Tonton Gutierrez shares secret of his happy marriage with Glydel Mercado

"Kung kuntento ka sa mga bagay na mayroon ka," panimula ni Ton, "'pag ini-apply mo 'yan sa buong buhay mo, that will be the secret behind it. Hindi lang dahil nag-asawa ka na at saka ka makukuntento. Sa umpisa pa lang, kapag alam mong makuntento, magiging maayos ang lahat ng papasukan mo," advises Tonton Gutierrez.


Marunong makuntento sa buhay si Tonton Gutierrez. Ito ang sikreto kung bakit hanggang ngayon, maayos ang pagsasama nila ni Glydel Mercado. Never na nalagyan ng kung anu-anong isyu ang married life ng mag-asawa at ito'y isang bagay na masasabing achievement para sa isang showbiz couple.

"Kung kuntento ka sa mga bagay na mayroon ka," panimula ni Ton, "'pag ini-apply mo 'yan sa buong buhay mo, that will be the secret behind it. Hindi lang dahil nag-asawa ka na at saka ka makukuntento. Sa umpisa pa lang, kapag alam mong makuntento, magiging maayos ang lahat ng papasukan mo."

Mayroon daw kasing 'saka lang nare-realize ang kakulangan kapag kasal na.

"Bakit may kulang? Ganito, ganyan. Hindi kasi sila marunong makuntento. Ako kasi, happy ako, kuntento ako sa kung ano ang mayroon ako. Wala namang perpektong tao, kaya tanggapin mo na lang na ganoon.

"Kung marunong kang makuntento, it follows na yun. Wala namang perfect marriage, e. Basta, kung ano yung imperfections ng isang tao, basta mahal mo siya, matatanggap mo yun," nangingiting pahayag pa ni Tonton.

As boyfriend-girlfriend, more than 10 years na ang itinatakbo ng relasyon nila. Bilang mag-asawa, mga six years na rin.

"Magsi-six years old na si Aneeza [their daughter], hindi pa rin nasusundan," aniya pa. "Gusto naming ma-enjoy rin siya, at ayaw naming ma-pressure na sundan siya. Kung ibibigay ng Diyos na masundan na siya, why not? Pero, kung wala pa, okey lang.

"Believe it or not, sa six years na yun, wala pa kaming mabigat na trials sa marriage namin."

Patuloy ngang blessed si Tonton kaya naman ibinabalik din niya ang kabutihang tinatamasa niya. Katulad na lang ng experience sa pag-donate ng dugo sa isang nangangailangan.

"Yung associate producer namin sa May Bukas Pa, si Hazel Parpan, sinabihan kaming lahat sa production, sa cast, kung sino ang makakapag-donate ng dugo para roon sa anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May problema sa dugo ang anak niya, bumababa ang hemoglobin count. At first, ang inisip ko, baka hindi ako pupuwede. Naggo-golf kasi ako, at may mga kinausap akong ilang tao, mga tatlo sila, mga caddy sila, kung puwedeng mag-donate sila ng dugo," kuwento pa ni Ton.

Sabi niya, papalitan daw niya ng cash kapalit ng dugong ido-donate ng mga ito.

"Pumayag naman, 'tapos, kinausap ko si Hazel. Kinumusta ko ang anak niya, kung kailangan pa ba yung dugo. Hindi na raw kasi may nag-donate na.

"Aksidente yung nangyari, kasi, akala ko, okey na. I called Hazel in the afternoon, hindi raw pumuwede yung dugong nai-donate. Hindi pumasa sa blood testing.

"Nagsimba muna ako, 'tapos, tumuloy na ako sa M.V. delos Santos Hospital, nag-donate na ako ng blood. Aba, pumuwede ang dugo ko! Natuwa naman ako para roon sa bata. Her name is Keana.

"May anak din kasi akong babae, e. I feel for her. Bumababa ang hemoglobin ng bata, and it has to be monthly na sasalinan ito ng dugo. Seven years old lang ang bata, and for the rest of her life, kailangan niyang mag-undergo ng blood transfusion.

"Naawa ako. Ayokong mangyari rin yun sa anak ko, kaya ang naisip ko, tumulong ako. First time kong ginawa. A+ ang blood type ng anak niya, at nagkataoon na ganoon din ang blood type ko. Noong magpunta ako sa hospital, hindi ko alam na ganoon din ang blood type ko. It was blessing talaga. I was willing to help, kahit sa anong paraan," kuwento ni Tonton.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN