Actor-politician Bong Revilla finally fulfills dream to reduce amusement tax

"Up to now, lumulutang pa rin ako sa saya dahil sa hindi pa rin ako makapaniwala na 'eto na, nakuha na natin yung matagal na nating ipinaglalaban na mapababa yung tax sa pelikula. Kaya talagang happy ako," says Senator Bong Revilla.


Nagdiwang ang film producers at malalaking personalities na involved sa local movie industry sa thanksgiving at appreciation dinner na ibinigay nila kay Senator Ramon 'Bong' Revilla Jr. sa pagkakapasa ng Republic Act 9640, o ang tinatawag na Amusement Tax Reduction Law, na ginanap sa Garden Way ng EDSA Shangri-La noong nakaraang linggo.

Dumating sa napakahalagang gabi na yun ang mga namumuno sa local movie industry at executives ng mga malalaking film outfits sa bansa. Dumalo rin si Senator Jinggoy Estrada, na isa rin sa mga sumuporta sa inihain na batas ng kaibigan niya sa Senado.

Ani Bong, "Up to now, lumulutang pa rin ako sa saya dahil sa hindi pa rin ako makapaniwala na 'eto na, nakuha na natin yung matagal na nating ipinaglalaban na mapababa yung tax sa pelikula. Kaya talagang happy ako.

"Yun naman ang pangarap natin—ang maibalik ang sigla ng pelikulang Pilipino. At sa pamamagitan ng pagpapababa ng tax, we hope na mas marami pang producers ang makagawa muli ang film industry," saad ng actor-politician.

Pagkaupo pa lang daw ni Bong sa Senado during the 13th Congress ay inihain na niya ang panukalang magbababa ng amusement tax mula sa 30 percent to 10 percent.

"Matapos ang mahaba-habang pagtatrabaho at pagsisikap, sa wakas ay nagkabunga ang ating pinagpaguran at malaki na ang tsansang maisalba na natin ang ating minamahal na industrya ng pelikulang Pilipino," pahayag ni Bong sa kanyang speech sa thanksgiving at appreciation dinner ng film industry.

Pinasalamatan din ni Bong sa kanyang speech ang mga kasamahan niya sa Senado na sumuporta sa inihain niyang panukala na RA 9640 na sina Senators Noynoy Aquino, Loren Legarda, Chiz Escudero, Manny Villar, at ang mga kapatid niya sa industriya na sina Jinggoy at Lito Lapid.

Narito pa ang ilang bahagi ng speech ni Bong:

"The reduction of the amusement tax is a way of encouraging the growth, development, and efficiency of the Philippine film industry. The viability of the cinema theater industry is now under threat due to continuous operational losses brought mainly by two reasons, low patronage, and high taxation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Patronage dwindled because of the prejudice caused by cheaper home movie alternatives such as TV and cable programs, as well as rampant film piracy which turns out inexpensive being relatively untaxed. Both theater owners and local movie producers were greatly affected, as the cost of mocie tickets were severely undercut.

"Additionally, prior to passage of the Amusement Tax Law, the local film industry was suffering from multiple taxes like the 30% amusement tax, the 12% VAT on imported raw materials and equipment, 35% corporate income tax, and 5% withholding tax on producer's film share.

"Sa ating mga public hearing, nalaman nga natin na ang pelikula ay isa sa pinaka-binubuwisang industrya sa ating bansa, tulad ng mga alak at sigarilyo. While the industry is still heavily taxed after the passage of RA 9640, the 20% reduction in its tax burden is quite significant. Producers can now utilize proceeds from his reduction for other experiences in resuscitating our industry.

"Hindi ko na dapat sabihin, pero alam natin na masuwerte na tayo kapag nakakapag-release tayo ng 60 movies a year ngayon. Alam kong damang-dama po natin ang paghihikahos ng ating industrya. Pero ngayong nabawasan na natin itong amusement tax, umaasa ako na makakabalik na tayo sa dati. Naniniwala ako na babalik na tayo sa panahon nakakagawa tayo ng mahigit sa isang daang pelikula sa isang taon."

Binanggit din ni Bong sa kanyang speech na kung hindi sa industriyang ito ay hindi naging Ramon Revilla ang kanyang ama na si Jose Bautista in real life. At kung wala ang kanyang ama sa showbiz, tiyak na wala ring Bong Revilla.

"Ang industriyang ito ang naglapit sa amin sa taumbayan," sabi ni Bong. "Ang industriya ang nangangalaga sa amin. Kaya hindi namin puwedeng pabayaan ang industryang ito. Kung kailangan ng suporta ng industriya, nandito lagi ang mga Revilla," sabi pa niya.

NO COMMENT. Paglabas ni Bong sa loob ng Garden Way ballroom ay sinalubong na siya ng iba't ibang TV crews at mga manunulat upang kunin ang pahayag niya sa mga sinabi ni Rosanna Roces tungkol sa kanyang pamilya at apo nila na si Gab o si Budoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbitiw ng mga mabibigat na salita si Osang laban sa pamilya ni Bong, tukoy pati ang kanyang ama na si dating Sen. Ramon Revilla. Mga babaero raw ang mga Revilla na gustong maputol ng aktres sa kanyang apo na si Budoy kaya nais gusto niya na siya ang magpalaki sa anak nina Grace Adriano at Jolo Revilla.

Pero bago pa man mag-on ang mga camera ay nakiusap na si Sen. Bong na huwag siyang tangungin sa isyu. Bagamat may nagtangka na magtanong about Jolo and Osang, tinikom lang ni Bong ang kanyang bibig at nag-focus sa ibang kausap.

Ayon sa pinakahuling reports, pinaubaya na ni Grace ang custody ni Gab kay Jolo dahil nakatakda nang mangibang-bayan ang anak ni Osang upang makasama ang ama ng pangalawang anak ni Grace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN