Desiree del Valle does not want to talk too much about her breakup with Vhong Navarro

"Every relationship is always a learning experience to make you also a better person. Darating at darating din 'yan. It's not always as planned. Di ba, minsan nagkakaroon din ng argument na nauuwi sa hindi maganda? Pero, life just have to go on, e. Ganoon na lang," says Desiree del Valle.


One of the original casts ng high-rating primetime series ng ABS-CBN na May Bukas Pa si Desiree del Valle. Isa rin siya sa hindi umaasang aabutin ng ilang buwan sa ere ang kanilang show, na noong una'y experimental talaga sa part ng management.

"We're very proud na pinapanood ng mga tao [ang show]. Kasi, ang daming lessons na mapapanood sa show na ito. Tapos ngayon, aabutin pa kami hanggang January 2010. Very happy and very grateful talaga na maraming nanonood and we're still No. 1 kaya very happy kami," saad ni Desiree nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

On a personal level, nagkaroon din ba ng impact sa kanya ang show?

"Oo, mas kinakausap si Bro ngayon. Mas naging prayerful ako. Iba talaga yung your own relationship with God at saka lumalabas din yung positive with your family. Ang dami talagang positive na nangyayari," sagot ng aktres, na ang tinutukoy na "Bro" ay ang tawag ng bidang bata sa May Bukas Pa na si Santino (Zaijian Jaranilla) kay Jesus Christ.

BREAKUP WITH VHONG. Nagpahiwatig naman si Desiree na hindi pa rin siya handa na pag-usapan kung ano ang nangyari sa halos three-year relationship nila ng ex-boyfriend niyang si Vhong Navarro.

Mabilis kasi ang naging tugon niya nang tanungin namin kung kumusta na sila. Aniya, "Okey naman. Pero if you'll gonna ask me what happened, I wouldn't... I don't think I wanna answer."

Pero nakapag-move on na ba siya?

"Oo naman," sagot ni Desiree. "I think I have, and okey naman ako. Busy naman ako with work."

Masasabi ba niyang nauwi naman sa friendship ang naging breakup nila?

"Oo, but I don't wanna say anything about it," maikling tugon niya.

Wala pa naman daw siyang nakikitang kapalit ni Vhong sa puso niya.

"This is the longest time I've been single, so happy naman ako. Matagal-tagal na rin since yung breakup, so happy naman ako na single," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May "pain" pa ba siyang nararamdaman dahil sa nangyari sa kanila ni Vhong?

"No naman," mabilis niyang tanggi. "I don't wanna say anything talaga. Tapos na, e. So, that's it! Yun lang."

Ayon kay Desiree, never pa raw na nangyari sa kanya na nagkaroon siya ng boyfriend na binabalikan niya.


LEARNING EXPERIENCE. Nanggaling na rin si Desiree sa maraming klaseng relationships. May trauma ba siya tila hindi nagiging successful ang relationships niya?

"Hindi naman trauma," sabi ng aktres. "Every relationship is always a learning experience to make you also a better person. Darating at darating din 'yan. It's not always as planned. Di ba, minsan nagkakaroon din ng argument na nauuwi sa hindi maganda? Pero, life just have to go on, e. Ganoon na lang."

Ready na ba siya sa panibagong pag-ibig?

"It's not really my top priority," sagot ni Desiree. "I'm very busy with work and my family, so okey ako sa ganito. I'm not looking for it. Darating at darating din 'yan. Pero siguro sa ngayon, kahit suitors, e... Hindi ko rin kasi alam kung nililigawan ako.

"Hindi ba, parang ayoko namang mag-assume? So, I'm still, you know, yung type of person na kailangan mo pa akong sabihan na, 'Nililigawan nga pala kita by the way, ha?' Hindi ko alam. Kasi siyempre, malay ko ba kung nagiging friendly lang pala or sweet? Sa akin kasi, wala yun, e. I've been going out with some set of friends. But these people, I wouldn't say naman na nililigawan ako, kaso hindi rin naman pala."

Hindi naman itinanggi ni Desiree ang minsang nasabi ni Vhong sa PEP na noong mamatay ang daddy ng aktres na nasa Amerika ay isa ang ex-boyfriend niya sa tumulong dito.

"Yes, he did," pagkumpirma ni Desiree. "But I don't think I should mention it. But he did at thankful naman ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is she now after her father's death?

"It's never gonna be okay naman," sabi niya. "That's one thing na kahit sinasabi ng tao na he's in a better place, parang it's never the same, di ba? Pero wala, we have to move on, ganoon talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN