Cristine Reyes is willing to settle issue with former Banana Split co-stars

"Kasi, ang hirap nung mayroon kang kasamaan ng loob, ang hirap magtrabaho ng ganoon, di ba? At saka mahirap iwasan dahil lahat kami nasa showbiz, hindi puwedeng hindi kami magkikita at hindi puwedeng di magkaroon ng chance na magkasama sa trabaho. So, mahirap dahil gusto ko ay wala nang kaaway at wala nang issue sa kahit kanino, para mas magaang magtrabaho," says Cristine Reyes about her intention to reconcile with RR Enriquez and Pokwang.


Gustong simulan ni Cristine Reyes ang muli niyang pagtatrabaho sa ABS-CBN sa positibong pamamaraan pagkatapos niyang pumirma ng panibagong one-year contract. Kaya naman diretsahan niyang sinabi na handa siyang makipag-ayos sa dalawang naging kasamahan niya sa gag show na Banana Split na sina RR Enriquez at Pokwang kapag dumating ang tamang panahon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine noong Sabado, August 1, sa Music 21, Timog Ave., Quezon City, sinabi ng actress na gusto na niyang tuldukan ang mga negatibong balitang ipinupukol sa kanya upang maging maganda ang simula ng kanyang pagtatrabahong muli sa Kapamilya Network.

"Wala, tapos na 'yang mga intriga at mga negative na bagay na 'yan," simula ng sexy actress. "Kasi, different Cristine ang makikita nila sa akin bale, e, na from Eva Fonda ay magiging Cristine Series naman ako. So, gusto ko ay bagong Cristine na ang makikita ng mga tao.

"Pero bago po 'yong Cristine Series, magkakaroon muna ako ng Your Song. Kaya abangan sana 'yan ng mga suking viewers ng ABS CBN, inaasahan ko kasi talaga na after Eva Fonda ay magiging successful din ito. Na tulad din ng Kahit Isang Saglit ay maipagmamalaki ko talaga."

RR & POKWANG. Sa mga project na gagawin niya sa Dos, paano kung mapasali sa cast sina Pokwang at RR Enriquez, tatanggihan ba niya ito?

"Kung nandoon din sila sa mga project na ibinigay sa akin?" tanong niya. "Well, siyempre okay lang sa akin 'yon. Kasi, hindi ko naman maiiwasan 'yan na hindi sila makatrabaho dahil pare-pareho kaming nasa ABS, e.

"Kumbaga, ang hirap naman kung mayroon kang iniiwasang tao. So, sa akin okay lang na makatrabaho ulit sina RR at Pokwang. Okay lang sa akin at walang problema, hindi ito big deal kung makasama ko man sila ulit."

Pero iba yung magsasama lang sila sa proyekto at iba yung magkakaayos na sila para wala nang tensiyon. So, kailan nga ba darating 'yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman," sagot ni Cristine. "Iba siyempre yung gano'n na walang tension, and darating din naman tayo diyan, e. 'Wag lang muna nating pilitin, kasi pangit naman yun kung pilit, e. Mas maganda kasi yung kami sa aming mga sarili yung talagang magpu-push na parang, 'Okay na, okay na tayo, parang kalimutan na natin 'yong nakaraan.' Kaya sa akin naman, walang problema kung maging okay na kami ulit nina RR at Pokwang. Kumbaga, parang... Kung ano man 'yong mga nasabi sa akin before at naging issue, wala na 'yon.

"Kasi, ang hirap nung mayroon kang kasamaan ng loob, ang hirap magtrabaho ng ganoon, di ba? At saka mahirap iwasan dahil lahat kami nasa showbiz, hindi puwedeng hindi kami magkikita at hindi puwedeng di magkaroon ng chance na magkasama sa trabaho. So, mahirap dahil gusto ko ay wala nang kaaway at wala nang issue sa kahit kanino, para mas magaang magtrabaho."

"'Tsaka may mga nagsasabi nga na very transparent ako, na kapag hindi okay ang kasama ko ay makikita o mapapansin talaga, e. And lilinawin ko rin, si Angelica [Panganiban], wala naman po kaming naging problema, e. Kumbaga, nawalan na lang ng communication, pero wala kaming naging problema, walang away na nangyari sa aming dalawa," paglilinaw niya.

Sinabi rin ni Cristine na posible pa rin siyang mag-guest sa Banana Split kung gusto ng mga suking tagasubaybay nito.

"Meron po bang nag-aantay talaga?" natatawang sabi niya. "Thank you sa mga gustong mag-guest ako doon, pero hindi ko pa masabi kung magge-guest ako doon. Pero kung gusto talaga ng mga tao, willing naman akong pagbigyan sila."

"SPECIAL TREATMENT." Ano naman kaya sa palagay niya ang rason, na kahit muntik na siyang nagbalik sa GMA-7 at nagkaroon ng maraming intriga, heto at marami pa rin siyang naka-lineup na projects sa ABS-CBN? Hindi ba siya nag-aalala na may ma-insecure na taga-Dos sa tila special treatment na ibinibigay sa kanya, lalo na yung homegrown talents talaga nila na hindi nabibigyan ng kagagandang projects tulad ng sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, ayaw ko na ng negative, e," malambing na saad ni Cristine, sabay tawa niya. "Basta alam ko kasi, Eva Fonda pa lang ay nandiyan na talaga yung Cristine Series. So, mayroon bang special treatment doon? Basta thankful ako na hindi ako pinapabayaan ng ABS-CBN after all the speculations about me. Na, at least, kahit nagkaroon ng issue before kung saang network man, happy ako na hindi nawala yung Cristine Series sa akin, na nandiyan pa rin yun para sa akin. At saka hindi nila in-offer sa iba, so thankful talaga ako doon."

Ano bang mayroon si Cristine at sa kabila ng sunud-sunod na kontrobersiya ay buo pa rin ang suporta sa kanya ng Kapamilya network?

"Hindi ko po talaga alam, e," sagot niya. "Pero siguro ang gagawin ko na lang ay ipapakita kong worth it tayo sa ibinibigay sa ating mga proyekto. Kaya mas lalo ko pang pagbubutihin this time, para hindi ako mapahiya, at pati na ang ABS-CBN, sa tiwala nila sa akin. At hindi rin sila manghinayang na pinagkatiwalaan nila ako sa ganito kalaking project.

"Kaya po kung mayroon na namang darating na intriga, parang gusto ko ay dedma na lang. Ayaw ko na kasi talaga ng negative e, gusto ko ay puro positive na lang," pagtatapos ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN