James Yap thanks former President Cory Aquino for accepting him

"Gusto ko lang magpasalamat. Thank you talaga sa 'yo. Tinanggap mo ako. Minahal mo ako and sobrang... Hindi ko makalimutan yun. Yung support mo. Mahal na mahal ka namin at alam ko naman na nasa kamay ka ng Panginoong Diyos natin," says James Yap (in photot, with wife Kris Aquino and son Baby James) about his mother-in-law, former President Corazon Aquino.


Ngayong araw na ito, August 3, ay inilipat na ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino mula sa La Salle Greenhills sa San Juan City papuntang Manila Cathedral sa Intramuros, Manila. Sa Miyerkules, August 5, ay ihahatid naman siya sa kanyang huling hantungan ang dating Pangulo katabi ng kanyang asawa na si dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino.

Pumanaw si Mrs. Aquino noong Sabado ng madaling-araw, August 1, pagkatapos ng isa't kalahating taong pakikipaglaban sa sakit na colon cancer.

CORY'S SON-IN-LAW. Noong nasa La Salle Greenhills pa ang burol ni Mrs. Aquino, nagkaroon ng pagkakataon ang Showbiz Central na makausap ang son-in-law nito na si James Yap, ang mister ng bunsong anak ng dating Pangulo na si Kris Aquino. Habang ini-interview si James ay karga-karga nito ang anak nila ni Kris na si Baby James.

Being the newest member of the Aquino family, itinuturing ni James na pangalawang ina niya si Mrs. Aquino.

Kuwento niya, "Kasi supposed to be, aalis sana ko this coming Tuesday [August 4] for FIBA [International Basketball Federation]. Tapos yung libing ng mom, sa Wednesday, so nagpaalam ako para maka-attend ako sa huling ano niya... At least, pinayagan naman akong mag-attend at susunod na lang ako sa kanila sa China."

Kahit nga raw naging shaky at maintriga ang naging relationship nila ni Kris noong una, aminado si James that his mother-in-law was very accepting.

"Yung kabaitan niya, sobrang bait talaga ng mother-in-law ko," sambit ni James. "Wala akong masabi kung hindi sobrang supportive—sa akin, sa lahat, anak ko."

Hindi rin daw nagkulang ng paalala ang dating Presidente sa kanya.

"Ang sa akin, ang hindi ko makalimutan kapag naglalaro ako, sine-send-an niya ako ng prayers. Kaya sobrang mami-miss ko siya," sabi ng Purefoods star player.

Sinabi rin ni James na he has only the utmost gratitude for his mother-in-law.

"Gusto ko lang magpasalamat. Thank you talaga sa 'yo. Tinanggap mo ako. Minahal mo ako and sobrang... Hindi ko makalimutan yun. Yung support mo. Mahal na mahal ka namin at alam ko naman na nasa kamay ka ng Panginoong Diyos natin. At least, nakapagpahinga ka na at nandito kami. Ipagpapatuloy pa rin namin ang pagro-rosary namin. Yun lang, thank you talaga," saad ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito naman ang pahayag ng ilan pang malalapit na tao kay President Aquino tungkol sa kanya:

Jiggy Aquino Cruz (grandson): "Siguro yung huling time na nakasama namin siya was noong nagsasalita pa siya. Her last word was 'family.' Kasi, tinanong ng tita ko, 'Mom, what do you want?' 'Family.' So, my lola saw the immediate family."

Kiko Aquino Dee (grandson): "The way she passed on, she was breathing very peacefully. Then, biglang huminto lang siya. Tapos, for like five seconds, then she took one last breath. She left very peacefully, and then, yun na yun."

Senator Noynoy Aquino (only son): "She never demonstrated to me yung sobrang sakit naman nito, or minsan magtanong na, 'Bakit sa akin?' which is I think very common. At saka ayaw mag-molestiya ng iba. Pupunta ka ng Baguio ng after close to a month na hindi kumakain, tapos she will insist na she will just go walking from some of the assistance of the nurses. Up to I think, last week, sabi ko, talagang fighter. She keeps on saying, 'Oh, I lead a full life.' Her faith is enough to sustain her the whole time."

Pinky Aquino-Abellada (daughter): "Para sa akin, yung pagmamahal na ipinakita ng mga Filipino sa nanay ko at sa tatay ko, grabe! Para sa akin, kulang ang pasasalamat ko sa mga ginagawa ng ating mga kababayan sa mga magulang namin. Thank you very much."

Mikee Cojuangco-Jaworski (niece): "Selfless... Lahat ng ginawa niya, hindi niya ginawa para sa sarili niya. Ginawa niya para sa Panginoon, para sa bayan, at para sa mga minamahal niya sa buhay."

Senator Loren Legarda: "Lubos tayong nagpapasalamat sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi siguro iiral ngayon ang demokrasya na ating ine-enjoy ngayon."

Vice President Noli de Castro: "Tuwing mababanggit ang kalayaan, palagi siyang mababanggit. Tuwing makikita ang color yellow, siya ang makikita. So, maraming bagay ang magpapaalala kay Pangulong Corazon Aquino dahilan sa nasa kasaysayan siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idineklara ng Malacañang na non-working holiday sa Miyerkules, August 5, upang masaksihan ng mga kababayan natin ang libing ni dating Pangulong Cory Aquino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN