Claudine Barretto confirms "tampuhan" with friend and leading man Piolo Pascual

"Even naman na may tampuhan kami, it doesn't mean na wala na akong pakialam sa kanya, or hindi ko na siya poprotektahan na. It's just that may sama ako ng lob sa kanya. I'm praying na sana maayos nga ang dapat ayusin. Pero hindi pa ako siguro ready talaga ngayon," says Claudine Barretto about former leading man Piolo Pascual.


May balita na nagkaroon daw ng samaan ng loob ang magkaibigan at dating magkapareha na sina Claudine Barretto at Piolo Pascual. Ayon sa usap-usapan, nagsimula raw ang samaan ng loob ng dalawa nang mabigyan daw ng special treatment si Piolo sa Star Magic Tour sa U.S. noong nakaraang buwan. Kung ang halos lahat daw ng Star Magic artists, kabilang na si Claudine, ay nagbiyahe by land from Los Angeles to San Francisco, si Piolo ay sa eroplano raw nakasakay.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine, nilinaw niya agad ang balitang ito tungkol sa kanila ni Piolo.

"Regarding dun sa issue na sumama daw ang loob ko dahil nag-airplane siya and nag-travel kami by land, that's not true," tanggi ni Claudine. "Piolo wants to spend time with his kid [IƱigo] that's why nag-eroplano siya, and I understand that.

"Inaya ako nina Chokoleit and Pokwang, dun daw kami sa van para mag-bonding kami. Akala ko four hours lang from L.A. to San Francisco, hindi ko alam, nine hours pala! So, ang sakit sa katawan. Pero kung alam ko lang, nag-eroplano na lang din sana ako," paliwanag ng aktres.

Pero inamin ni Claudine na meron talaga silang tampuhan ni Piolo.

Aniya, "Actually, mayroon kaming tampuhan, totoo yun. Pero 'pag nagkikita naman kami ni Piolo, civil naman kami sa isa't isa. Kung anuman ang rason ng pinagkatampuhan namin, ayoko nang sabihin. But yes, mayroon kaming tampuhan. Basta ang masasabi ko lang, bilang napaka-loyal na kaibigan, nasaktan ako, masakit. Hindi naman puwedeng overnight lang, ayos na agad. Kailangan ng oras."

Ayaw mang sabihin ni Claudine ang dahilan ng tampuhan nila ni Piolo, sinabi niyang bukas siya sa pakikipagbati sa aktor.

"Of course!" mabilis niyang tugon. "Pagka sa sarili niya bilang Kristiyano ay ready na siya. Pagka ako kaibigan mo, proprotektahan kita kahit na ano pa mangyari. 'Saka even naman na may tampuhan kami, it doesn't mean na wala na akong pakialam sa kanya, or hindi ko na siya poprotektahan na. It's just that may sama ako ng lob sa kanya. I'm praying na sana maayos nga ang dapat ayusin. Pero hindi pa ako siguro ready talaga ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasama sina Claudine at Piolo sa pelikulang Milan (2004) at sa teleseryeng Walang Kapalit (2007).

BEST FRIEND DIET. Aminado naman si Claudine na ang itinuturing niyang best friend sa showbiz ay ang naging leading man niya rin noon na si Diether Ocampo. Ayon sa aktres, boto siya sa kasintahan ngayon ng aktor na Rima Ostwani.

"I love Rima, she's so sweet, so intelligent. At kahit saan, puwede mo siyang ihalo. Sa kahit na anong klaseng tao, kaya niyang makihalubilo. She's a very humble person, and I really see that Diet is very happy. Sa akin, yun ang ultimate dream ko para sa best friend ko na maging masaya siya," pahayag ni Claudine.

THE NEXT VILMA SANTOS... Sa nakarang interview kay Gov. Vilma Santos sa taping ng docu special niya sa ABS-CBN, nabanggit niya na si Claudine ang nakikita niyang susunod sa yapak niya bilang isang aktres.

Ano ang reaksiyon ni Claudine sa sinabing ito ng Star For All Seasons?

"Alam mo, nandun ako nung sinabi niya yun," sabi ni Claudine. "So, sobrang overwhelmed talaga ako. During Anak pa lang, sinasabi na niya yun sa akin. Pero kasi yung in front of so many people nung special niya, in front of lahat ng press, ng mga aspiring directors, professors, theater actors...talagang naiyak ako. Sabi ko nga, para akong nanalo ng award na grand slam sa sinabi ni Ate Vi!

"Pero bilang Vilmanian, after that, sinabi ko talaga sa kanya sa dressing room, 'Ate, I was trying my best to be the best Claudine Barretto that I could be. But never, never be another Vilma Santos in this whole lifetime'. Bilang Vilmanian, ayokong may magsabi na 'yan ang susunod sa yapak niya because iisa lang ang idolo ko. Siyempre, it was such an honor na makita niya yung talent mo. Iba kasi yun pag nanggaling sa taong hinahangaan mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SOAP WITH ATE GRETCHEN. Nami-miss na ng kanyang mga tagahanga si Claudine dahil matagal-tagal na rin ang huling teleseryeng nagawa niya sa ABS-CBN, Iisa Pa Lamang, although naging guest din siya sa May Bukas Pa.

Balitang isang soap opera, kasama ang kapatid na si Gretchen Barretto, ang sisimulang gawin ni Claudine ngayong Agosto. Kinumpirma naman ito ni Claudine.

"This is the first time na magkakasama kami sa isang buong teleserye," banggit ng pinakabata sa Barretto sisters. "Kasi dati, nag-guest lang siya sa Sa Dulo ng Walang Hanggan. But to be able to work with my sister, excited ako kasi makakapag-bonding kami. Sabi ko nga sa kanya, it's really time na ipakita niya yung galing niya sa pag-arte kasi yung MMK [Maalaala Mo Kaya] niya, ang galing-galing niya. So, sayang naman."

MOMMY CLAU. Masaya at kuntento naman daw si Claudine sa piling ng mister niyang si Raymart Santiago at ng dalawang anak nila na sina Sabina at Santino.

"Sobrang kulit ni Santino, but sobrang lambing nila pareho," sabi ng celebrity mom. "Pumapasok na si Santino... They're doing very well naman. Matatalino ang mga anak namin ni Raymart. Talagang nagpo-focus kami sa pag-aaral nila."

Pero sa kabila nito ay nando'n pa rin ang trauma kay Claudine sa muntik nang pag-kidnap noon kay Sabina.

"Pag-uwi ko, pagbaba ko ng eroplano, sinalubong kami ni Director Esmeralda ng NBI [National Bureau of Investigation], kasama ang mga tita ko, Tito Juilius na galing America. I'm so thankful dahil kalalapag ko ng eroplano, nandun na sila, nandun na ang NBI. So, sobra talaga ang pagtulong nila sa amin.

"Pero pag-alis nila, makikita mo uli, may guard na, parang balik to reality na. Nandun pa rin yung trauma, hindi pa ito tapos. Basta itutuloy namin yung kaso. This time, hindi na ako magpapa-trauma. Kilala ko na silang lahat, kilala na namin sila," sabi ni Claudine, na ang tinutukoy ay ang pinaghihinalaan nilang kasangkot sa planong pag-kidnap kay Sabina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN