Paulo Avelino denies courting Jennica Garcia

"Sa ngayon, nagta-taxi pa rin ako. Pero medyo nakakaipon na rin kahit paano. Kaya malapit na rin akong makabili ng kotse. Sana more work pa ang ibigay sa akin ng GMA," says Paulo Avelino.


May balitang nakikipagbalikan ang young actor na si Mart Escudero sa ex-gifrlend niyang si Jennica Garcia. Hindi nga lang daw tinanggap ni Jennica ang pakikipagbalikan ni Mart dahil may bagong boyfriend na raw ito—si Paulo Avelino. Sina Paulo at Mart ay magka-batch sa StarStruck 4.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paulo last Sunday, August 2, pagkatapos ng musical-variety show na SOP kung saan ay mainstay siya rito. Ayon kay Paulo, walang katotohanan na girlfriend niya na si Jennica.

"Single po ako ngayon," sabi niya. "Hindi ko po girlfriend si Jennica. Sobrang magkaibigan lang po kaming dalawa. Hindi ko po alam kung bakit sinasabi nilang girlfriend ko si Jennica, e, hindi ko naman po siya niligawan."

Pero posible bang magkagusto siya kay Jennica at ligawan niya ito?

"Yung pagtingin ko po sa kanya, bilang isang kaibigan lang talaga, e, hindi yung parang magkakagusto ako sa kanya," sagot ni Paulo.

Na-meet na ba niya ang mommy ni Jennica na si Jean Garcia?

"Hindi ko po po siya nami-meet. Pero crush ko po siya. Ang ganda kasi, e," nakangiting sabi ng young actor.

Kung nagkaka-crush siya sa mas may edad sa kanya, posible ba na ma-in love din siya sa older woman?

"Actually, yung mga ex-girlfriends ko, matanda sa akin ng two or three years," banggit ni Paulo. "Mga ganung age gap lang siguro. Pero hindi yung talagang malayo ang edad sa akin. Mahirap naman yung ganoon."

Sa mga young actresses, sino naman ang crush niya?

"Crush ko po si Marian [Rivera], LJ [Moreno], at Rhian [Ramos]," pagsisiwalat ni Paulo.

Kung mabibigyan ng chance, sino sa tatlo ang gusto niyang maging girlfriend?

Natawa muna si Paolo bago siya sumagot ng: "Marian ako. Ang ganda kasi niya, e."

Binabati ba siya ni Marian pag nagkikita sila?

'Nagbabatian naman kami. Nagha-hi and hello kami sa isa't isa," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay regular na napapanood si Paulo sa All My Life, na pinagbibidahan ng loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Wish lang ni Paolo na mas marami pang projects na ibigay sa kanya ang mother studio niya, ang GMA-7, para makabili na siya ng kotse.

"Sa ngayon, nagta-taxi pa rin ako. Pero medyo nakakaipon na rin kahit paano. Kaya malapit na rin akong makabili ng kotse. Sana more work pa ang ibigay sa akin ng GMA," sabi ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN