Jean Garcia almost returned to ABS-CBN after All About Eve

"Since wala naman akong bagong project sa GMA, nagpaalam ako sa kanila. Ganoon naman ako, kahit nang mawalan ako ng project sa kabila [ABS-CBN] for three months, nagpaalam ako sa kanila... Ganoon din ang ginawa ko sa GMA. Pero sabi nila, kung makapaghihintay-hintay daw ako, dahil may susunod daw akong project by August, this month nga," says Jean Garcia.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jean Garcia sa set ng pinakabagong episode ng Dear Friend, ang "Karibal," sa Tagaytay City last Saturday, August 1.

Maaliwalas ang mukha ni Jean at mukhang nakapagpahinga na siya pagkatapos ng huling primetime series niya sa GMA-7, ang All About Eve.

"Oo nga," sambit niya. "Hatid-sundo muna ako ngayon sa anak kong kay Kotaro [her second child] sa pagpasok sa Xavier School. May time na rin muna akong madalaw madalas ang mommy ko at maka-chika ang mga kapatid ko na hindi ko nagagawa kapag sunud-sunod ang trabaho ko."

Kasama ni Jean sa "Karibal" sina Jennylyn Mercado, Wendell Ramos, at Hero Angeles. Bale reunion niya ito kina Jennylyn at Wendell na nakasama niya noon sa La Vendetta.

Sino ang magkaribal sa story?

"Kami ni Jennylyn," banggit ni Jean. "Mag-ina kami. As Claire, I'm on my late 30s, si Jennylyn ay 19 years old at si Wendell, early 20s. Dahil bata pa si Cheska [Jennylyn], immature pa siya at nang magkakilala kami ni Daryl [Wendell], na-in love kami sa isa't isa. May konting conflict. Pero ang maganda sa story namin, light drama-comedy ito kaya magaan sa dibdib."

Bakit nagkaroon ng balita noon na babalik na siya ulit sa ABS-CBN at nagpaalam na siya sa GMA-7 pagkatapos ng All About Eve?

"Totoo, may offer sa akin ang ABS-CBN," pagkumpirma ni Jean. "Since wala naman akong bagong project sa GMA, nagpaalam ako sa kanila. Ganoon naman ako, kahit nang mawalan ako ng project sa kabila for three months, nagpaalam ako sa kanila. Ang katuwiran ko, I'm a working mom at hindi puwedeng matagal akong walang trabaho. Pumayag naman sila dahil wala pa naman silang mai-offer sa akin noon.

"Ganoon din ang ginawa ko sa GMA. Pero sabi nila, kung makapaghihintay-hintay daw ako, dahil may susunod daw akong project by August, this month nga. Naisip ko, simula naman nang lumipat ako dito, sunud-sunod na ang ginawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang susunod na project na tinutukoy ni Jean ay ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway To Heaven. Ito bale ang magiging pang-walong primetime series ni Jean sa Kapuso network, pagkatapos ng Majika, Atlantika, Impostora, La Vendetta, Dyesebel, Gagambino, at All About Eve.

Ani Jean, parang bonus na lang sa kanya itong "Karibal."

"Enjoy naman ako dito dahil bukod nga sa mga kasama ko, si Andoy Ranay pa ang direktor. Barkada ko na siya noon pa sa ABS-CBN. Siya ang direktor ko sa Kampanerang Kuba with Wenn Deramas at sa episode ko sa Maalaala Mo Kaya. Iyon ang maganda kung hindi ka mag-burn ng bridges, walang problema," saad ng aktres.

JENNICA GARCIA. Kinumusta rin namin kay Jean ang anak niyang si Jennica ngayong loveless ito. Hindi ba nai-in love ang anak niya sa ka-partner nito sa Adik Sa 'Yo na si Dennis Trillo?

"Wala naman," sagot ni Jean. "Wala siyang nasasabi sa akin. Mukhang ini-enjoy ng anak ko ang mga ginagawa niya at happy nga ako sa kanila ni Dennis. Kinikilig ako sa kanila sa Adik Sa 'Yo."

Ngayong 19 na si Jennica, paano kung gusto na nitong maging independent sa kanya?

"Okey lang 'yon sa akin, basta hindi siya hihiwalay sa poder ko!" natatawang wika ni Jean. "Hindi ko kakayanin 'yon. Noong kaga-graduate nga lang niya ng high school, sabi niya sa akin, gusto raw niyang mag-aral abroad. Pero na-shock ako nang sabihin niyang gusto niya sa London mag-aral!

"Hindi naman problema kung gusto niyang mag-aral abroad, mapag-iipunan 'yon. Kaya sabi ko sa kanya, hindi ba puwedeng sa Singapore man lang? Para kung magkaproblema, madali ko lang siyang mapupuntahan. Sa London, almost 24 hours kang magbibiyahe para marating siya. Mabuti na lang, nagbago ang isip niya at nag-try ngang mag-artista."

Paano nga kung gustuhin na ni Jennica na humiwalay sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag muna sana. Hindi ko kakayaning mag-isa siya. Baka ang mangyari, gabi-gabi doon din ako matulog sa kanya, at later on, kasama ko na si Kotaro at ang Ninang Vera niya, at pagkatapos dala na namin ang gamit namin at doon na rin kami nakatira sa kanya!" at napahalakhak si Jean.

"Di ko pa talaga kaya, huwag naman," sambit niya.

STILL LOVELESS. Kumusta naman ang lovelife niya?

"Loveless pa rin," sagot ni Jean. "Kung may nakikipag-date, sige, date. Pero wala pa talaga. Kung darating 'yon, darating talaga."

Nag-uusap na ba sila ni Polo Ravales? At paano si Jojo Manlongat na nabalita ring boyfriend niya?

"No, hindi ko talaga naging boyfriend si Jojo. Friends lang talaga kami," paglilinaw ni Jean. "Kilala naman ninyo ako, hindi ko naman inililihim kapag talagang may boyfriend ako. Si Polo talaga ang last boyfriend ko.

"Hindi kami nagkakausap dahil hindi naman kami nagkikita. Hindi ako nagtatanim ng galit sa mga naging boyfriend ko, pero kahit magkabati kami, hindi na babalik ang dating closeness.

"Ganyan din kami ng tatay ni Jennica [Jigo Garcia]. Nag-uusap kami para kay Jennica. Wala naman kaming problema sa anak namin. We're blessed na nagkaroon kami ng anak na tulad niya. She's a very responsible young lady. Basta open kami ni Jigo sa mga nangyayari sa kanya, bad or good man. Basta pinapaalala lang namin sa kanya na hindi lahat ay bed of roses, at makakatulong 'yon para siya lalong lumakas," pagtatapos ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN