Albert Martinez says wife Liezl is recuperating from breast cancer

"It's normal, we call it nga a garden variety thing. It happens to a lot of women right now. It's a wake up call, not just for me, but for everybody. Akala ko kasi, hindi yun mangyayari sa amin. Pero, hayan at nangyayari na, totoo na pala ito. Nangyayari pala talaga 'yan, to everyone. Lalo sa isang mahal mo sa buhay. It's a wake up call," says Albert Martinez about his wife Liezl's breast cancer.


Naging occupied si Albert Martinez sa maraming bagay nitong mga nakaraang araw, kaya naman hindi niya nabigyan ng matinding concentration ang kanyang career. Nagkataon lang na ang regular commitment na natanguan niya ay ang consistent top-rater ng ABS-CBN sa Primetime Bida na May Bukas Pa. Nang umpisahan niya ang show, kumakaharap naman sa krisis ang kanyang pamilya dahil nga sa pagkakasakit ng misis na si Liezl ng breast cancer.

"Nagkataon lang na nakakapagsalita na ako openly about it dahil may nalagpasan na kaming phase, at yun ay ang pagtanggap na may karamdaman nga ang misis ko, that she's recuperating, and she's okay right now," pagtatapat ng aktor nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nasabi nga ni Albert na timing ang nabanggit na teleserye, which is actually inspiring a lot of people. Kahit na mismong ang pamilya niya ay nakaka-relate dito.

"'Yung mga istorya ni Santino [Zanjan Jaranilla] at ni 'Bro,' they humble us, e. Kasi, sa akin na lang, nare-realize ko na may mas grabe pang sitwasyong kinakaharap ang ibang tao, kung hindi man as bad as where I am right now.

"Dahil sa faith nila kay Lord, they can survive it," tuluy-tuloy na naikuwento ni Albert sa amin sa thanksgiving party para sa tagumpay ng show sa ere.

Personally, hindi niya kinuwestiyon ang Panginoon sa kung anumang pagsubok na kinakaharap ng pamilya niya regarding Liezl's health condition.

"Ang prayers ko lang all the time, to keep my family intact. Doon lang umiikot talaga. Para mabigyan pa namin ng magandang future ang aming mga anak, mailayo sa danger at sa harm. Yun lang naman ang hinihiling ko sa Kanya.

"Whatever I do, no matter how hard I work, at the end of the day, it's for my family," aniya.

Dineretso namin si Albert tungkol sa sinasabi ng mga doktor sa kondisyon ng kanyang misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's normal, we call it nga a garden variety thing," sabi ni Albert. "It happens to a lot of women right now. It's a wake up call, not just for me, but for everybody.

"Akala ko kasi, hindi yun mangyayari sa amin. Pero, hayan at nangyayari na, totoo na pala ito. Nangyayari pala talaga 'yan, to everyone. Lalo sa isang mahal mo sa buhay. It's a wake up call.

"We have to clean up our act. You watch your food. Stay away from things that are bad for you. Enjoy life per day. Yun bang marami kaming bagay na dapat na-realize namin earlier, pero ngayon lang namin na-realize dahil sa nangyayaring ito.

"Blessing na rin ito kung tutuusin kasi nagkakaroon kami ng time for each other. Dahil sa sitwasyon, parang sinasabi sa amin, it's time to enjoy life," sabi pa niya.

Inamin ni Albert na showbiz family sila, pero hindi lahat ng aspeto ng buhay nila ay pang-showbiz.

"Kaya nanahimik kami," patuloy ni Albert. "Humingi kami ng pang-unawa sa mga tao. We wanted to keep everything in private. The only reason lang naman na nagsasalita na ako, kasi nalusutan na rin namin.

"Ayokong bigyan ng stress ang asawa ko because of interviews, just to give her privacy. I want her to go through this, sa sarili niyang paraan. With flying colors, we can say, we survived it. We thank God for being there.

"He made us sure that when we wake up in the morning, my loving wife will just be there," nangingiting kuwento ni Albert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN