Pressure on Bea Alonzo intensifies as the showing of her movie without John Lloyd Cruz nears

"Oo, malaking pressure yun. Pero para sa akin, naniniwala talaga ako sa destiny. Kung para sa 'yo, para sa 'yo. Ang sa akin lang, ibinigay ko lahat para wala akong pagsisihan sa bandang huli. Kasi, lahat ng hiniling nila sa akin, lahat ng kinailangan kong gawin, binigay ko," says Bea Alonzo about starring in a movie without perennial screen partner John Lloyd Cruz.


Understandable naman kung may nararamdaman mang pressure at kaba si Bea Alonzo ngayong malapit nang ipalabas ang pinagbibidahan niyang pelikula, ang And I Love You So ng Star Cinema.

Minsan nang itinanghal na Box-Office Queen si Bea—noong 2007 para sa One More Chance nila ni John Lloyd Cruz. Pro ang kaibahan nga lang ngayon, tila testing ground sa young actress kung tulad ng kanyang ka-loveteam na si John Lloyd ay maisasampa rin ba niya sa box office ang bagong movie niya, kahit wala ang nakagisnang loveteam nila ng aktor.

"Ako, pressure. Tuwing maririnig ko ang kanta [theme song ng And I Love You So], parang nalulula ang tiyan ko. Ganun. At saka, si Direk [Laurenti Dyogi], nagsasalita ng magaganda about the project, about our performances, kinakabahan ako nang sobra!" pahayag ni Bea sa presscon ng And I Love You So, kagabi, August 5, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

PRESSURE TIME. Hindi itinanggi ni Bea na may pressure talaga on her part, lalo na't na-prove na ni John Lloyd na kaya niyang dalhin ang movie kahit wala ang perennial screen partner niya. Naging box-office hits ang back-to-back movie nila ni Sarah Geronimo na A Very Special Love at You Changed My Life.

"Oo, malaking pressure yun," pagsang-ayon ni Bea. "Pero para sa akin, naniniwala talaga ako sa destiny. Kung para sa 'yo, para sa 'yo. Ang sa akin lang, ibinigay ko lahat para wala akong pagsisihan sa bandang huli. Kasi, lahat ng hiniling nila sa akin, lahat ng kinailangan kong gawin, binigay ko."

Nakita naman daw ni Bea ang malaking tiwala sa kanya ng Star Cinema, lalo pa nga't anniversary offering ng film arm ng ABS-CBN ang movie niya kasama sina Sam Milby at Derek Ramsay.

"Happy ako sa kinalabasan. Alam mo, hindi sa nagmamayabang, pero confident talaga ako sa pangyayari," ani Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nagkagusto sa One More Chance nila ni John Lloyd, masasabi ba niyang mas maganda ang And I Love You So?

"Magkaiba sila ng story, pero hindi siya papahuli sa One More Chance," sagot ng young actress.

How hard it is for Bea na hindi na si John Lloyd ang ka-partner niya, kundi sina Derek at Sam na? Malaki ba ang naging adjustment niya?

"Malaking adjustment," pag-amin ng young actress. "Kasi kami ni John Lloyd, kapag nagkatinginan kami niyan, kahit bago mag-eksena, alam ko na kung ano ang gagawin niya. Paano ang attack at saka yung way ng pag-uusap namin kapag nasa set kami, very professional. Alam na namin kung paano ia-approach. Halimbawa, may ire-request ako na, 'Puwede bang halikan mo ako rito, or puwede bang bubulungan kita rito...' Ganun yun, e.

"But, nag-enjoy ako working with Derek and Sam, kasi parang naging raw ka ulit. Hindi na de numero. Since hindi mo alam kung paano sila iha-handle, naging challenge sa 'yo at mas na-push ka beyond their expectation."

ONLY GOOD WORDS FOR BEA. During the Q&A portion sa presscon ng And I Love You So, halos daig pa ni Bea ang kakandidato sa magagandang salitang binitawan ng co-stars niya sa movie at maging ng direktor nila na si Laurenti Dyogi tungkol sa kanya.

Isa sa naging very open sa paghanga sa kanya ay ang veteran actress na si Ms. Coney Reyes. Ayon dito, she thinks Bea would be "the next important actress and star."

Ano ang masasabi ni Bea sa hayagang papuri sa kanya ni Ms. Coney?

"Sobrang thankful!" bulalas niya. "At saka napakasuwerte ko kasi hindi lahat ng batang artista, nakakatrabaho ang isang Coney Reyes. Bata pa lang ako, pinanonood ko na siya. At yung eksenang yun na ipinapalabas sa trailer, ite-treasure ko yun sa puso ko, buong buhay ko. Ang sarap niyang katrabaho. Ang sarap-sarap niyang katrabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A DARING BEA. May isang eksena sa trailer ng And I Love You So na naka-two-piece si Bea. Kinausap naman daw siya ni Direk Lauren na it's about time na gawin niya ang ganung klaseng eksena.

"Hindi naman nila ako pinilit," sabi ng young actress. "Kinausap ako ni Direk Lauren nang masinsinan na kailangan para sa pelikula. Kailangan ko sa career ko. Kailangan. Nasa tamang oras.

"Noong sinabi niya sa akin yun, ang taba ko pa! Galing pa ko ng Betty [La Fea], pero pinagtrabahuhan ko. Hindi ako kumain nang bongga. Ano lang, yung nilagang saging. Feeling ko nga, nagsasawa na kayong makarinig ng nilagang saging!" natatawa niyang sabi.

Gaano naman ka-intimate ang love scene nila ni Sam dito?

"Pinaka-intimate na nagawa ko ever," sagot ni Bea. "Pero kayo na ang mag-judge, baka iba-iba naman kasi tayo ng perception sa daring. Siguro lang, ito na ang pinaka-daring na nagawa ko."

Sabi ni Direk Lauren, nakita raw niyang naiilang si Bea noong umpisang kuhanan ang love scenes nila ni Sam. Totoo ba ito?

"Oo, ganoon din naman ang naramdaman ko kay John Lloyd kahit matagal na kaming magkasama. Siyempre, may ibang tao dun. Kung kami lang sana okey! Tapos, makikipaghalikan ka sa isang lalaki na hindi naman kayo, di ba?" saad niya.

Kay Sam lang daw siya nagkaroon ng love scene sa movie, though mas marami raw silang sensual scenes ni Derek.

Ayaw namanng sabihin ni Bea kung ano ang vital statistic niya ngayon dahil marami ang nakapansin sa suot niya nung presscon kagabi na kitang-kita ang cleavage niya.

"Wag na! Wag na nating sabihin yun!" tawa niya. "Sabi ko nga, launching ngayon ng buhok ko at cleavage ko. Pasabog 'yan! Siguro lang, mas nagiging confident na ako ngayon with my own skin, with my own body."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN