GMA-7 executives acknowledge Marian Rivera as "Queen of Primetime"

"Siyempre, kung ganoon ang tingin sa akin ng mga boss ng GMA, maraming salamat sa kanila. Kasi ako, bilang artista rin, naging professional ako. Ginawa ko ang dapat kong gawin at minahal ko talaga ang trabaho ko," says Marian Rivera about the "Queen of Primetime" tag given to her by GMA-7 executives.


"Thank you!" kasunod ang isang matamis na ngiti ang tugon ni Marian Rivera sa nagsasabi sa kanya na siya ang "sexiest Darna" sa grand launch ng pinakabagong fantaserye ng GMA-7 na Darna noong Lunes, Agosto 3, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Patuloy niya, "Alam n'yo, thankful ako dahil lahat ng katrabaho ko ngayon ay maayos, masaya, nagkakaintindihan. Walang pressure. Parang lahat kami magkakasundo talaga at alam mo na concerned sa isa't isa. Lahat kami okay sa set, magmula kina Tita Celia [Rodriguez], kina Iwa [Moto], lahat-lahat, okay, e."

Pero ano nga ba ang nararamdaman niya kapag nakakarinig ng compliments na siya raw ang "pinaka-sexy at pinakamagandang Darna." Maging si Ms. Celia—na nakasama na sa dalawang Darna movies (Lipad, Darna, Lipad at Darna at Ding ni Vilma Santos) at sa Darna ni Angel Locsin—ay puro papuri ang sinabi kay Marian.

"Siyempre, masaya ko dun, pero nirerespeto ko pa rin yun. May kanya-kanyang desisyon ang mga tao. May kanya-kanya pa rin sila kung sino ang maganda para sa kanila. Pero ang mahalaga sa akin, ine-enjoy ko 'to at mapaligaya ko ulit ang mga tao," sabi ni Marian.

Hindi itinanggi ni Marian na marami siyang ginawang adjustments sa kanyang bagong character as Darna.

"Maraming adjustments," sabi niya. "Kasi unang-una, superhero ito... Yung costume, yung harness, yung fight scenes ko... So, dun pa lang, malaking adjustment na. E, dati hindi ako nag-e-exercise. Ngayon, kailangan mag-exercise ako bago ako mag-fight scene. Kung hindi, sasakit ang katawan ko. Kailangan kong i-maintain ang katawan ko dahil sa costume at kailangan ko rin i-maintain 'yun dahil sa harness kasi, mahirap kapag mabigat ka."

Tuloy pa rin daw ang pagte-training niya ng wushu. Ang hindi na raw niya masyadong magawa ay ang pagdyi-gym kung saan tinutulungan naman siya ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tagilid na kasi," banggit ni Marian. "Nagti-taping ako at pagkatapos, naghahabol pa kami. May Tarot pa 'ko. Tapos sa September, merong Nieves naman."

NEW LEADING MAN. Pagkatapos ng tatlong consecutive primetime series na si Dingdong Dantes ang kapareha ni Marian—Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hiniugot sa Aking Tadyang—dito sa Darna ay si Mark Anthony Fernandez ang leading man ni Marian.

Kumusta naman sila ni Mark?

"Okay naman siya. Okay naman kami," maikling tugon ni Marian.

Tumawa naman nang husto si Marian nang hingan ng reaction ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa sinabi ni Mark na nagpaplano raw itong kausapin si Dingdong.

"Thank you, thank you..." sambit ng aktres. "Marunong siyang rumespeto at nakikita ko sa kanya yun na sobrang laki ng respeto niya sa akin, which is, gusto ko sa mga tao na marunong rumespeto talaga."

Naramdaman niya ba na parang naiilang sa kanya si Mark?

"Konti, pero sinabi ko sa kanya na, 'Wala kang dapat ikailang. Kaya natin 'to, magtulungan tayong dalawa. Kasi, hindi lang porke't Darna ang title, ako lang ito. Hindi, sa ating lahat ito,'" lahad ni Marian.

QUEEN OF PRIMETIME. Ayaw namang isipin ni Marian ang pressure sa mataas na expectations, lalo na ng mga Kapuso, sa Darna.

"Alam ko na isa yun sa mga factor na kailangan, nagri-rate talaga ang show. Pero ang importante sa akin, ako si Darna. Ako ang pinili at ine-enjoy ko talaga siya. At importante, sa lahat—mula crew, director, artista—magkakasundo. Talagang love namin ang isa't isa," pahayag niya.


Sa ipinalabas na mensahe ng top executives ng GMA-7, sa pangunguna ni Atty. Felipe L. Gozon, sinelyuhan na nila ang bansag kay Marian bilang "Queen of Primetime."

Ano ang masasabi ni Marian dito?

"Siyempre, kung ganoon ang tingin sa akin ng mga boss ng GMA, maraming salamat sa kanila. Kasi ako, bilang artista rin, naging professional ako. Ginawa ko ang dapat kong gawin at minahal ko talaga ang trabaho ko," sagot ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY GIRL. Ang buwan ng August ang isa sa pinaka-special kina Marian at Dingdong dahil pareho silang nagse-celebrate ng birthday sa buwang ito. Si Dingdong noong August 2 at si Marian naman sa August 12.

Pero hindi gaya ng Christmas gifts nila sa isa't isa, tila nagiging secretive na sila this time sa kanilang birthday gifts sa isa't isa.

"E, tanong n'yo na lang sa kanya!" tawa ni Marian. "Ako kasi, sa 12 pa, so hindi ko pa alam kung ano ang gift niya."

Kung siya ang tatanungin, ano ang gusto niyang matanggap on her birthday?

"Sa material, wala, e," sabi ni Marian. "Basta maging happy lang ako. Maging maayos ang trabaho ko. Mahalin nila ang Darna. Magkakasundo palagi sa set at saka sana love ako ng press palagi."

"Love naman!" natatawa niyang pahabol.

LIVE-IN ISSUE. Aware ba siya sa isyung kesyo nagli-live in daw sila?

"Ay naku, sabihin na lang natin na ganyan naman po talaga palagi," pagkibit-balikat ni Marian. "Kesyo nagli-live-in, buntis, naghiwalay, naging sila, nagpakasal... So, aminin na nating lahat na ganyan talaga ang isyu sa bawat artista at hindi talaga natatapos yun hangga't nasa showbiz kami. Basta ang importante, alam mo ang totoo at marami ang naniniwala sa 'yo."

DINGDONG'S FAMILY. May nagsasabing sa lahat daw ng babaeng naugnay kay Dingdong, sa kanya raw boto ang pamilya ng aktor. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ay, hindi ko alam. Pero ang masasabi ko lang, sobrang bait nila sa akin. Napakabait naman talaga ng pamilya ni Dong at wala akong masasabi sa kanila. Sobrang babait!" bulalas niya.

Pero ano nga ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Dingdong ngayon?

May ilang segundo bago sumagot si Marian, at saka nakangiting sinabi na, "Akin na lang yun. Basta happy kami. Siguro ganoong level lang ang maibigay ko na happy kami at yun na muna, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY MARIAN. Would she say she's at her happiest right now?

"Oo!" mabilis niyang sagot. "Kasi, lahat maayos. Unang-una, yung Darna naging maayos. Nagkaroon ako ng lakas ng loob. Naisuot ko yung costume na 'yan. Na-achieve ko ang katawan na gusto ko. At maraming tao sa paligid ko ang happy at palaging nagsasabi na proud sila sa akin.

"At saka, naging maayos lahat, e. Pati yung press, naging maayos ng lahat. Wala, e, wala akong problema. At saka, sabihin na lang natin na malaki ang naitulong ng press sa akin. Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sa lahat ng naituro nila. Itinuro nila, itinuro ko."

TITA CORY. Sa huli, naikuwento ni Marian na dahil close friend ni Kris Aquino ang manager niyang si Popoy Caritativo, malamang baka makapunta siya sa wake ng dating President Cory Aquino.

"Hinahanap daw ako ni Ate Kris [Aquino], so baka bukas [August 4], baka puntahan ko siya. Sabi raw [ni Kris], 'Hindi ba ko pupuntahan ni Yan Yan [palayaw ni Marian]? Bakit parang wala siya rito? Yung ganoon," kuwento ni Marian

Tungkol naman sa dating Pangulong Cory Aquino, sinabi ni Marian, "Although hindi kami nagkakilala, hindi kami nag-meet nang ganito, siyempre napakalaki ng naitulong niya at talagang nakakalungkot na pumanaw ang isang katulad niya. Ipagdasal na lang natin siya."

Natuloy ang pagpunta ni Marian sa burol ni Pangulong Aquino kagabi sa Manila Cathedral, kasama si Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN