Mark Anthony Fernandez is mesmerized by Marian Rivera's beauty

"Kahit sino naman, matutulala talaga kay Marian. Iba kasi kapag napapanood mo lang siya sa TV at iba kapag kaharap mo na siya at may eksena kayo. Sa totoo lang, napatanga talaga ako sa harap niya. Buti na lang may presence of mind ako kaya mabilis kong naisip ang mga linya ko. Or else, mate-take two kaming dalawa dahil sa akin!" says Mark Anthony Fernandez about leading lady Marian Rivera (inset).


Sa tinagal nang artista ni Mark Anthony Fernandez, hindi pa rin daw niya napigilan na natulala sa ganda ng kanyang leading lady sa Darna na si Marian Rivera.

Ikinuwento nga ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na minsan daw ay nakakalimutan niya ang mga sasabihin niyang linya dahil nakatitig siya sa magandang mukha ni Marian. Kakaiba raw kasi ang ganda ng bagong Darna para sa kanya.

"Kahit sino naman, matutulala talaga kay Marian," sabi ni Mark. "Iba kasi kapag napapanood mo lang siya sa TV at iba kapag kaharap mo na siya at may eksena kayo. Sa totoo lang, napatanga talaga ako sa harap niya. Buti na lang may presence of mind ako kaya mabilis kong naisip ang mga linya ko. Or else, mate-take two kaming dalawa dahil sa akin!"

FIRST TAPING. Sinabi rin ni Mark na nung first time daw nilang magkita ni Marian sa location ng Darna sa Bulacan ay muntik pa niyang hindi mabati nang maayos ang kapareha.

"Nahiya nga ako noong first time naming mag-meet sa set. Kakagising ko lang no'n dahil sa haba ng biyahe papunta sa location namin. Noong makita ko siya, nag-hi lang ako. As in, simpleng hi lang. Nahihiya kasi ako dahil bagong gising ako at baka hindi mabango ang hininga ko at hindi maayos ang hitsura ko. Gusto ko kapag humarap ako kay Marian, maayos ako. Yung presentable ako.

"Noong magkaeksena na kami, nag-sorry naman ako sa kanya sa informal na introduction ko. Naintindihan naman yun ni Marian. Before we knew it, nagtatawanan na kami sa set. Nagkaroon na kami ng magandang bonding sa set," lahad ng dating miyembro ng Guwapings.

NOTHING TO BE JEALOUS ABOUT. Hindi kaya pagselosan ng misis ni Mark si Marian?

"Hindi naman gano'n si Melissa [his wife]," paniniguro ni Mark. "Naiintindihan niya ang trabaho ko. Noong magkaroon ako ng magandang comeback sa showbiz, she was there beside me and giving me support. Kaya walang selosan na magaganap. Trabaho lahat ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsaka alam ko naman na may boundaries na hindi ko dapat i-cross. Happily married family man ako at may Dingdong [Dantes] na si Marian. Kaya yung sa amin ni Marian, ang gusto namin ay magustuhan din ng mga manonood ang tambalan namin. Alam ko na mahirap nang pantayan ang naging team-up nila ni Dingdong. Phenomenal na ang tandem nila. Gusto lang namin ay mag-enjoy din sila sa team-up namin kasi bago ito."

MARIAN'S BIRTHDAY. Ano naman kaya ang ireregalo niya kay Marian sa birthday nito sa August 12? Ayon kay Marian ay taping raw nila sa araw na 'yon.

"Hindi ko pa alam, e. Gusto ko sana galing sa aming lahat na nasa production staff para masorpresa si Marian. Kung mag-ambag-ambag ang buong staff and cast ng Darna, sasama ako diyan!

"Kung personal gift naman, hindi material na bagay ang gusto kong iregalo kay Marian. Gusto ko ay galingan ko ang bawat pag-arte ko para hindi ako mapahiya sa kanya. Best gift ko iyon sa aking leading lady," pahayag ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN