.

"Proud po ako kasi ako po ang nag-champion at proud po ako kasi, Filipino po ako," sey niya.

MANY SPONSORS. Walang kasamang cash prize ang gold medals na napanalunan nila. Kahit sabihin pa na ilang libong dolyares din ang kinailangan nila para makapag-compete. On Rhap's part, marami naman daw ang tumulong at nag-sponsor sa kanya sa pag-alis niya.

"Marami pong nag-sponsor, like si Ma'am Charo Santos-Concio po, si Mr. M [Johnny Manahan], si Tita Sharon Cuneta, si Tita Kitchie Benedicto, sila Ate Pokwang, Piolo Pascual, si Ate Sarah Geronimo. Marami po. Nagpapa-thank you po ako sa kanilang lahat."

Tinanong namin si Rhap kung pagdating niya galing US ay naramdaman na niyang grand champion winner nga siya.

"Nagulat nga po ako, sa airport po kasi, may mga TV crews na po, may mga interview," nakangiti na tila nahihiya niyang sabi.

Sa ngayon, isa na lang ang pangarap ni Rhap na sana nga raw ay mabigyang katuparan.

"Balak po kasi ng Star Records na gawan ako ng solo album. Pangarap ko po yun. Ang magkaroon po ako ng solo album. Nag-meeting na po kami, sana po, matuloy po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN