Isay Alvarez thankful for her role as Cory Aquino in "Cory The Musical"

West-End actress Isay Alvarez will essay the life of the late great Corazon C. Aquino in the restaging of Cory The Musical on August 30 at the Armed Forces of the Philippines (AFP) Theater.


Late last year, nagkaroon ng stage play, Cory The Musical, na ibinatay sa buhay ng namayapang dating presidente ng Pilipinas na si Corazon Cojuangco-Aquino. Ang napisil na gumanap bilang Cory sa musical ay ang West-End actress na si Isay Alvarez.

Pumailanlang ang kanyang pangalan noon sa daigdig ng teatro nang gampanan niya ang role na Gigi sa West-End production ng Miss Saigon, kasama sina Lea Salonga at ang kanyang asawa na si Robert Seña. Kasama siya sa original cast ng musical play na unang ipinalabas noong 1989 sa London West End.

Sa pagmamahal at respeto na ibinigay ng buong sambayanang Pilipino kay Gng. Aquino, masasabing isang malaking pribilehiyo para sa isang stage actress na tulad ni Isay ang magampanan ang kanyang buhay.

Kaya nga nung makausap si Isay ng PEP (Philippine Entertainment Portal) agad na naging topic ng usapan ay ang karanasan ng theater actress sa pagganap niya bilang Cory Aquino.

Simula ni Isay, naging sobrang excited daw siya nang siya nga ang mapisil na gumanap bilang ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas.

"Ang initial reaction ko was very excited and very honored to be chosen to play the role. Primarily because not many actors are given this opportunity and it's something to make me stretch myself as an actor. But then, after a while, it dawned on me that it would be such a difficult and challenging one that I wanted to back out. But then, the challenge made the role more exciting."

Kahit high-calibre West End actress na siya, aminado si Isay na nahirapan siya sa pagganap na Cory.

"What is difficult is that, I was not able to interview her personally. I really have no personal encounter. So, I really had to study the characters from the numerous articles, books and video clips on her."

And the only time na nakita at nakausap niya si Tita Cory ay nang manood ito ng Cory The Musical when they first staged it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The only time I had a personal encounter with her was when she came to watch our gala show. She was very gracious despite her condition. She just came from the hospital that time. She looked weak but in high spirits."

Anong reaction ni Cory sa show?

"She thanked me and the cast, and that she's very happy about the tribute," nakangiting sabi ni Isay.

Dahil sa pag-aaral na ginawa niya sa buhay ni Gng. Aquino bilang preparasyon sa kanyang pagganap dito, mas lalo siyang humanga sa mga katangian nitong naging dahilan nga ng pagmamahal at respeto ng mga Pilipino.

"Her love for her family and for her country is unequalled. She was able to translate her devotion to God as a mother to her family and our country."

Kung makakaharap niya ngayon ang mga naiwan ni Mrs. Aquino, ano ang masasabi niya sa kanila?

"Thank you for sharing your parents to the nation. They serve as a reminder to us all to be selfless. To love our country and to pray and love one another more."

Muling mapapanood si Isay bilang dating Pangulong Corazon C. Aquino sa muling pagpapalabas ng Cory The Musical, na gaganapin sa August 30 sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Theater, ganap na 3:00 pm and 8:00 pm. Makabibili ng tickets sa 891-9999.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN