Marian Rivera says rumored boyfriend Dingdong Dantes never fails to "excite" her

"Siyempre, siguro kahit naman sinong tao, na matanggap ka ng kahit sinong tao at mahalin ka, ay napakahalaga at napakaimportante nun para sa isang tao," says Marian Rivera about how Dingdong Dantes's family treats her.


"Secret!" ang kinikilig na sagot ni Marian Rivera nang tanungin kung ano ang ginawa nila ng nababalitang boyfriend niya na si Dingdong Dantes nang mag-birthday ang aktor noong Linggo, August 2.

Pero umamin din sa bandang huli ang aktres na kumain sila sa labas ni Dingdong kasama ang pamilya nito.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa grand launch ng pinakabagong fantaserye ng GMA-7 na Darna, kung saan ang aktres ang gaganap bilang Pinay superhero. Ginanap ang presscon sa Studio 5 ng GMA Network Center kagabi, August 3.

Treat daw ni Marian ang paglabas nila ni Dingdong at ng pamilya nito.

Nararamdaman na ba ni Marian na part na siya ng family ni Dingdong?

"Ang hirap naman nun!" natatawa niyang sagot. "Tanungin n'yo na lang sa kanya. Basta ako, happy ako, nag-enjoy ako. Malaki ang pasasalamat ko na nabigyan ako ng ganitong project. Dun muna ako focused. Kailangan ko talagang mag-focus sa Darna. Kasi sa akin talaga, kailangang mapasaya yung mga Kapuso natin."

Ano ang reaksiyon niya sa magandang trato sa kanya ng pamilya ni Dingdong?

"Siyempre, siguro kahit naman sinong tao, na matanggap ka ng kahit sinong tao at mahalin ka, ay napakahalaga at napakaimportante nun para sa isang tao," sagot niya.

Naibigay na raw ni Marian ang kanyang regalo kay Dingdong. Pero tumanggi siyang sabihin kung ano ang ibinigay niya sa aktor. Aniya, "Tanungin n'yo na lang siya. In fairness naman, nakita ko naman sa mga mata niya na masaya naman talaga siya."

Ano ang wish niya kay Dingdong?

"Sabi ko lang sa kanya, gusto ko palagi siyang happy at maging successful siya sa lahat ng ginagawa niya," saad ni Marian.

BIRTHDAY GIRL. Kung si Dingdong ay nagdiwang ng kanyang 29th birthday last August 2, si Marian naman ay magse-celebrate ng kanyang 25th birthday sa August 12—dalawang araw pagkatapos ng pilot episode ng Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa birthday ni Marian ay may taping siya para sa Darna. Pero may plano ba sila ni Dingdong?

"Hindi ko alam sa kanya," sagot ng aktres. "Pero kailangan ko talagang mag-taping ng Darna kasi naghahabol kami at eere na kami sa Lunes [August 10]. So, talagang naghahabol kami."

Nae-excite ba siya sa gagawin ni Dingdong sa birthday niya?

"Nae-excite? Lagi naman akong nae-excite sa kanya!" bulalas ni Marian. "Hindi, di ba, parang minsan na lang kami magkita [dahil] may kanya-kanya kaming trabaho."

Halos lahat ay na kay Marian na—successful showbiz career at lovelife—kaya naitanong sa kanya kung meron pa ba siyang wish sa kanyang birthday.

"Last year kasi, ang wish ko sana humaba ang buhay ng lola ko, which is gusto ko pa rin siyempre mangyari. Pero ngayon, ang wish ko, sana mahalin nilang muli si Darna," sabi niya.

HAPPY TOGETHER. Bagamat wala pang direktang pag-amin mula kina Marian at Dingdong tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon, halata namang may espesyal na relasyong namamagitan sa kanila.

Pero puwede na bang aminin ni Marian kung gaano na sila katagal ni Dingdong?

"Tanong mo sa kanya!" sagot ulit ni Marian. "Basta ako, happy ako... Akin na lang yun, ibalato na lang sa akin 'yon!"

Masaya ba siya ngayon?

"Oo naman," maikli niyang tugon.

Bakit tila pareho silang masaya ni Dingdong, considering na pareho silang busy at wala silang time masyado para sa isa't isa?

"E, ganun lang talaga ang buhay," sambit ni Marian. "Kailangan mo lang i-enjoy dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ibibigay sa 'yo ni Lord ang buhay mo. You have to enjoy everything, di ba?"

Ano ang ginagawa ni Marian at masaya sa piling niya si Dingdong?

"Hindi ko alam, tanong mo sa kanya!" tawa niya. "Hindi ko alam, basta nagiging totoo lang ako sa sarili ko, at siguro thankful lang ako sa nangyayari sa buhay ko at enjoy lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami rin naman ang nakakapuna na "babae" na si Marian ngayon, hindi gaya noon na medyo may pagka-boyish siya.

"Hindi ko na napansin!" tawa niya.

Dahil ba ito sa pag-ibig?

"Basta happy ako at tingnan mo na lang ang aking mga mata," maikling sagot ni Marian.

A CHANGED WOMAN. Marami nang nasulat tungkol sa ibang ugali raw ni Marian, pero marami rin sa mga nakakatrabaho ng aktres ang nagpapatunay na hindi totoo ang impression sa kanya ng iba. Sa katunayan, sinabi ng co-star ni Marian sa Darna na si Celia Rodriguez—na nakilala sa kanyang kaprangkahan—na mali ang pagkakakilala ng ibang tao sa young actress. Sa katunayan, isa raw itong mabuting tao, bungisngis, at malambing.

Ano ang masasabi ni Marian dito?

"Tulad din ng sinabi ni Tita Celia, siguro minsan nami-misinterpret lang talaga ako, which is na-adjust ko na rin yung sarili ko na hindi pala dapat ganun, na matuto na ganito... Lahat naman siguro ng tao, e, natututunan niya yung pagkakamali niya at sa bandang huli, e, nagiging maayos ang lahat...hanggang sa maayos na maayos na," pahayag ng aktres.

Inaamin ba niyang nagkamali rin siya noon?

"Naniniwala naman akong walang perpektong tao," sagot ni Marian. "Na ganito ako, ganito ako, pero sa mata ng iba, e, may mali. So, I need to adjust myself para maging maayos ang lahat."

Ano ba ang nabago sa kanya?

"Siguro 'pag hindi ko kakilala, mas kailangan siguro ako ang mag-approach, yung hindi rin ako mahiya. Kasi minsan siyempre 'pag hindi mo kilala, 'Ay, ayoko, nahihiya ako, e.' Minsan, 'Ay, suplada naman niyan!' So, ako mismo, parang, 'Hi!' Ako na yung gaganun. At least, kung kilala man kita at nahihiya ka ring lumapit, at least mas maayos."

Malaking tulong ba si Dingdong para makapag-adjust siya?

"Oo naman," sagot ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN