Alfred Vargas wants to work again with Marian in future projects

"Marian to me has always been a real lady. Napakadaling lapitan at saka for me, she's a true friend. She's one of my truest friends in showbiz," says Alfred Vargas about Darna lead star Marian Rivera.


Katulad ng character ni Narda, isa rin daw orphan ang character na ginagampanan ni Alfred Vargas sa pinakabagong fantaserye ng GMA-7, Darna. Ang nag-alaga sa kanya ay ang paring si Eddie Garcia hanggang sa maging magaling siyang reporter.

Kuwento nga ni Alfred, "Mula sa pagiging orphan ko, naging magaling akong reporter, hanggang sa sinundan ko ang kuwento ni Darna. Mai-in love ako kay Darna, at the same time, sa Babaeng Impakta na si Nadine Samonte. Dun pa lang, medyo magulo na ang kuwento.

"Pero goody-goody naman ang character ko rito," nakangiting sabi ni Alfred.

Lahat ay puwede nang mangyari sa mga characters sa isang fantaserye. Kahit human ka ngayon, kalaunan ay posibleng magkaroon ka ng superpower. Pero si Alfred, hindi niya hangad na magkaroon daw ng superpowers ang character niya. Nakita niya raw kasi ang hirap na pinagdaanan ng mga co-star niya kahit noong media presentation pa lang ng Darna na ginanap sa Studio 5 ng GMA-7 noong August 3 ng gabi.

Magsisimula nang umere ang bagong fantaseryeng ito sa Lunes, August 10.

"Sana hindi talaga!" natatawa niyang sabi. "Okey na 'ko sa ganitong character ko."

Pero kung meron man siyang mahihiling ay ang muling makatrabaho sa mga susunod pang proyekto ang bida ng Darna na si Marian Rivera.

Una silang nagkatrabaho ni Marian sa GMA-7 afternoon series na Muli noong 2007. Nagkasama silang muli ni Marian sa Dyesebel noong 2008. At heto na nga ngayon muli sa Darna.

"Very supportive naman ang GMA sa akin. Since Muli naman, close na kami ni Marian. Siguro, busy-busy lang palagi. At saka, Marian to me has always been a real lady. Napakadaling lapitan at saka for me, she's a true friend. She's one of my truest friends in showbiz."

Kung tutuusin, siya among Marian's co-stars ang puwedeng makapagsabi kung ano ang totoong ugali ng aktres, dahil nakasama niya ito noong hindi pa masasabing sikat at hanggang ngayong sikat na sikat na nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya...masaya siyang kasama. And I believe that she deserves everything that she has right now," sabi pa ni Alfred tungkol kay Marian.

Pero nagbago na ba si Marian sa dati niyang pagkakakilala rito?

"Hindi, e. Kasi, kapag kaming dalawa, ganoon pa rin, e. From my personal experience, parang hindi naman. Ganoon pa rin. Natutuwa ako sa kanya. Never siyang naging suplada or mataray sa akin."

THE GIRL HE WILL MARRY. On a personal note, hindi itinatago ni Alfred kung gaano nga siya kasaya ngayon dahil sa kanyang lovelife. Haping-happy siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Yasmine Espiritu. Ayon sa aktor, bagama't hindi pa ngayong taon, desidido na raw talaga siyang ang present girlfriend na ang talagang pakakasalan niya.

Pero bakit nga ba siya ganoon na kadesidido?

"Noong bata ako, tinanong ko sa daddy ko, 'Dad, paano ba malalaman kung siya na nga ang babaeng pakakasalam mo?' Sabi ng daddy ko, 'There are no rules to follow, you will just know.' Malalaman mo lang basta, feeling ko, ito yun. Alam mo lang. Kasi, hindi ko ito naramdaman before."

Pero sa mga nakakasama niyang artistang babae, hindi na ba siya naa-attract sa mga ito?

"Ang admiration naman, hindi naman mawawala 'yan, di ba? Pero hanggang admire lang, di ba? Admire from a far," natatawa pa niyang sabi.

RUNNING FOR COUNCILOR. Isa rin si Alfred sa mga artista ngayon na desididong tumakbo bilang konsehal sa Quezon City.

Aniya, "Buung-buo na ang loob ko na tumakbo bilang konsehal."

Dati pa ba talaga niyang plano na pumasok sa pulitika?

"Hindi ko siya exactly ginusto, pero naalala ko, noong bata pa lang ako, estudyante pa lang, student leader na ako. Class officer ako palagi. Active ako sa mga organizations. At nakikiano talaga ko sa mga issues."

Sa tingin niya ba, ang pagpasok sa pulitika talaga ang calling niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang makatulong. Pero acting will always be my passion. Hanggang sa tumanda at tumanda ako, gagawin at gagawin ko 'yan dahil yung mga roles na gagawin ko, gusto ko nga, maranasan ko lahat ng roles, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN