Aljur Abrenica on love team with Kris Bernal: "Maski ako rin kinikilig sa aming dalawa, e."

"Siguro yung chemistry namin. Basta may magic sa amin, e," describes Aljur Abrenica about his love team with Kris Bernal.


May usap-usapan na dahil sa tagumpay na tinamasa ng show nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na Dapat Ka Bang Mahalin at sa patuloy na pagtangkilik ng fans sa show naman nila ngayon na All My Life, ay kinaiinggitan na sila. At sinasabing ang mga naiinggit pa diumano sa kanila ay mga kasama rin nila sa artista search show na kanilang pinagmulan pareho, ang StarStruck.

Nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa backstage ng SOP kahapon, August 2, sinabi niya na hindi siya naniniwala na kinaiinggitan na nga sila.


"Hindi naman. Sa nakikita ko, e, mas natutuwa pa nga sila sa amin o sa akin, dahil yung mga yan, sina Mark Herras at Mike Tan, barkada ko po talaga. Na nagsimula ako sa wala, e, kilala ko na ang mga yan," sabi ni Aljur.


Naniniwala ba si Aljur na sikat na siya o yung love team nila ni Kris?


"Basta ako yung tagumpay, hindi ko makukuha nang mag-isa. Laging nandiyan yung may mga taong behind the camera na tumutulong sa akin o sa love team namin ni Kris para marating namin yung tagumpay."


Ano ba sa tingin ni Aljur ang secret sa love team nila ni Kris at tinatangkilik sila ng fans?


"Siguro yung chemistry namin. Basta may magic sa amin, e. Ako rin, napapansin ko pag minsan, napapanood ko yung show namin, maski ako rin kinikilig sa aming dalawa, e.


"'Tsaka yung character, talaga, ano...pag ginagawa namin, hindi namin ginagampanan as Aljur and Kris. Parang iniiba namin. Pinapasok namin sa sarili namin yung character na binibigay sa amin," paliwanag pa ni Aljur.


Posible ba na maging love team din sila ni Kris sa totoong buhay?


"Posible po," walang kagatul-gatol na sagot ni Aljur sa PEP.


Pero nanliligaw na ba siya na siya ngayon kay Kris?


"Basta as of now, okey naman kami. Focus muna sa trabaho," ani Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa sinabing iyon ng binata, tila tine-take lang niya ang kanyang sweet time bago pormahan talaga ng pormal ang dalaga. Paano kung may manligaw na iba kay Kris?


"Open naman ako, e. Hindi ko naman hawak yung puso ni Kris, e," sagot na lang ni Aljur.


By saying open siya, ibig sabihin puwede rin siyang manligaw ng iba?


"Para sa akin po, siya lang ang gusto kong ligawan e," kambiyo naman ng StarStruck Ultimate Hunk.


Dahil nga sikat na ngayon si Aljur kaya marami nang intriga ang binabato sa kanya at may mga naninira na rin sa kanya. So mukhang applicable sa kanya ang kasabihang, "Ang punong mabunga, laging binabato." Gano'n nga ba?


"Totoo yun," sang-ayon ni Aljur. "Noong bata pa ako, laging sinasabi sa akin ng erpats ko ang tungkol doon.

"Dati hindi ko naiintindihan yun, e. Pero ngayon sabi ko sa kanya, 'Dad, totoo pala," makahulugang pagtatapos ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN