Mark Anthony Fernandez wants to assure Dingdong that his teamup with Marian is just work

Actor Mark Anthony Fernandez talks about his latest project with GMA-7, the telefantasya Darna, his teamup with Marian Rivera, coping with loss, mom Alma Moreno, among other topics.


Si Mark Anthony Fernandez ang gumaganap bilang leading man ni Marian Rivera sa pagbabalik ng Darna sa telebisyon. Si Mark ay si Eduardo, ang kababata ni Narda (Marian) sa bahay-ampunan.

Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sa isang proyekto sina Mark at Marian. How is it working with Marian?

"She's more of matalino siya kesa sa kagandahan niya," sagot ni Mark nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Darna kagabi, August 3, sa Studio 5 ng GMA Network Center (click here to watch clip of Mark singing with Marian).

Masaya ang aktor dahil puro mga bigating leading ladies ang ibinibigay sa kanya ng Kapuso network— sina Regine Velasquez (Ako Si Kim Samsoon), Heart Evangelista (Luna Mystika), Sunshine Dizon and Iza Calzado (All About Eve), at ngayon naman ay si Marian.

"I'm so thankful!" sambit ni Mark. "I'm so thankful na napapasama ako sa mga ganitong proyekto. Natutuwa rin ako sa pressure dahil feeling ko, nakakadagdag sa akin bilang artista."

When asked kung naseseksihan ba siya sa bagong Darna na si Marian, mabilis agad ang naging tugon ni Mark.

"Ay, opo! Una pa lang, Dyesebel pa lang, sabi ko, isa sa pinaka-seksing babae 'to ng Pilipinas," ani Mark patungkol kay Marian.

ROLE SWAPPING. May nasulat na in-offer din daw kay Mark Herras ang role na ginagampanan ni Mark Anthony sa Darna ngayon. Anong reaction niya na sa kanya pa rin ito ibinigay?

"Siyempre, natutuwa ako, honored ako," sagot ng aktor. "Gustung-gusto ko ang proyektong ito. At para sa akin, ang tingin ko rito, My Super Ex-Girlfriend [Hollywood movie starring Uma Thurman and Luke Wilson]."

May balita rin na ang dream daw talaga ni Mark ay bilang Cholo ng Stairway to Heaven. Totoo ba ito?

"It's true," nakangiting pag-amin niya.

Na-disappoint ba siya nang mapunta ang role kay Dingdong Dantes?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, hindi..." sagot ni Mark. "Kasi, hindi ko nga alam na pag-aari na ng GMA ang Stairway. Kasi beforehand pa, gustung-gusto ko na yun. Pero hindi ko alam na proyekto na pala yun ng GMA. So, wala lang, nandito naman ako sa Darna."

Ang pangalan naman ni Mark ang unang lumabas na gaganap daw bilang Fernando Jose sa Rosalinda, pero ibinigay ang role kay Geoff Eigenmann. Sa palagay ba ni Mark ay mas okey na sa Darna siya napunta?

"Sa tingin ko, mas okey na dito ako napunta. Kasi kung sa Rosalinda, tingin ko, hindi ako masyadong prepared," saad niya.

DINGDONG DANTES. Dumalaw na ba si Dingdong sa taping nila ng Darna?

"Nagkita kami sa set ng All About Eve, napadaan siya dun. Nagkumustahan kami at saka kaibigan siya ni Papa [the late Rudy Fernandez]. Alam ko, very close sila ni Papa. So, I guess, magaan yung loob niya sa akin."

Nagkasama sina Dingdong at Rudy sa telefantasya ng GMA-7 na Atlantika.

Ayon kay Mark, may plano raw siyang kausapin ang rumored boyfriend ni Marian.

"Alam mo, parang gusto ko nga rin siyang tawagan one of these days, to show him good gesture. Na this [his teamup with Marian] is completely for Darna," sabi niya.

Naiilang ba siya dahil alam niyang si Marian ay may Dingdong in real life?

"Hindi ako naiilang na si Marian ay may Dingdong," sagot ni Mark. "Naiilang ako kasi alam ko, lahat sila ay magagaling na artista. I hope I can live up to my work."

Naniniwala rin si Mark na walang magiging intriga between him and Dingdong, o love triangle sa kanilang tatlo ni Marian. Alam naman kasi ng lahat na may asawa na si Mark at may mga anak na siya.

"I repeat, ang experience ko with Dingdong noong minsang dumalaw siya sa bahay, si Marian noong magkasama kami sa set, was lahat maganda," diin ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COPING WITH DEATH. Naging pagkakataon din ang presscon ng Darna kagabi upang itanong kay Mark ang hindi niya pagiging visible sa burol ng dati niyang manager na si Douglas Quijano. Wala rin siya nang magbabang-luksa para sa kamatayan ng kanyang ama na si Rudy Fernandez.

Bakit nga ba?

"Yung sa dad ko, nasagot ko na yun dati. Yung kay Tito Dougs, nagpunta ako ng ibang oras. Hindi n'yo lang ako nakita," maikli niyang tugon.

Feeling ng stepmom ni Mark na si Lorna Tolentino, tila hindi pa matanggap ng aktor ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay. Totoo ba ito?

"I guess she's right," pag-amin ni Mark. "Yeah, I guess. Pero ano talaga, minsan ang bigat-bigat para sa akin. Siguro hindi pa ako nakaka-get over."

ALMA MORENO. Kinumusta rin kay Mark ang kanyang mommy na si Alma Moreno at ang isyu rito na may malaki raw itong pagkakautang. Aware ba siya rito?

"Hindi po," sagot ni Mark. "Pero alam ko rin, malapit na ang election. So, what I believe in, basta ako, I'm all for my mom and anything wrong that happens to her must come from a malicious act."

Sinasabi ba niyang paninira lang sa kanyang ina ang naglalabasang balita?

"Opo, kasi, malapit na ang election. Yun ang paniniwala ko," sabi ni Mark.

Si Alma ay kasalukuyang konsehal sa Parañaque City at balitang tatakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na taon.

Kinakausap ba niya ang mommy niya tungkol dito?

"Ngayon ko lang po nalaman 'yan. And I hope it's not true. And if it's true, I know she can face the problem naman," sabi ni Mark.

Since hindi nawawalan ng projects si Mark, nagbibigay o nag-aabot pa rin ba siya sa mommy niya?

"Ay, hindi, ako pa rin ang binibigyan ng mommy ko!" natatawa niyang sabi. "Minsan pang-gasolina, ako pa rin ang nanghihingi. Kasi ikinatutuwa ko yung like manghingi ako ng pang-gas. 'Ma, pahinging limang-daan,' ikinakatuwa ko yun. Lalo na sa tatay ko noong nabubuhay, yun ang aming katuwaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN