Bea Alonzo on Sam Milby: "Feeling ko, hindi malabo na magugustuhan ko siya."

""Parang hindi mo naman mapaghahandaan yun, di ba? Parang you can never say that you're ready to fall in love again. Kasi, ibibigay yun, e," says Bea Alonzo about falling in love.


Diretsahang sinabi ng director ng And I Love You So na si Lauren Dyogi na gusto niya kung ang mga bida ng pelikula na sina Bea Alonzo at Sam Milby ay magkakagustuhan in real life.

Sa presscon ng And I Love You So kagabi, August 5, ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bea kung bakit parang may effort ang mga kasama nila sa movie na maging sila ni Sam?

"Sa Star Cinema!" natatawang sabi ni Bea.

Pero nilinaw ng young actress na hindi naman ito for promo sake lang.

"Kasi, bago pa man kami mag-start ng movie, itong si Vanessa, Maging Sino Ka Man pa lang, sa start ng story, kaming dalawa ni Sam dun, di ba? Sabi nila, nakikitaan nila kami ng chemistry. At saka, all the more noong makilala na niya kami personally, ako at saka si Sam, sinasabi na niya na bagay kami, kasi pareho kami halos ng ugali," paliwanag ni Bea.

Okey naman ba sa kanya si Sam?

"Ay, napakabait! At saka, hello, tatanggihan mo ba si Sam?" natatawang sabi niya. "At saka, aminin n'yo naman, ang guwapo-guwapo ni Sam at napakabait naman niyang tao."

Si Bea ba ay magkakagusto kay Sam?

"Bakit, ikaw ba, hindi ka ba magkakagusto kay Sam?" balik-tanong niya. "Gusto ko siya as a person. Feeling ko, hindi malabo na magugustuhan ko siya."

Anong meron si Sam na nagugustuhan niya?

"Totooong tao siya," sagot ni Bea. "He's very candid. Hindi siya nag-e-effort to be like others. Physically naman, pinakagusto ko yung mata niya."

Kailan pa siya nagkaroon ng ganoong feelings for Sam?

"Simula noong makilala ko siya, nagustuhan ko siya. Kasi, kapag kinausap mo siya, kahit siguro isang araw ka lang mag-spend ng time with him, maiiba yung tingin mo sa kanya kasi ano siya, pure, e. Di ba tayo, parang ano, nagiging jaded tayo na wala nang ganoong kabait na tao? Pero sa kanya, nagiging totoo yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"READY... ALL THE TIME!" Bakit mukhang yung mga taong nakapaligid pa sa kanya ang naiinip at gusto na siyang magkaroon ng lovelife?

"Siguro kasi parang naiinip na sila sa akin. Parang wala nang pinag-uusapan."

Pero ready na ba siya to fall in love again?

"Oo, ready ako, all the time!" tawa niya. "Parang hindi mo naman mapaghahandaan yun, di ba? Parang you can never say that you're ready to fall in love again. Kasi, ibibigay yun, e."

Sabi rin ni Sam, he's ready to fall in love again. Kung sakali't ligawan siya ni Sam, okey lang ba kay Bea

"A, hindi ko iko-close ang door ko," sagot niya.

Noong time na sina Anne Curtis at Sam pa, nakaramdam ba siya ng parang, "Ang suwerte naman ni Anne?"

"Oo, oo naman. At suwerte rin naman si Sam kay Anne noong mga panahong yun. At hanggang ngayon, kahit na mag-ex sila, napakaganda ng relasyon nila noon. Naging saksi rin naman ako dahil gumagawa kami ng Maging Sino Ka Man noon, nakikita ko."

Kung sakali at manligaw nga sa kanya si Sam, kailangan pa ba nitong magpaalam kay Anne?

"Siguro naman, with all due respect. Pero wala pang ganoong pangyayari," nakangiti niyang sabi.

WHAT HAPPENED WITH JAKE? Mag-iisang taon na ring walang boyfriend si Bea. Ano na nga ba ang nangyari sa kanila ni Jake Cuenca. Hindi na ba talaga itinuloy ang kung anumang namagitan sa kanila?

"May mga hindi kaaya-aya na pangyayari. May mga situwasyon na ibinibigay na hindi nagiging kayo. Parang napigil agad. Parang ganoon," makahulugang sagot ni Bea.

Dahil ba ito sa ginawa ng ex-girlfriend ni Jake na si Roxanne Guinoo?

"Hindi. Maraming pangyayari. Hindi lang naman si Roxanne."

Siya ba ang lumayo o dumistansiya?

"Medyo!" natatawang sabi ni Bea. "Well, oo, oo. But, you know, I still think... Well, bakit ba natin siya pinag-uusapan?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinuldukan na ba niya ang kung anumang meron sila ni Jake?

"Hindi pa kami nagkakausap," aniya.

Sa tingin ba ni Bea ay may dapat pa silang i-settle since hindi pa sila nagkakausap?

"Wow, ha, gini-grill n'yo ako dito!" natatawang sabi ng dalaga. "Siguro may tamang panahon sa lahat ng bagay."

Hindi pa siya ready na kausapin si Jake?

"Ewan ko, mararamdaman ko na lang kung kailan yun. Hindi ko masasabi. Mamaya paglabas ko, nandiyan pala siya."

Ngiti ang sagot ni Bea nang tanungin ng PEP kung sinaktan ba siya ni Jake. Aniya, hindi naman daw naging sila at hindi rin nagkaligawan.

"Kasi, hindi naman ligawan. Simula noong kay Mico [Palanca, Bea's ex-boyfriend], sinabi ko na ayoko ng ligawan. Gusto ko, simulan lahat sa friendship. Parang medyo napaso ako sa ligawan stage. Palaging perfect kapag ligawan. So, gusto ko, friendship na lang," paliwanag niya.

Pero bakit parang nasaktan siya?

"Bakit sinabi ko bang nasaktan ako?" tawa niya.

So, nasaktan nga ba siya ni Jake?

"Ano ba 'yan? Wala nang ganun! At saka, hindi ko naman sinabing hindi kami okey. Ang sinabi ko, hindi lang kami nag-uusap pa."

You just feel that there's something to settle?

"Siguro...siguro... Hindi ko lang kasi naiintindihan. May mga bagay na hindi ko naiintindihan. Siguro, hindi kami nagkakaintindihan, parang ganoon."

Bakit nga ba siya dumistansiya kay Jake?

"E, kasi, gusto ko ng tahimik ang buhay ko. Na-feel ko lang na yun ang dapat kong gawin. So, susundan mo ang gut feel mo, baka mamaya..." bitin niyang sabi.

Parang may dapat pang i-settle si Jake noon at ayaw niyang ma-involve?

"Siguro ganun, ayoko lang ma-involve. Kumbaga, paso pa ako that time at ayokong mapaso ulit. Kumbaga, nagiging careful lang ako sa sarili kong nararamdaman."

Si Jake ba, walang effort to reach out to her, especially nagkikita naman sila tuwing Linggo sa ASAP?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka meron din siyang sariling pinagdadaanan," sabi ni Bea. "Ayoko siyang i-judge, kasi may sari-sarili tayong journey. Ako, doon ako nanggagaling at hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan niya. At saka happy na siya, huwag na natin siyang i-bother."

Hindi siya nanghihinayang sa kinahinatnan ng friendship nila ni Jake?

"Okey naman ako. Okey naman ako as a person. Buo pa rin naman ako."

For the record, si Mico pa lang naman daw talaga ang naging boyfriend niya nang totoong-totoo, for one and a half years.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN