Mr. Ramon Pardo to Annabelle Rama: "Be sure to have a stable mind."

"Gusto ko lang din malaman ni Richard na ayaw ko yung may maririnig siya na magagalit siya kaagad. Kasi masasabi niya, 'Kahit magkita kami mata sa mata, tao sa tao, lalake sa lakake, masasabi niya, nag-condole ako sa tatay niya [Nomar].' Sino ba nagsabi sa kanya nagsabi ako na hindi siya nag-condole? Nagsabi siya sa akin, 'Condolence po.' Sabi ko, 'Upo ka baka nahihilo ka pa.' Totoo 'yan. I do not lie," says Mr. Ramon Pardo (main photo) about actor Richard Gutierrez (ins


Last Friday, July 31, ay personal na nagpunta sa radio station na DWIZ si Mr. Ramon Pardo upang magpa-interview sa programang Wow! Ang Showbiz ni Ogie Diaz. Si Mang Ramon ang tatay ni Nomar Pardo, ang yumaong personal assistant ng aktor na si Richard Gutierrez.

Nagtungo si Mr. Pardo sa naturang radio program upang ihayag ang nalalaman niya hinggil sa isinampang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ng manugang niyang si Lorayne Pardo, biyuda ni Nomar, laban kay Richard. At upang sagutin na rin ang ilang naging pahayag ng ina ni Richard na si Annabelle Rama sa parehong radio program nung nakaraang lingo. (Click here to read related story.)

THE LUMP SUM AGREEMENT. Ang usapin ngayon ay sa pagitan nina Lorayne at Richard. Sa pamilya ba nina Mr. Pardo ay wala nang masasabing may problema pa sila sa mga Gutierrez?

"Nung una, gusto kong magsampa [ng demanda]," agad na pag-amin ni Mr. Pardo. "Nung sabi ni Lorayne. 'Papa, mag-usap muna kami [ng mga Gutierrez].' Okay. Annabelle invited Lorayne for a meeting sa Via Mare, Tomas Morato, kasama si Jun Lalin [publicist ng Gutierrez]. Pumunta din ako. Sabi ni Lorayne, 'Samahan mo ako, Papa.' So, nag-usap. Yung in-offer niya [Annabelle], 'Anong gusto n'yo, ang mabibigay ko sa inyo, yung three years na suweldo ni Nomar or education?"

Patuloy na kuwento ng ama ni Nomar, "Sabi ko, 'Lorayne, you decide, kasi nasa 'yo 'yan. Kung okay ka, okay ako. I will support your decision.' So, sinabi niya, 'Ms. Annabelle, puwede ba na lump sum?' [Sagot ni Annabelle] 'O, sige, bigyan ka niya ng lump sum.'

Ang lump sum na inayunan ni Lorayne ay ang twelve thousand pesos na sahod ni Nomar every month kay Richard for three years, ayon pa kay Mr. Pardo. Pero hindi raw 'yon nasunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng tatay ni Nomar, "May text yata si Annabelle kay Lorayne, e. Si Lorayne, sinasabihan din ako. 'Papa, gusto yata, every month ibibigay sa akin.' Sabi ko, 'Akala ko ba, lump sum?' Kung lump sum, e, installment naman, pa'no 'yan?' Sabi naman ni Lorayne, 'Papa, yun ngang three checks nila Ruffa [Gutierrez], Heart [Evangelista], JC de Vera, nagalit sa akin si Annabelle, pinatalbog.' Kaya yung meeting na 'yon, ang sabi ni Annabelle, 'Pumunta ka rito at yung tseke na 'yan, papalitan ko ng cash.'"

Nabanggit ni Lorayne na kaya ipina-stop payment ni Annabelle ang tseke ay dahil nalaman nito na may demanda si Lorayne.

Pahayag ni Mr. Pardo, "Wala pa ngang seguro kung totoo ang salitang 'yon. E, sa akin, hindi totoo 'yon, kasi bakit pa kung nag-uusap na? Di ba? [Sabi ni Annabelle] 'Nagalit ako dahil ganito... gano'n.' Sabi ko, 'Mag-usap kayo.' Kaya nga do'n pumunta sa lump sum."

Dahil installment nga raw ang gustong mangyari ni Annabelle, hindi na sinagot ni Lorayne ang mga text sa kanya ng Gutierrez matriarch.

Ayon pa kay Mr. Pardo, "Nung naging checks na lang, different checks, sabi ko, 'Ikaw, anong gusto mo?' [Sabi ni Lorayne] 'Hindi ko ito sasagutin, Papa.' So, hindi niya sinagot yung text. Tapos, meron na namang text later na another. Education na naman. Sabi ni Lorayne, 'Ayaw kong sagutin 'to, Papa.' Hindi sumasagot si Lorayne, kasi, kung nangyari ganito ang desisyon, tapos iibahin na naman, nagbabago-bago.

"May text siya [Annabelle] na, 'Ako ang nanay at manager ni Richard, ako lang ang puwede mong kausapin, walang iba.' Then finally, sabi niya, 'Ito ang gusto ni Richard, twelve thousand [pesos], tseke for three years.' So, sabi ko, 'Hingin mo yung lump sum, anyway, i-deposit natin 'yan sa mga bata.' Hindi naman siguro na si Lorayne na gagastusin sa iba 'yan. As a mother, kahit na si Annabelle, she has to protect her children. Like what she's doing now, she's protecting her children."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LORAYNE'S "SUPPORTERS." Sinasabi ni Annabelle na may taong "sumusuporta" kay Lorayne kaya ito nagsampa ng demanda.

Paliwanag ni Mr. Pardo, "Meron akong kaibigan na abogado, taga-Mindanao, si Atty. Firdausi Abbas, very well-known 'yan. Sultan namin 'yan. [Sabi ko] 'May problema anak ko, pati ako.' Sabi niya, 'Paano?' Sinabi kong lahat. [Sabi niya] 'Hahawakan kong lahat 'tong kasong ito. Gusto kong makausap si Lorayne.'

"So, kinausap niya si Lorayne. Sabi [niya], 'Lorayne, 'pag sinampa namin 'tong kasong 'to, ayaw kong aatras ka. 'Wag mong gagawin na leverage ito para makakuha ka ng pera. 'Pag ikaw nakipag-areglo, magbabayad ka sa amin, papipirmahin kita.' Pumirma si Lorayne. [Sabi ng abogado] 'Kung matalo ka, wala kang isang pera, pero sa amin, 'wag kang magbabayad.'"

Buo rin daw ang suporta ni Mr. Pardo sa laban ng manugang niya na si Lorayne.

"Hindi lang naman ako nakikipaglaban para sa kanya," aniya. "Para [rin] sa anak ko. Saka do'n sa mga bata."

"WALANG TULAKAN." Sa mga pahayag ni Annabelle, ano sa palagay niya ang mali?

"Yun sigurong itinulak si Richard ni Lorayne sa burol," tugon ni Mr. Pardo. "Kung itinulak niya man, siguro nagkagulo sa loob. Siyempre, alam n'yo naman a mother will always protect the child. Ma'am Annbelle will always protect her child, 'Bakit mo itinulak 'yan?' Di ba? Magagalit siya. Pero walang nangyaring gano'n. Walang tulakan. Nag-condole siya [Richard] doon. Inakap pa yata [si Lorayne]. Sa akin din, nag-condole siya."

Nilinaw rin ni Mr. Pardo na wala siyang sinabing hindi nag-condole sa kanya si Richard. (Click here to read related story.)

"Gusto ko lang din malaman ni Richard na ayaw ko yung may maririnig siya na magagalit siya kaagad," saad nito. "Kasi masasabi niya, 'Kahit magkita kami mata sa mata, tao sa tao, lalake sa lakake, masasabi niya, nag-condole ako sa tatay niya [Nomar].' Sino ba nagsabi sa kanya nagsabi ako na hindi siya nag-condole? Nagsabi siya sa akin, 'Condolence po.' Sabi ko, 'Upo ka baka nahihilo ka pa.' Totoo 'yan. I do not lie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"HINDI PUWEDENG AREGLUHIN YUNG CRIMINAL CASE." Kung siya ang masusunod, paano niya gustong tapusin ang usaping ito?

"Hindi ako puwedeng masunod, kasi, nakasampa na [ang kaso], e," sagot ni Mr. Pardo. "Hindi mo puwedeng aregluhin yung criminal case because it is 'People of the Philippines versus Richard Gutierrez for Reckless Imprudence Resulting to Homicide.' Nag-complain lang kami. Ang pulis ang nagsabi, puwede siyang sampahan kung merong nagreklamo."

Hindi ba talaga posible ang settlement?

"Walang settlement ang criminal case, e. Ayaw din ng abogado namin, pati ng mga fiscal, magiging collection agent lang sila. Ayaw nila," tugon ni Mr. Pardo.

Bilang ama ni Nomar, meron ba siyang gustong ihingi ng paumanhin sa pamilya Gutierrez?

"Sa totoo, gusto ko rin sabihin noon pa... Nung wake kasi, nung bago siya i-cremate, generalize yung salita ko na, 'I would like to thank everybody.' Hindi ko nasabi 'to the company.' The company is Annabelle's company, the Gutierrez family for giving us food there. They gave us food. To GMA [TV network] who spent for everything.

"Sila nagpamisa, sabi ni Annabelle sa akin, 'Dong, magpamisa tayo gabi-gabi, akong bahala do'n.' Sabi ko, 'Salamat, Annabelle.' Tapos, 'Dong, mag-o-order tayo ng pagkain, 'wag ka nang gagastos, kami nang lahat.' Sabi ko, 'Salamat, Annabelle.' Ipinakita niya lahat."

Pero hindi raw nagpasalamat si Lorayne sa lahat ng 'yon?

"I don't think so, kasi nung nagsalita siya, nagpasalamat siya, e," saad ni Mr. Pardo.

TRIBUTE TO NOMAR. Walang kinalaman dito si Wilma Galvante?

"Ah, wala. Yung sinasabi nilang interbyu? Ayaw ni Lorayne. Kahit na yung press do'n sa burol, ayaw ni Lorayne," diin ni Mr. Pardo. "Ngayon kung magbigay ng tribute sila kay Nomar, kanila 'yon. I'm happy for that," saad ni Mr. Pardo, na ang tinutukoy na "tribute" ay ang artikulong isusulat ng YES! magazine para kay Nomar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit daw kailangang bigyan ng tribute si Nomar?

"'Yan ang hindi ko alam," diretsang sagot ni Mr. Pardo. "Kasi ang sabi nila, gusto lang namin malaman ang buhay ni Nomar from the time he was born. Sinabi ko sa kanila, 'Please, hanggang buhay lang siya. Nung namatay siya, ayaw kong pag-usapan.' Ayaw ko."

Kuwento pa ni Mr. Pardo, "Kasi meron taga-GMA do'n nagsabing, 'Sir, sinong sisisihin mo?' Sabi ko, 'Do not put words into my mouth! Please, get out of this room!' Isinumbong ko 'yon sa taga-GMA, ewan ko kung anong ginawa nila doon."

EDUCATIONAL SUPPORT. Pinag-aaral daw ni Richard ang panganay ni Nomar?

Agad na tugon ni Mr. Pardo, "'Yan ang hindi ko alam. Sabi ko [kay Lorayne], 'You tell me the truth, pinaaaral ba ni Richard itong si Don Enrique [pangalan ng bata]?'"

Ang nabanggit lang daw ni Lorayne ay maraming utang o loan sa kompanya ni Richard si Nomar.

"Palagay ko, nag-uusap sina Richard at Nomar, 'Sige, mag-cash advance ka d'yan, paaral mo sa mga anak mo, sagot ko.' Maybe on the side, ''Wag mo nang bayaran 'yon, ako nang bahala do'n.' Tapos nakalista 'yon sa kanya. Yun ang sinabi ni Lorayne. Sabi ko, 'Ayaw ko lang, Lorayne, we will protect you, pero magpo-protect ka nang hindi totoo.' Ayaw ko. Bawal sa amin 'yan," diin ni Mr. Pardo.

Totoo bang nakatanggap siya ng P15 thousand mula kay Annabelle?

"Ang ibinibigay niya sa akin, naka-sobre. Lahat ng ibinibigay sa akin, inaabot ko kay Lorayne," saad ni Mr. Pardo.

Hindi niya alam kung ano ang laman ng mga sobre?

"Nakasara 'yon, e," agad niyang sagot.

"MATUTO NA SIYANG MAGMANEHO NANG TAMA." Ano ang mensahe niya kina Annabelle at Richard?

"Ang message ko lang ganito," umpisa ni Mr. Pardo, "si Richard matuto nang magmaneho nang tama, para maging idolo siya ng mga driver, na hindi na sila magre-reckless.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Annabelle naman, ang sasabihin ko sa kanya, be sure to have a stable mind. I'm not trying to say you're unstable. Yun bang ang pag-iisip mo dapat hindi ka bigla-bigla, para, at least, wala ring masaktan. Karamihan naman ang nasasaktan, yung nakakarinig."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN