John Prats dismisses rumor he and Shaina Magdayao were caught kissing inside ASAP dressing room

"Ma-hug akong tao, I must admit hina-hug ko siya, pero di rin ganun... 'Tsaka yung naghahalikan kayo sa harap ng maraming tao, parang di naman dapat yun. Respeto na lang sa babae yun," says John Prats about the rumor.


May tsismis na nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nahuli diumanong naghahalikan sa loob ng dressing room ng ASAP ang napapabalitang magkasintahan na sina John Prats at Shaina Magdayao.

Pero pagtatanggol ng fans ng dalawa, kung tutuusin ay hindi naman daw masama iyon, lalo na't pag-amin na lang sa isa't isa ang kulang, sa very open nang magandang pagtitinginan ng dalawa.

Sabi pa ng ibang fans nina John at Shaina, normal naman daw sa nagmamahalan ang mag-kiss. Kahit na may mga nanunuligsa pa na pangit daw tingnan ang PDA o "Public Display of Affection" nina John at Shaina sa mismong ASAP pa.

Pero sa panayam ng PEP sa aktor kamakailan, binigvang linaw agad nito ang nakarating sa PEP na tsismis.

"Ma-hug akong tao, I must admit hina-hug ko siya, pero di rin ganun... 'Tsaka yung naghahalikan kayo sa harap ng maraming tao, parang di naman dapat yun. Respeto na lang sa babae yun.

"'Tsaka yun ang mga pribadong bagay na kahit sa mag-asawa, dapat sa private place nila ginagawa, unless nasa ibang bansa kayo. Pero pag Filipino ka kasi...di pa rin, e. Kahit nga holding hands, nahihiya ako pag maraming tao. Malambing akong tao, pero dapat nilulugar ang mga ganun," paliwanag ng Kapamilya star.

Hanggang sa ngayon ay di pa rin mamatay-matay ang issue na sobrang selosa raw si Shaina. Bagay na lagi namang nililinaw ni John na di totoo lalo't walang lugar sa relasyon nila ang salitang selos.

"Happy kami ni Shaina, ganun pa rin kami. Each day is a very special day for both of us, kami, we try to keep it personal hanga't maaari. Di totoong selosa siya, siya yung tipo ng babae na napaka-supportive, lahat sinusuportahan niya. Same way na ganun din naman ako sa kanya. Happy ako sa nangyayari sa kanya and happy naman siya sa mga nangyayari sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pinakamagandang na-develop namin is trust at di rin naman kasi ako gumagawa ng mga kalokohan kaya wala siyang dapat ipagselos," paniniguro ni John.

Kung dati ay ipinapareha, ngayon ay may sari-sariling mga projects sina Shaina at John na para sa aktor ay may pros and cons sa relationship nila.

"Sa lahat naman ng mga bagay, may advantages at disadvantages. Siyempre nami-miss ko siya dahil iba ang trabaho niya, iba ang trabaho namin. We don't see each other often, every Sunday lang pag ASAP or kaya pag may rehearsal.

"Every day, she's working. Ako rin naman. Magkaiba ang trabaho namin pero blessing yun. Yun ang blessing namin na dapat sinusuportahan ng bawat isa na ginagawa naman namin."

ONE HAPPY FAMILY IN BANANA SPLIT. Isa sa characters sa Bud Brothers at regular din sa Banana Split, John expressed his happiness sa ganda ng tinatakbo ng dalawang shows. Lalo na sa Banana Split na kahit marami na ang wala sa original cast ay magkakapamilya naman ang turingan nila sa isa't isa.

"We're happy, we just celebrated our 4th season. Sobrang thankful kami sa mga supporters ng Banana Split. Tsumamba kami sa grupong nabuo namin and we're so lucky with our staff and director.

"Of course nakakalungkot na may mga nawala but at the same time kailangan kapit-kapit ang mga natira sa set. We're happy, yung bonding namin talaga, di matutumbasan yun. On and off-cam, lalo na pag off-cam, magkakaibigan talaga kami. With the addition of Pooh and Pokwang, ibang klase talaga, pamilya kami. Kumakain kami sa isang dressing room at si Pokwang ang cook namin," sabi pa ni John tungkol sa kanyang Banana Split family.

HOW'S CAMILLE? Kinumusta naman ng PEP ang kapatid ni John na si Camille Prats. Matagal na rin kasi itong hindi nakikita sa telebisyon.

"She's happy, mayroon siyang pre-school, pero hanggang grade one na rin siya ngayon. Yun ang business niya and soon babalik din siya sa show business. Si Camille kasi ayaw niyang ma-miss yung bawat step ng pagiging nanay niya dahil bata pa yung pamangkin ko. Nathan [Camille's son] is only one year and six months.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibang joy sa bahay mula nang dumating si Nathan. Iba talaga pag may baby sa bahay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN