Glaiza de Castro chosen to play Eunice in Stairway To Heaven

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi kayo ma-disappoint at para ma-meet ang expectation n'yo. Hindi ko sisirain ang character ni Eunice," says Glaiza de Castro.


Sa panayam namin sa young actress na si Glaiza de Castro, nagbiro siya na mas nauna pang nalaman ng (Philippine Entertainment Portal) na siya ang gaganap sa role ni Eunice sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway to Heaven. Siya kasi ay nalaman lang ito three days ago. Napilitan lang ipaalam sa kanya ng road manager niyang si Chino Sarenas na nakuha niya ang role dahil naunahan na ng press.

Wala pang maikuwentong detalye si Glaiza sa PEP tungkol sa Stairway To Heaven dahil wala pang story conference. Hindi pa raw nagsi-sink in sa kanyang siya ang gaganap sa importanteng role na gugulo sa buhay nina Cholo at Jodi.


PLAYING EUNICE. Ano ang naramdaman ni Glaiza nang sabihin sa kanyang siya si Eunice sa Stairway To Heaven?

"Sobrang saya ko at nagpapasalamat ako kung totoong dahil sa ginagawa ko sa Kung Aagawin Ang Lahat, kaya sa akin nila ibinigay ang role ni Eunice. Salamat naman," saad niya.

Ano ang preparasyong gagawin niya bilang paghahanda sa pagganap sa role ni Eunice?

"Panonoorin ko ang Stairway To Heaven," sagot ni Glaiza. "Magma-marathon ako dahil ilang episodes lang ang napanood ko nang ipalabas yun sa GMA-7. Hindi ko nasubaybayan at kailangang kong panoorin nang buo.

"Physically, sabi nila, long hair si Eunice kaya aalisin ko ang bangs ko. At kung kinakailangang magpa-hair extension, gagawin ko.

Patuloy niya, "Hindi ko pa thoroughly napag-aaralan ang character niya dahil hindi ko nga napanood nang buo ang Stairway. Pero sa napanood ko, medyo malalim ang character niya at hindi lang basta-basta nang-aaway. Ganun siya ka-extreme."

Bad girl na naman siya sa Stairway To Heaven. Okey lang ba sa kanya na mukhang nata-typecast siya sa kontrabida roles?

"Okey lang, hindi problema sa akin," sagot ni Glaiza. "Sa TV lang naman ako bad girl dahil sa ginagawa kong mga pelikula, lalo na ang indie film, hindi ako kontrabida. Parang pambalanse ang bad girl role ko sa TV sa ginagawa ko sa pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinarating ng PEP na may ilang fans ang Stairway To Heaven na nagdududa sa kakayahan niyang magampanan nang tama ang role ni Eunice. Ano ang mapa-promise niya sa fans?

"Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi kayo ma-disappoint at para ma-meet ang expectation n'yo. Hindi ko sisirain ang character ni Eunice," pangako ni Glaiza.

WORKING WITH DINGDONG. Bukod sa magandang role, makakatrabaho ni Glaiza for the first time dito sa Stairway To Heaven si Dingdong Dantes, na siyang gaganap bilang Cholo.

Si Rhian Ramos ang gaganap bilang Jodi, samantalang si TJ Trinidad naman ang napiling gumanap bilang Tristan.

"Oo nga! Sabi ko nga, wow, grabe!" bulalas ni Glaiza. "First time ko to work with him [Dingdong], although nakikita ko siya sa SOP at binabati niya ako.

"First time ko rin to work with Rhian. It's my first time with TJ Trinidad and Direk Joyce Bernal dahil kahit noong nasa ABS-CBN pa ako, never kong nakatrabaho si Direk Joyce. Si Direk Andoy Ranay, nakatrabaho ko na nang mag-pinchhit siya ng one taping day sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin."

Ready na ba siyang makipag-kissing scene kay Dingdong?

"Meron ba?" natatawang tanong niya. "Kinakabahan ako! Hindi ko muna iniisip sa sobrang saya ko na sa akin ipinagkatiwala ang malaki at importanteng role. Thankful talaga ako sa GMA-7 dahil mula nang lumipat ako, hindi ako nawawalan ng show. Minsan, napapahinga ako ng ilang months, pero laging may project for me."

UNEXPECTED SOAP. Ikinuwento ni Glaiza sa PEP na hindi niya iniisip na magkaroon ng bagong show dahil hindi pa tapos ang Sine Novela na Kung Aagawin Ang Lahat Sa Akin. Kahit nababalitaan niyang nagka-casting na para sa Stairway To Heaven, hindi niya iniintindi dahil sa afternoon soap nilaang focus niya.

"Hindi ko inisip ng next soap ko dahil may ongoing soap pa ako. Saka, first time mangyari na hindi pa man tapos ang show ko, may next show na ako. Ang laki-laki talaga ng pasasalamat ko sa mga nagtitiwala at tumutulong sa akin," wika ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaction niya sa mga comment na magaling siyang aktres?

"Thankful ako na naa-appreciate nila lahat ang mga ginagawa ko," nakangiti niyang sagot. "Pinapahalagahan ko ang mga ganyang compliment, sobrang rewarding and it pushes me to work harder."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN