Marian Rivera reveals the secret recipe of her chicken curry for Dingdong Dantes

"Kung ganoon ang secret recipe, e, kumbaga, halatang-halata naman na nag-enjoy yung kumain.Ubos na ubos pa, wala ni isang patak na natira! Isang buong bandehado, ubos!" says Dingdong Dantes about Marian Rivera's chicken curry.


Parehong ngayong buwan ng August ang birthday ng rumored sweetheart na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Dingdong turned 29 yesterday, August 2, samantalang si Marian will celebrate her 25th birthday on August 12.

Nakausap ng Showbiz Central nang magkahiwalay sina Dingdong at Marian. Naitanong sa kanila kung ano ang birthday gift na inihanda nila para sa isa't isa at kung naibigay na ba nila ito.

"A, yun, sa amin na lang yun. Sa aming dalawa na lang yun," nakangiting sabi pahayag ng actor.

Sabi naman kay Marian, "Ako rin, sa kanya, naibigay ko na... Tanungin mo na lang siya!"

Hindi man nila sinabi kung ano ang regalo nila sa isa't isa, hindi naman daw maitatago ang kung anumang meron sila at ang ginagawa nila para sa isa't isa.

Ayon kay Marian, "Tuwing birthday ko, simula nang mag-artista ko, nagtatrabaho talaga ako. To be honest talaga, kinansel ko talaga ang work ko ng Sunday para sa birthday niya [Dingdong]."

MARIAN'S CHICKEN CURRY. Hindi rin itinanggi ni Marian na ipinagluto na niya si Dingdong ng paborito nitong chicken curry.

"Mahilig talaga akong magluto," sabi ng aktres. "E, one time, sinabi niya sa akin, 'Baka kaya mong iluto 'to?' 'Sige,' sabi ko, 'Ita-try ko. Ano ba ang gusto mo?' Indian daw na pagkalasa niya. So, sabi ko, 'Sige, i-try ko.' Tapos, one time, nag-try ako, then sabi ko, nasubukan ko na. In-invite ko siyang mag-dinner sa bahay, nagustuhan naman niya."

Sinang-ayunan naman ni Dingdong ang ikinuwento ni Marian.

"Nagulat ako nang matikman ko ang kanyang version," sabi ng aktor. "Very close to authentic chicken curry na gustung-gusto ko. So, nakakagulat at sulit na sulit. Ano ako, e, pihikan ako sa curry...sa pagkain, particularly sa chicken curry. Alam ko kung ano ang orig at hindi."

When Marian was asked kung ano ang special recipe niya sa chicken curry na ginawa niya for Dingdong, mabilis ang naging tugon ng bagong Darna: "Love!" at saka siya tumawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Kailangan, sa bawat ginagawa mo, kailangan may kasamang pagmamahal yun. Kung wala, wala rin, e."

Kinuha rin nila ang reaction ni Dingdong sa sagot ni Marian na "love" daw ang secret ingredient ng kanyang chicken curry.

"Kung ganoon ang secret recipe, e, kumbaga, halatang-halata naman na nag-enjoy yung kumain.Ubos na ubos pa, wala ni isang patak na natira! Isang buong bandehado, ubos! Kahit sabihin pa nating naka-diet mode tayo, kung nandiyan na talaga yung ganyang kasarap na pagkain sa harapan mo, e, bahala na," saad ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN